Sam's POV
Umaga pa lang ay umuwi na ako, nagtext lang ako kay Ruth na nauna na akong umuwi.
Ayaw ko na rin kasi makita si Miguel, nahihiya pa ako.
Nakatitig lang ako sa kesami ng kwarto ko. Lunes pa naman bukas, magkikita kita kami kasi pareho kaming lahat ng course na kinuha, same subjects din.
Napapitlag ako ng tumunog yung phone ko. Nang tiningnan ko kung sino, si Ruth pala. Hindi ko sinagot kasi alam ko magtatanong lang sya at hindi sya matatapos sa pagtatanong.
Tumayo ako at naligo, ng matapos ay bumaba ako pumunta sa sala. Naabutan ko dun si papa na titig na titig sa pinapanood nya. Hindi ko nalang sya dinistorbo, lumabas ako at pumunta sa garden. Umupo ako sa may swing, napakarelaxing sa pkiramdam.
"Ma'am may bisita po kayo." Sabi sa akin ng katulong namin.
Tiningnan ko yung tinitingnan nya, si Basty.
Tumayo ako at nilapitan ko sya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sam, galit ka ba sa akin?"
"Huh? Hindi ah, bakit mo nasabi?"
"Kasi ako ang nagtanong."
"Hindi, mas mabuti na nga rin yun dahil nailabas ko na yung nararamdaman ko."
"Kailan pa?"
"Ang ano?"
"Kailan mo pa sya nagustuhan?"
"Pangit bang pakinggan kung sasabihin ko na mula highschool pa tayo?"
"Bakit wala kang sinabihan?"
"Basty, ayaw ko lang may makaalam. Ayaw ko rin masira yung friendship namin na sa tingin ko ngayon magkakalamat na."
"Basta kung ano man ang mangyari, nandito pa rin kami para sayo, sa inyo."
Nginitian ko lang sya, alam ko guilty sya kasi sya ang nagtanong sa akin. Nag- aalala rin naman ako kun ano ang pwedeng mangyari sa amin ni Miguel after ko umamin.
Nagpaalam na sa akin si basty. Pumason ako sa lob at dumiretso sa kwarto ko.
Kahit nung nasa highschool pa naman ako pilit ko naman pinipigilan yung nararamdaman ko para sa kanya. Pero araw-araw ko syang nakikita kaya lumalala. Mas lalo ko pa syang minamahal.