Chapter 13

131 2 0
                                    

Sam's POV

Gabi na at nagdesisyon sila na mag bobonfire kaya nandito kami sa tabing dagat. Ang mga lalaki ang naghahanda ng sa bonfire.

Mag-isa akong nakaupo sa tabing dagat. Nang malaman ko yung tungkol sa akin, sinabi ko sa papa ko na gusto ko malapit kami sa dagat.

Gusto ko maramdaman yung katahimikan, yung ang naririnig ko lang ay ang alon. Pakiramdam ko kasi yung buhay ko ay sumasabay sa bawat alon na humahampas sa dalampasigan.

"Pwede ba akong tumabi?"

Tiningnan ko yung nagsalita, si Miguel.

"Oo naman, halika ka."

Nararamdaman ko na nakatingin sya sa akin kaya tiningnan ko rin sya at nagtama ang paningin namin pero agad din akong umiwas.

"Ano ba ang nakikita mo?"

"Wala naman.. gusto ko lang umupo dito..Saka, ang sarap pakinggan ang alon."

Katahimikan ang sumunod na namayani sa amin.

"Sam.. what happened after grad?"

"H-huh?..ano..wala namang masyadong nangyari."

"Bakit kayo umalis sa dating bahay nyo?"

"May mga bagay lang na dapat gawin sa malayo."

"Sam.. I'm sorry sa nangyari noon."

Tiningnan ko sya at nginitian.

"Ano ka ba, kalimutan mo na yun. Siguro both of us or maybe just me need to grow up to realized that everything I felt before was all just infatuation."

Nakita ko sa mata nya yung pagkadismaya, wala naman sigurong masama sa sinabi ko. Dahil sya na rin nagsabi sa akin noon na hindi nya ako mahal, na special friend lang ang tingin nya sa akin.

"I'm glad dahil finally you realized that I'm not worth it."

"Di ko naman sinabi na hindi ka worth it, na realized ko lang na may mas importante kesa sa pagmamahal ko sayo.. Alam mo, hindi ako nagsisisi na minahal kita ng palihim dahil kahit palihim naging masaya rin ako... Oo nasaktan ako, pero ganoon naman siguro yun, life is not fair kaya tanggap ko na."

Nakatitig lang sya sa akin na para bang iniisip ang bawat kataga na binitawan ko.

"Ang totoo nyan, I was so guilty when I hurt you, I treasured you a lot before, kasi sayo lang ako naging totoo, pero I never expect na we will turned out like that. Nasayangan lang din ako sa friendship na binuo natin, dahil natapos lang sa ganoon."

"Who said our friendship ends?" nginitian ko sya ng matamis.

May pagtataka sa tingin nya. "Miguel, lets start again, but lets promise to each other na wala dapat sa atin ang mainlove.. kaya mo ba?"

Nakangiti na rin sya sa akin. "I promise."

"Pinky swear." napatawa sya sa sinabi ko, we've been doing this before pero iba na ngayon na tumatanda na kami.

"Pinky swear."

Binalik ko ang tingin ko sa dagat, kahit wala akong makita nakontento na ako sa alon na naririnig ko.

Masaya ako dahil pakonti konti ay maibabalik ko sa dati yung nawala sa akin before. Na sa pag alis ko, masaya ang babaunin ko.

"Hoy! Halika na kayo, magsisimula na ang marshmallow party."-Basty

Tinulungan nya akong makatayo at naglakad kami papunta sa grupo.

Binigyan kami ni Ruth ng tig iisang stick na may marshmallow.

Itinapat ko yung akin sa apoy, nang sa tingin ko na uminit na ay nilayo ko na sya sa apoy.

"Aray!" napaso yata ako dahil hinawakan ko agad yung marshmallow na natutunaw na.

Nabigla ako ng hinawakan ni Miguel yung kamay ko.

"Okay ka lang ba?" hinipan nya ang kamay ko. Tiningnan ko sya at nababakas sa mukha yung pag aalala nya.

Kahit yung mga kasama namin ay nagulat sa ginawa ni Miguel, nakikita ko sa mata ni Rosie at Ruth yung panunudyo.

"O-okay lang ako." kinuha ko yung kamay ko sa kanya.

Na realized nya rin siguro yung ginawa nya dahil umayos sya ng upo. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsiko ni Joseph sa kanya.

Napatingin ako sa kawalan, dapat ko pigilan ang sarili ko, kahit mahal ko pa sya hindi na dapat. Natatakot ako na baka panandalian na naman yung pagmamahal ko sa kanya.


First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon