Chapter 6

122 4 0
                                    

Sam's POV

Nakisama rin yung panahon sa akin, hell week namin ngayon, naging busy na kami lahat sa pag-aaral. Hindi na kami nagkakasama dahil lahat kami gustong makauwi ng maaga.

Last day of exam ngayon, sigurado isa sa mga lalaki ang mag aaya na lumabas.

Nagmamadali ako sa pagsagot para makauwi ako kaagad.

Nang matapos ako agad ko na pinasa ang test paper ko at lumabas. Alam ko na sinusundan nila ako ng tingin.

Hindi ako dumeretso sa amin, pumunta ako sa seaside para magpahangin at maghanap na rin ng peace of mind.

Sa tagal na panahon na minahal ko ng palihim si Miguel ngayon lang ako nakaramdaman na parang may kulang sa akin.

Siguro pag may taong makakakita sa akin ngayon, iisipin na nababaliw na ako. Umiiyak kasi ako, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.

Pinahid ko yung luha ko at inabot yung phone ng maramdaman ko na nagvibrate yun.

Tiningnan ko kung sino, si Miquel. Ayaw ko man isipin pero paarang napaka insensitive ni Miguel. Imiiwas na nga ako, pero sya pa yung lumalapit sa akin ngayon.

Pinatay ko yung tawag, gusto lang talaga mapag isa. Ayaw ko rin makagulo sa iba.

Miguel's POV

"Pinatay nya lang." sabi ko sa kanila ng tawagan ko si Sam. Ayaw ko sana na ako yung tumawag sa kanya pero lahat sila lowbat.

Napapansin rin nila na umiiwas si Sam sa amin. Kaya kahit gusto ko na syang kausapin uli ay pinigilan ko ang sarili ko.

Nasa resthouse kami ni Ruth, si Sam lang ang wala dito kasama rin si Dana.

"Hayaan nalang natin, baka gusto talaga mapag-isa."-Basty

"Puntahan nalang kaya natin sa kanila."-Lyca

"Hayaan nalang natin. Lets just enjoy the night without her."-Ruth

Tiningnan ako ni Ruth ng masama. Alam ko na nag aalala sya kay Sam, bestfriend nya ito e.

"Babe, punta tayo sa pool." yaya sa ko kay Dana.

"Anong gagawin natin dun?" nakita ko kung paano umikot yung mga mata ni Trisha.

"Magswi-swimming." sabi ko nalang.

Tumayo sya at ganun din ako. Naglakad kami sa pool.

Dati pag ganito kami ni Sam ang laging magkasama na maligo, sya lang kasi ang mahilig magswimming at hindi tamad magbanlaw.

"Nasaan pala si Sam?" bumalik ako sa sarili ko ng magsalita si Dana.

"Hinahanap nga rin namin e."

"Pansin ko lang, mula ng sumama ako sa inyo, hindi na sya lumalapit sa inyo. May problema ba sya sa akin?"

"Wala, masyado lang syang busy ngayon."

Tumango tango lang sya.

Nasaan na kaya si Sam ngayon, nakauwi na kaya sya? Dati ako ang naghahatid sa kanya pauwi kahit umaayaw sya.

I hope she's fine, I hope we are okay.


First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon