Miguel's POV
"Umamin ka, iba na ang nararamdaman mo sa kanya no?!"- Joseph
Kung hindi ko lang kilala ang lalaking to mapagkakamalan ko syang bakla dahil napaka tsismoso.
"Hindi ko rin alam ang nararamdaman ko sa kanya. Ayaw ko na sya mawala uli. Kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya itatago ko nalang kaysa mawala sya uli."
Umiling iling sya dahil sa sinabi, "Iba na talaga bro. Kung ako sayo, sabihin mo dahil baka yan rin ang hinihintay nya."
Tiningnan ko si Sam kasama ang ibang babae. Ang ganda nya pero naging maputla sya. Yan ang una ko napansin ng una ko syang makita.
"May sakit ba sya?" tanong ko kay Joseph
"Ano bang tanong yan, syempre wala, makakangiti ba ng ganyan ang may sakit. Utak mo!" tumayo na sya at iniwan na ako.
Hindi ko na alam kung ano yung nararamdaman ko talaga para sa kanya. Sasabihin ko rin sa kanya kung magkakalakas loob ako, ayaw ko rin sya saktan uli. Tama na ang minsan na nagkasakitan kami.
"May problema ba?" napatingin ako sa nagsalita, si Sam. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala sya.
"Wala naman." sagot ko sa kanya
"Bakit nandito ka? Ba't hindi ka nakisali sa amin?"
"Natutuwa lang akong pag masdan kayo, ikaw ba't umalis ka dun?"
"Pagod na ako. Gusto ko muna magpahinga, ang harot ni Ruth ayaw tumigil."
Umupo sya sa tabi ko at pareho kaming nakatingin sa mga kaibigan namin na naghaharutan.
"Sam." tawag pansin ko sa kanya.
"Uhm?" tumingin sya sa akin na nakangiti.
"Bakit hindi ka nagpakita sa kanila?"
"Siguro pareho lang tayo ng dahilan."
"I'm sorry."
"Bakit? Ano ba ang dahilan mo?"
"Hindi ko pa kayang makita ka."
"Hanggang ngayon ba?"
"Syempre hindi na, iba na ngayon."
Ngumiti lang sya sa sagot ko.
"Sana matagal ko pa kayong makakasama no, sana makikita ko pa kayong nagkaka anak."- Sam
"Bakit? Aalis ka ba?"
"Hindi natin masasabi kung ano yung mangyayari sa susunod na araw. Kaya kung kaya ko pa magpatawad gagawin ko, kung kaya ko pa magpasaya, magmahal gagawin ko." nakita ko yung pamumuo ng luha nya.
"Sam, may problema ba?"
Huminga sya ng malalim, "Wala, naiisip ko lang ang future." Pagkasabi nun agad syang tumayo at pumunta sa grupo. Ang weird nya magsalita para kasing may masamang mangyayari sa kanya.