Sam's POV
Dumeretso na kami sa reception. Nagpaalam muna ako na pumasok sa restroom dahil sumama yung pakiramdam ko.
Pero ng maramdaman ko na naging okay na ako ay bumalik na rin ako.
"You look pale, okay ka lang ba?"-Miguel
"Oo, okay lang. Maginaw lang talaga."
Hinubad nya ang coat nya at inabot sa akin. "Here, isuot mo."
Hindi nalang ako umayaw. "Salamat."
"Feeling better?"
Tumango nalang ako. Humarap ako at tiningnan sila Trisha at Basty sa harapan.
Napangiti ako ng kinurot ni Basty si Trisha sa pisngi. Kahit lagi na nilang ginagawa yan noon mararamdaman mo pa rin yung kilig nila sa isa't isa.
Napayuko ako ng maramdaman ko na nahihilo ako. Itinaas ko uli yung ulo ko ng maramdaman ko na okay na ako, pero nagkamali ako dahil mas lumalabo yung paningin ko at mas nahihilo ako.
God, wag muna ngayon, hindi naman ako nagpapaka stress masyado.
Hindi ko alam kung kanino na ako nakatingin sa ngayon pero wala talaga akong makita na at bumibigat yung ulo ko.
"Ano ba Sam, titig na titig ka sa akin!!" kay Joseph pala ako nakatingin, yumuko nalang ako dahil hindi na rin ako makapagsalita.
Sana mawala na yung pagkahilo ko. Gusto ko muna tapusin to.
Naramdaman ko na parang may likido na lumabas sa ilong ko. Hindi ko mapigilan ang pamumuo ng luha ko dahil alam ko na ang susunod.
Pilit ko na inabot ang table napkin, pero natabig ko yung baso, hinintay ko na may bumagsak pero wala.
Napataas ang tingin ko at sunod-sunod na yung tanong ang narinig ko.
"Sam, oh my God, okay ka lang?" si Ruth, may pag aalala sa tinig nya.
Naramdaman ko na may pumahid sa ilong ko, hinablot ko kung ano man yun at nagmamadali akong tumayo pero mali ang naging galaw ko dahil bumagsak ako sa sahig.
"Sam..shit. Sam.. say something!!" si Miguel
Ito yung ikinatatakot ko na malaman nila yung totoo.
"Bring her to the ospital, I'll call tito Arthur."si Trish yun.
Tuluyan na akong nawalan ng malay hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari.
Nagising ako na puro puti yung paligid ko, inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang papa ko na nakaupo sa tabi ko.
"Pa.." agad syang napatingin sa akin at may pag aalala sa mata nya.
"Sam, anong nararamdaman mo? Nahihilo ka pa ba? Sumisikip ba nag dibdib mo?"
"I'm fine, sorry... I know I made a promise to you."
"Its alright baby, whats important now is you are alright. I panic when Trisha called me."
Tuminigin ako sa kabilang side ng room, wala doon ang mga kaibigan ko.
"Nasa labas sila, ayaw kasi ng doctor na marami dito sa loob. Do you want me to call them?"
"No.. Pa, please don't tell them about my condition. I don't want them to pity me."
"Anak, I have a confession to made..when Trisha fetch you at home for her engagement I told her about your condition. I'm to scared na baka may mangyari sayo at walang makaalam isa ma lang sa kanila kung ano ang condition mo. I told her not to tell others about it and she never did."
Namuo yung luha sa mata ko ng maisip ko ang nangyari sa reception.
"I was so scared...kasi akala ko mamatay na ako..Pa, I prepared myself to die pero...bakit ganun... pakiramdam ko gusto ko pang mabuhay.." suminsinghot na sabi ko sa kanya.
"Ayaw mo noon, na may rason ka pa to live.. Anak, I know na nahihirapan ka. Na lumalaban ka kahit hindi mo kaya. Pero hindi ko kaya na mawala. Mahal na mahal kita, natatakot din ako na pagising ko isang araw na wala ka na."
"diba...sinabi ko na sa inyo...na kung mawala man ako...kahit hindi ko nagawa lahat ng gusto ko..magiging masaya pa rin ako..kaya ang gusto ko...maging masaya rin kayo kahit wala na ako... sabi nyo nga sa akin noon, lumaban ako para in the end wala akong pagsisihan. I'm fighting."
Niyakap ako ng papa ko ng mahigpit. "I'm sorry.. I don't want to see you suffering..nawala na sa akin ang mama mo..you and your ate are my treasure.."
"I love you pa.."
"I love you too, anak."
I'm so thankful because my father never left my side especially sa mga araw na kailangan ko sya. Nang nahihirapan ako masyado, sya ang nag eencourage sa akin na dapat mabuhay pa ako dahil may magandang naghihintay pa sa akin.
Natatakot ako na what if one day, I just give up. I don't want to hurt him, ngayon pa nga lang nasasaktan na ako na makita syang nasasaktan.