Chapter 17

119 3 0
                                    

Sam's POV

"Trish, sorry about your wedding." Sabi ko kay Trisha. Lahat sila ay nasa kwarto ko, kahit pinagsabihan na sila ng doctor na ang iba ay dapat nasa labas lang matigas pa rin ang mga ulo nila.

"Sam, it's okay. Ang importante ay maayos na ang pakiramdam mo." Nakita ko sa mga mata nya yung concern.

Sabi ng papa ko, nasabi nya kay Trisha yung condition ko kaya alam ko na labis syang nag alala sa akin ng mawalan ako ng malay.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at nakatingin sa akin na parang may gustong sabihin. Hinawakan ko rin sya na may pasasalamat.

Napatingin kaming lahat sa pinto ng bumukas yun, pumasok ang doctor.

"Samantha,how are you feeling today?' tanong sa akin ng doctor.

"I'm fine doc, can I go home now?"

"Yes, you can, but you have to promise me, that you are going to take the medications I gave to you, and some rest."

"Thank you doc."

Tumango lang ang doctor at lumabas.

Napalakpak si Joseph ng wala na ang doctor.

"So, tuloy ang honeymoon natin?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya, "Natin?" Tanong ko sa kanya.

"Yes natin. Dahil isasama tayo nila Trisha at Basty sa honeymoon nila."

Napatingin ako kay Trisha na nakangiti.

"Yes, actually kay Basty idea yun. I love it too dahil since na naghiwalay tayo ngayon na naman tayo magsasama uli."

Seryoso akong nakatingin kay Trisha alam ko na alam nya kung ano ang ibig sabihin noon.

And then she mouthed, "You'll be alright."



Pumayag din naman ang papa ko na sumama ako sa honeymoon nila, binilin nya ako kay Trisha.

Sa Dapitan ang napili nila Trisha at Basty para sa honeymoon.

"Grabe! ang ganda dito pare, saan nyo nahanap ang lugar?" - Joseph

"Ano ka ba? Wala bang tv sa inyo? Na aadvertise kaya to!" -Rosie

Tumirik lang yung mata ni Joseph dahil sa sinabi ni Rosie. Kahit kailan talaga hindi sila nagkakasundo.

Nilibot ko ang paningin ko, ang ganda nga. Para akong nasa paraiso, ang puti ng mga buhangin at ang linaw ng tubig.

"Okay ka lang ba?"- Miguel

"Okay lang ako, ang ganda nga talaga."

"Oo nga e, parang ikaw."

Napalingon ako dahil sa sinabi nya.

"Aah ano, ibig ko sabihin ang ganda parang paraiso."

Napangiti ako sa sinabi nya dahil pareho kami ng iniisip sa lugar.

"Halika, humiwalay tayo sa kanila." hindi pa man ako nakasagot ay hinila na nya ako palayo sa mga kasama namin.

"Hoy! Saan kayo pupunta?"- narinig pa naming sigaw ni Joseph.

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo pero nakaramdam na ako ng pagkahingal.

"M-maglakad nalang tayo." sabi ko kay MIguel

Tiningnan nya ako ng may pag-aalala.

"Okay ka lang ba?"- Miguel

"Oo, pero maglakad nalang tayo, di naman nila tayo sinundan."

"Sige, dito nalang tayo. Mas maganda ang view."-Miguel

Sinundan ko kung ano yung tinitngnan nya, maganda nga, dahil may isang isla sa gitna ng karagatan.

Napanganga ako sa nakita ko. Tiningnan namin ang isa't isa at nagkangitian.

"Ang ganda diba? Nakapunta na ako dito dati, ng makita ko yan minsan dito na ako laging umuupo. Tempting, para kasing tinatawag nya ako."- Miguel

"Tempting nga, hindi ba pwedeng pumunta dyan?"

"Hindi ko alam. Nang makita ko yan, sinabi ko sa sarili ko na pag nakita ko ang taong special sa akin, dadalhin ko sya dito."

Napatingin ako sa kanya, napaka seryoso nya masyado. Saka special na tao daw, special pa rin ba ako para sa kanya?

"Bakit dinala mo ako dito?" tanong ko sa kanya.

Titig na titig sya sa akin, "Because you are still special for me. Sam, kahit ayaw mo magsorry ako sayo, pero gusto ko magsorry sayo. Alam ko na hindi tama na saktan kita. Sising sisi ako sa ginawa ko, ng hindi na kita maki-." pinutol ko kung ano pa man ang sasabihin nya.

"Tama na yung isang sorry lang. Hindi naman natin ginusto kung ano ang nagyari sa atin noon. Magpasalamat nalang tayo dahil yung akala natin na tapos pero hindi pa pala. I'm glad we met again. Masaya ako."

Hindi na ako nahiya, niyakap ko na sya, tumulo ang luha ko na pilit ko pinipigilan. Kailangan ko pa rin pigilan ang sarili ko na mahalin sya kahit hindi naman yun nawala.







First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon