Miguel's POV
"Miguel, na miss ka namin."-Rosie
Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Bakit hindi ka na nagpapakita sa amin?"
"Masyado lang busy."
Inirapan nya lang ako. Hinila nya ako sa loob at nakita ko dun si Basty.
"Nasaan si Trisha? Nagbago na ba isip nya?"
"Umalis kaninang umaga may susunduin lang daw, nagtext sya on the way na daw sila."
"Sila? Sino ba sinundo nya?"
"Hindi ko rin alam eh."
Sampung minuto bago magsimula ang party ay dumating si Trisha, ngiting ngiti ito na humarap sa aming lahat.
"Guys, guess what?"
"What? Nakabunggo ka?"
Inirapan ni Trisha si Lyca na nakataas ang kilay.
"Hindi noh! Nahanap ko na ang taong bubuo sa atin ngayong gabi?"
Lumabas sya ulit at ng pumasok ay may hinihila na ito.
"Ano ba Trish, wag mo nga akong hilain."
Natulala ako ng mapagsino ko yung hinihila nya, Si Sam.
"I search her everywhere, then one time ng pumunta ako sa Batanes to find a place for the wedding, I saw here there."-Trisha
"Hi, guys, nice to see you all again."
"Oh my God, ayaw ko umiyak pero nakakaiyak talaga. I miss you so much."- Ruth
Niyakap ito ni Ruth at sumunod na rin ang iba.
"Ano, tatayo ka nalang dyan? Hindi ka ba makikigroup hug?"- Basty
Tiningnan ko si Sam na nakatingin din sa akin. Lumapit ako at nakiyakap na rin sa kanila.
Nagsimula na ang party pero nakatingin lang ako kay Sam. Hindi ko alam pero parang na namagnet ako.
"Nako baka maglaho yan dahil sa titig mo."
Nilingon ko ang nagsalita, si Rosie na ngiting ngiti sa akin.
"Hindi naman ako nakatitig sa kanya ah."
"Hindi nga! Hindi halata! e, naiilang na ang tao sayo!"
"Alright, may something lang kasi sa kanya na hindi ko ma explain."
"Ano? Gumanda sya lalo? Inlove ka sa kanya?"
"Sa tingin mo, okay lang ba na kausapin ko sya?"
"Oo naman sa tingin ko wala na sa kanya yung nangyari sa inyo."
Tinitigan ko sya ulit, namiss ko rin pala sya.
Nagkakasiyahan na ang lahat pati na si Sam, pero ako nakaupo lang sa table namin at tinitingnan sila.
I just want to know if how she is. If what happened to her after grad and if she already forgive me.
"Hindi ka ba makikisali sa amin?"
Tiningnan ko ang nagsalita, si Sam, hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala sya sa amin.
Ngiting ngiti sya sa akin at nakatitig na hinihintay ang sagot ko.
Nginitian ko rin sya. "Siguro mamaya nalang, nag eenjoy akong tingnan kayo."
"Come on." Hindi na ako nakahindi dahil hinila nya na ako.
I think she's really over me, her smile is different right now, she looks so happy and I'm glad that finally nakalimutan na rin nya ako.
Pero bakit iba yung naramdaman ko ng makita ko sya ulit, siguro namiss ko lang sya ng sobra.
Masaya ako na makita syang masaya.