Epilogue

244 4 1
                                    

Dalawang araw after sa nangyari sa dinner, bumalik kami ni Miguel sa Batanes. Ayaw sana pumayag ni papa pero nangako sya na aalagaan nya ako kaya pumayag na rin ang huli.

Nakaupo sa may buhangin, nauna na ako kay Miguel dahil may pinuntahan pa sya.

Nakatingin lang ako sa kalayuan at nag-iisip, na sana magiging matagal pa yung buhay ko, pero kung hindi na pwede okay lang dahil nabigyan ko ng chance ng sarili ko na maging masaya at magpasaya sa iba.

"Anong iniisip mo?" napatingin ako sa may nagsalita at nakita ko si Miguel.

"Iniisip ko na baka naligaw ka na. Saan ka ba galing?"

"Binili ko lang to." may inilabas sya sa likod nya, mga bulaklak. Napalaki yung mata ko sa nakita. "Naisip ko lang yung kwento mo sa akin noon tungkol sa bulaklak. Na big thing sayo pagnaka tanggap ka ng bulaklak sa isang manliligaw. Na kung bibigyan ka ng bulaklak yung lalaki na yun ang gusto mo makasama habang buhay."

Namula ako sa sinabi nya. Totoo yun, highschool pa lang kami ng sinabi ko yun sa kanya.

"Naalala mo pa yun?' tanong ko sa kanya.

"Oo naman." sabi nya sa akin na seryoso yung mukha. "Kaya kung sana.. pumayag ka na...magpakasal sa akin." Lumuhod sya sa harapan ko. "Sam, will yo marry me? I don't care what will happen in the future what's important now is the present."

Nagsimulang uminit yung mata ko. "Alam mo ba.. nung highschool tayo, naiilusyon ko na liligawan mo ako.. at pag nasa college na tayo magiginng fiancee na kita.. nakakainis ka." hinampas ko sya sa braso.

"B-bakit?"

"Kasi ginawa mo lang ng isang linggo eh." tuluyan ng nalaglag yung luha ko. This time its tears of joy.

Napatawa lang sya sa sinabi ko, "So, ano na, will you marry me?"

"Yes! OO! I will marry you." niyakap ko sya kaagad, parang kami lang yung tao sa lugar na yun dahil wala kaming pakialam sa ibang naroroon.

"Tatawagan ko si papa"

"Alam na nya, hiningi ko na ang mga kamay ko sa kanya before tayo umalis. Pumayag sya at ang ate mo."

Nakatingin lang ako sa kanya na umiiyak pa rin. "Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya."

"No, ikaw, hindi mo alamkung gaano ako kasaya ngayon."

Nagyakapan kami uli. Kung kukunin naman ako ngayon o kung kailan man ako na ang pinakamasayang tao dahil naranasan ko ang mahalin at magmamahal. Na may maganda akong babaunin pag umalis na ako.

Bumitaw ako sa kanya, "I love you so much, Miguel." Hindi ko na hinintay na sumagot sya, hinalikan ko sya..matagal.. ng bumitaw ako pareho kaming hinihingal.

"I love you too,Sam."



First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon