Miguel's POV
"Umupo ka nga Miguel, nahihilo ako sayo. Kanina ka pa lakad ng lakad dyan."- Rosie
"I can't, okay, I can't. Can someone explain to me kung ano ang nangyayari."
"Wala din kaming alam okay. The doctor said she's just stress, kaya please umupo ka na dahil sumasakit yung ulo ko sayo."
Umupo nalang ako, nang bumagsak si Sam kanina, takot na takot ako lalo na ng may dugo na lumabas sa ilong nya.
Tumayo kaming lahat ng lumabas ang papa ni Sam na nakangiti.
"She's awake. Pwede na rin kayo pumasok."
Agad akong pumasok sa loob at nakita ko si Sam na nakangiti.
"For a friend like you, you are overreacting. But I like it para kang asawa kung mag alala."- si Ruth
Tiningnan ko sya ng masama at ibinalik ko ang tingin ko kay Sam.
"How are you?"
"Okay, lang ako. Na stress lang daw." nakangiti pa ring sabi nya.
"You scared us all ng bigla ka nalang bumagsak."
"I'm sorry about that."
Hinawakan ko ang kamay nya na ikinagulat nya rin.
"You need anything?"
Umiling lang sya. "I just want to go home."
"Lets wait for the doctors advice okay?"
Tumango nalang sya.
"Pwede kami naman? OA ha, hindi naman boyfriend."
Napatawa ang mga lalaki sa sinabi ni Rosie. Inirapan ko lang sya.
Nakatingin lang ako habang nag uusap ang mga babae.
"Aminin mo, natakot ka ano?"-si Joseph
"Oo naman, bakit ikaw hindi ba?"
"Natakot, pero hindi tulad mo. Aminin mo nga do you like her?"
"Ano ka ba? kaibigan natin sya syempre nag aalala lang ako."
"okay, when you are ready. Sabihin mo lang sa akin, tutulungan kita."
Iba yung takot ko sa takot nila, hindi ko maipaliwanag yung sa akin. Para kasing natatakot ako na baka hindi na sya magising na baka hindi ko na sya makita uli.
Tumingin ako sa kanya at nakatingin din sya sa akin. Nagngitian lang kami, yung ngiti nya na nagbibigay assurance na okay lang sya.