Chapter 11

132 3 0
                                    

Sam's POV

Nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta muna ako sa restroom. Hindi ako makahinga sa kaba, mula ng dumating ako ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko.

For 8 months ang dami ng nangyari sa buhay ko, hindi man kasing ganda ng nangyari sa kanila pero para sa akin yun ang the best.

Totoo na nagkita kami ni Trisha sa Batanes pero hindi talaga kami nakatira doon, we are on vacation sinabi ko lang sa kanya na doon na kami nakatira.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili ko sa salamin, maputla na naman ako. Akala ko rin nagbago na ang nararamdaman ko para kay Miguel pero hindi pa rin pala. Kaya lang kailangan ko ng pigilan ang sarili ko, dahil ako lang din naman ang mahihirapan.

Lumabas na ako at tiningnan ko sila na naghaharutan. Ang saya saya nila, sana kahit dumating yung panahon na hindi na kami kompleto, sana nandoon pa rin yung saya sa kanila.

Naglakad na ako papunta sa kanila, si Ruth ang unang naka pansin sa akin.

"Oy, halika! We decided na 2 days before there weddimg ay dapat nasa Batanes na tayo. Ay! Oo nga pala taga doon ka na pala, pero dapat sa hotel ka magstay kasama namin."-Ruth

"Ang aga naman yata para sa kasal."-me

"Of course para makapag bonding naman tayo, kahit 8 months lang tayong hindi nagsama lahat, namiss rin namin kayo ni Miguel no."

Napatingin ako kay Miguel, huli na dahil nakatingin rin sya sa akin.

"Bakit? Hindi ka rin ba pumupunta?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin ako kay Ruth na sya naman ang sumagot, "Ay hindi talaga, siguro inisip nya na nandoon ka."

Bumalik ang tingin ko kay Miguel, napayuko din ako kaagad.

Hindi naman ako umiiwas kay Miguel e kaya di ako pumupunta sa monthly dinner namin, may kailangan lang talaga akong unahin para sa sarili ko.

"Pumunta ka talaga Sam, isa ka pa naman sa bridesmaid, ipapakaladkad talaga kita kay Basty."-Ruth

Napatawa nalang kami sa sinabi ni Ruth.

"Kailan ba ang kasal?"

"Next week na oy!"-Ruth

Tumango nalang ako. Pupunta naman talaga ako, I will never missed this occasion, baka kasi kay Trisha lang ako makakaattend ng kasal.

Tumayo na ako, "I have to go na guys, I'll see you next week nalang." Nagbeso ako sa kanila isa isa.

"Ihahatid na kita." Presenta ni Miguel

"No, its okay, I'll take a cab."

"Magpahatid ka na Sam, gabi na rin e." Sabi ni Joshua sabay kindat.

Nagpaalam ulit ako sa kanila at lumabas na kami ni Miguel.

Wala kaming imik hanggang narating namin ang parking lot.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan at sumakay sya sa driver seat.

"Kumusta ka na." Sabay pa kaming nagtanong

Napangiti nalang kami sa isa't-isa at ako na ang naunang sumagot.

"Okay naman ako wala namang nagbago."

"Okay lang din ako."

At natahimik na naman kami. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at tiningnan ko sya doon.

Kahit kailan hindi ko sya nalimutan, araw-araw na naghihirap ako sya ang ginagawa ko na inspirasyon para makasurvive ako. Gusto ko pa syang makita ulit para kahit man lang may maalala ako sa kanya.

Tumulo yung luha ko pero agad ko ring pinahid.

"Sam, okay ka lang?"

"Oo okay lang. Inaantok na talaga ako."

"Nandito na tayo." Tiningnan ko kung saan sya huminto, sa dating bahay namin.

Nalungkot ako ng maalala ko kung saan nagsimula lahat ng nararamdaman ko ngayon.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Thank you!.... thank you sa paghatid."

"Walang anuman."

Papasok na sana ako ng magsalita pa sya uli.

"S-sam, I'm happy to see you again."

Ngumiti ako sa kanya. "I'm happy to see you again, Miguel."

Sinenyasan nya ako na pumasok na. Pumasok na rin ako at hinintay ko sya na makaalis.

Umupo ako sa hagdanan at napatingin sa langit.

Salamat dahil binigyan nya ako ng chance na makita ang taong nagpapalakas sa akin araw-araw. Masaya na ako na bumalik yung samahan namin ni Miguel kahit nagsisimula palang kami uli. Sana bigyan nya pa ako ng mahabang panahon.


First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon