Sam's POV
"Ang layo ng tingin natin ah."
Nilingon ko kung sino yung nagsalita, si Joseph.
Nasa garden ako nakaupo.
"Bakit ka nandito?"
"Ano ka ba? Ikaw kaibigan ko, nag-aalala din kami sayo hindi lang naming sinasabi."
"Okay lang ako, wag kayong mag-alala sa akin. Mas magaan na yung pakiramdam ko ngayon dahil nailabas ko nayung nararamdaman ko para sa kanya."
"Bakit hindi mo sinabi sa amin?"
"Eh kasi nga alam ko na pipilitin nyo sya na ligawan ako. Gusto ko matutunan akong mahalin ng taong mahal ko, hindi yung pinipilit sya."
"Sam-"
"Kung itatanong mo kung okay lang sa akin na may girlfriend sya, syempre hindi, ako pa yung nagpakilala sa kanila. Pero sino ba naman ako, kahit masakit kailangan ko ng tanggapin."
Tumingin ako sa kanya at ngumiti at binalik ang tingin sa malayo.
Nasasaktan ako, kasi yung taong mahal ko may mahal ng iba at parang magkakalamat pa yung pagkakaibigan namin.
Tumayo na kami para pumasok sa susunod namin klase. Malapit na rin ang graduation namin kaya naging busy na kami.
Nang makarating kami sa room naming, umupo ako sa pwesto ko habang si Joseph ay pumunta sa umpukan ng barkada, na madadagdagan na dahil kay Dana.
Mabuti nalang maagang dmating yung teacher namin.
Sinabi lang nya yung schedule ng exams at yung mga meetings para sa graduating students.
Nang matapos ang klase ay nilapita ako ni Miguel.
"Sam?"
Tiningnan ko lang sya at hinintay yung susunod nyang sasabihin.
"Galit ka bas a akin?"
Ngumiti ako ng mapait. Yung mga kaibigan namin ay nakikinig lang sa usapan namin.
Umiling ako, "Hindi ako galit, naiintindhan ko naman." Tatalikod n asana ako pero pinigilan nya ako. Tiningnan ko sya sa mata at nakita ko yung guilt sa mata nya.
"Sam, kung kayak o lang na mahalin ka gagawin ko. Sorry kung nasasaktan ka ng dahil sa akin."
Lumaki yung mata ko. "Sinabi ko yun dahil yun ang nararamdaman ko, sinabi ko yun dahil parang sasabog ako pagpinigilan ko pa talaga. Pero hindi ibig sabihin nun na kailangan mo rin akong mahalin."
Tuluyan na akong tumalikod at bumagsak yung mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako, mahal ko sya pero hindi ako nag-eexpect ng kapalit nun dahil alam ko wala akong mapapala.
"Sam, wait!" nakasunod pala sa akin sina Rosie, Ruth, Lyca at Trisha.
Huminto ako at marahang pinahid ang mga luha ko.
"Sam, sorry!"-Lyca
"S-sinabi nyo bas a kanya na sabihin yun sa akin?"
"Yes, because we thought that's the best thing for the both of you to have closure."-Rosie
"H-hindi naman dapat e. Oo nasaktan ako, pero wala akong karapatan magreklamo kasi ginusto ko naman to. Closure? Hindi naman namin kailangan yun." Sumisigok na sabi ko sa kanila.
Maybe they treated me like a baby, dahil masyado akong iyakin.
Tumakbo ako para hindi nila Makita yung sakit sa mga mata ko.
Ayaw ko masira yung pagkakaibigan namin ng dahil lang sa nararamdaman ko para kay Miguel.
Siguro mas mabuti na rin yung ako nalang ang lumayo sa kanila para hindi kami magkagulo.