Sam's POV
"Oyyy!! Sam!" napalingon ako kung sino yung tumatawag sa akin. Si Trisha.
"Hi." Bati ko sa kanya.
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman."
"Alam mo, masaya ako, kasi finally umamin ka na. halata naming mga girls na may gusto ka sa kanya. The way you look at him, it's different when you look at the other guy."
"Masama ba na umamin ako?"
"No, of course not. Depende na yun kung paano tanggapin ni Miguel yung nalaman nya, don't worry. Pinuntahan ka ba ni Basty? Naguilty masyado yung tao, hindi rin sya nakatulog."
"Oo, pumunta sya sa amin kahapon. It's not a big deal naman."
Pumasok kami sa room namin ng makarating kami doon. Nakita namin ang mga barkada namin na nasa isang umpukan lang. lalapit sana ako pero nakita ko si Miguel na nakatingin sa akin, our eyes met, ako yung unang umiwas.
Hindi nalang ako sumali sa umpukan, hindi naman nila ako nilapitan ng hindi talaga ako lumapit.
Nang magsimula ang klase, hindi ako nakapag concentrate dahil tumatakbo kung saan-saan yung isip ko.
Nang break na namin, nagyaya sila na sa library kami tumambay pero humindi ako.
"Bakit?" may pagtatakang tanong sa akin ni Joseph.
"Dun muna ako sa garden, magpapahangin." Tumalilis na ako para hindi na sila makapagtanong. Narinig ko pa ang sabi ni Lyca, "Aircon naman sa library,ah!"
Naglakad ako papunta sa garden, dito nakakapagrelax talaga ako. Kahit sa tabing dagat, feeling ko garden at dagat ang peaceful place ko.
"Nagyoyoga ka ba?"
Napadilat ako ng mapagsino ko yung nagsalita, si Miguel.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"Sam, lets talk."
"Wala naman tayong dapat pag-usapan ah."
"Meron. Tell me that you're not serious when you said that you love me."
Tiningnan ko sya ng masama. Sa pagkakaalam ko seryoso ako sa panahong iyon.
"Totoo yung sinabi ko. Just forget it."
"Sam, I can't love you."
"Why?" because you see me as a baby? Sinabi ko yun pero hindi ibig sabihin na you should love me in return."
Tatayo na sana ako pero pinigilan nya ako.
"I can't love you because you're just like a sister to me. Masyado na ring matagal ang pinagsamahan natin. I'm-"
"No, don't say you're sorry. I love you since we were in highschool. I tried not to love you pero hindi ko talaga mapigilan. Don't ever say sorry."
Tumayo na ako at tumakbo sa tagong lugar. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko. Napaupo ako sa damuhan at umiyak.
Masakit pala pag narinig mo na hindi ka mahal ng taong mahal mo. Mas mabuti pa yung ipinaramdam nya nalang kaysa yung sinabi nya pa.
