Sam's POV
Graduation Ball namin ngayong gabi. Hindi na ako nakahindi ng pumunta na ang mga girls sa bahay namin at niyaya ako na pumunta sa salon.
"Miss, wag nyo ng ikunot ang noo nyo. Ang ganda ganda nyo pa naman." sabi sa akin ng beautician.
Ayaw ko talagang pumunta sa ball na iyon. Hindi ako komportable na nakikita si Dana at Miguel na magkasama.
Inayos ko nalang ang mukha ko para hindi na rin sya mahirapan sa pag reretouch sa akin.
"Sam, come on. Malapit na tayong maging working girls, hindi na natin to magagawa at hindi rin natin alam kung ano ang mangyayari sa atin."-Ruth
Na guguilty ako, kasi sila gusto nila na magsama sama kami, pero ako yung umaayaw.
"Sorry ha, hindi ko man aminin pero alam ko na nararamdaman nyo kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Nahihirapan lang talaga ako saka umiiwas na rin ako."
Tiningnan lang nila ako sa salamin nila at nginitian ako.
Nang matapos kaming ayusan ay nagbihis na kami.
Sumakay kami sa sasakyan ni Ruth at pumunta na sa school. Medyo late na rin kami ng makarating kami.
Agad kami nilang nilapitan ng mga lalaki at binati kami.
"Sam, looking good huh!"
Inirapan ko lang si Basty. Pumasok na kami sa loob at nakita ko sa tabi si Miguel na kasama si Dana.
Parang tinusok ng karayom ang puso ko ng halikan ni Dana si Miguel.
Nagsimula na ang party pero ako nasa tabi lang. Nilapitan ako ng isa sa mga kaklase namin para isayaw pero umayaw ako at nasundan pa yun. Hindi na ako humindi kasi para na akong mababaliw na walang kausap at magawa.
"You look so beautiful Sam."-Daniel
"Thank you." at nginitian sya.
"I hope I can take away the sadness in your eyes."
Napatingin ako sa kanya at nakita ko sa mata nya yung lungkot din.
Ngumiti sya sa akin. "Hindi nya alam kung ano yung pinakawalan nya, who ever that guy is, napaka bobo nya."
"Paano?"
"The way you look at him, its also the way how I look the woman I love."
"S-sino?"
"Dana. She's my ex-girlfriend, she broke up with me when Miguel starts to get her attention."
"Saklap ng kapalaran natin. Pero mas masaklap yung akin, kasi hindi sya naging akin talaga hindi ko naranasan na mahalin nya, pero ikaw naranasan mo na." tumulo yung luha sa mata ko.
Inangat nya ang mukha ko at pinahid ang mga luha ko at tinitigan ako sa mata at ngumiti. "We get his attention."
"Pwede ba kitang maisayaw?" napalingon ako sa nagsalita, si Miguel.
Hindi pa man ako nakasagot, ibinigay na ako kaagad ni Daniel kay Miguel.
Matagal bago may nagsalita sa amin.
"Sam, I don't want us to separate ways like this."
Nakatingin ako sa kanya ng diretso,. Kung ito man ang huling gabi na masisilayan ko sya gusto ko maalala kung ano yung itsura nya.
"Hindi mo ba inisip na baka ito ang mas madali para sa akin.. para hindi masaktan."
"Sam, hindi kita gustong saktan. Stop loving me."
Umiling ako. "Kung sana ganoon kadali sana matagal ko ng ginawa. Pero hindi e, araw araw minamahal kita." Yumuko ako ng tumulo yung luha ko.
"Ano ang gusto mong gawin ko?"
"Wala, hindi ko naman pwedeng sabihin na mahalin mo rin ako. Iwasan mo lang ako tulad ng ginagawa ko."
"You know, I can't do that. You are important to me."
"Then, stop treating me like that, kasi yun ang ginagawa ko ngayon."
Lalayo na sana ako pero hinila nya ako at niyakap ako. Napahagulhol na ako dahil nasasaktan na ako ng sobra.
Hinawakan nya ang baba ko at hinalikan. Nag maghiwalay ang labi namin ay bumulong sya.
"If this is the easy way for you, then forget me." Pagkatapos sabihin nun ay tinalikuran nya ako. Naiwan ako sa dance floor na umiiyak, mabuti nalang di ako pinapansin ng ibang sumasayaw.
Tumakbo ako palabas ng hall at pumunta sa madilim na lugar at doon umiyak ng umiyak.
Dito sa lugar na to matatapos ang katangahan ko. Dito ko iiwan lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Dito ko ililibing ang pagmamahal ko para kay Miguel.