Chapter 20

121 2 0
                                    

Miguel's POV

"Ano ba? Hindi mo sinabi yung pinraktis natin kaniha." Pagmamaktol ni Joseph

Ang totoo nyan, sinabi ko sa kanya na aamin na ako kay Sam kung ano yung nararamdaman ko. Pero naunahan ako ng hiya at takot, nawala lahat sa isip ko.

"Anong pinraktisan?" Nagtatakang tanong ni Trisha.

"Ahh, wala Trish." Agad na sagot ko baka maunahan na naman ako ni Joseph.

"Umayos kayong dalawa ha, baka gusto nyo lumangoy kayo umuwi." Turo sa amin ni Trisha.

Hinila ko sa malayo si Joshua para hindi na marinig ng iba yung sasabihin ko.

"Pasensya na bro, nahiya at natakot talaga ako."

"Ewan ko sayo, para ka namang santo dyan. O, kailan mo balak sabihin?"

Natahimik ako sandali, "Mamayang gabi, sa bonfire natin."

"Siguruhin mo yan ha, isasama talaga kita sa apoy."

Tumango tango lang ako para matahimik sya.

Papaano ko ba sasabihin kay Sam na mahal ko sya yung maniniwala sya, hindi ko alam kung ano ang nangyari pero iba yung nararamdaman ko sa kanya.


Sumapit na ang gabi, kaming mga lalaki ang naghahanda ng bonfire, last night na rin namin ngayon. Ang mga babae ang naghahanda ng pagkain.

"Ooohh!! Ito na ang marshmallow!" kuha pansin ni Ruth sa amin.

"Wala bang bago? Marshmallow noon hanggang ngayon."- Joseph

"Alam mo ikaw, mareklamo, e dyan tayo tumanda."

Umirap nalang si Joseph sa kanya.

Lumabas na rin ang ibang babae na may kanya kanyang dala, agad ko nilapitan si Sam at kukunin ko sana yung dala nya.

"Wag na, kaya ko na." Mag iinsist sana ako pero dumiretso sya ng lakad.

Umupo na kami at nagsissimula na sa nakagawian namin. Truth or Dare naman.

Unang huminto yung bote kay Joseph, dare yung pinili nya, kaya pinapunta sya ni Ruth sa madilim na lugar for 10 seconds.

Tapos kay Rosie, kay Trisha at tumapat na sa akin.

"Ako magtatanong bro, pawang katutuhanan lamang ang sasabihin mo ha." presenta kaagad ni Joseph sa sarili. "Truth or Dare?"

"Truth."

"Ano ang gusto mong sabihin sa taong mahal mo ngayon?" Lahat ng mga mata ay nasa aming dalawa ni Joshua. Lahat sila ay nagtataka dahil para kaming mga tanga sa ginagawa namin.

Ito na ang tamang panahon para sabihin ko kay Sam yung nararamdaman ko bago maging huli pa ang lahat.

"Sasabihin ko sa kanya... na hindi ako nag eexpect ng sagot galing sa kanya, ang gusto ko ay makinig muna sya sa sasabihin ko." Huminto muna ako, "Akala ko tinging kapatid lang yung turing ko sa kanya pero ng mawala sya, yung panahon na hindi ko na sya nakikita naramdaman ko na parang may kulang sa akin, pilit ko hinanap kung ano yun.

"Then, one day I saw her again, hindi ko ma explain yung nararamdaman ko, hanggang sa magtagal na ang pagsasama namin na realized ko na sya pala ang nawala sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari, akala ko wala lang, normal lang na namiss ko sya, pero hindi dahil sa araw araw na nakikita ko sya minamahal ko sya." napatingin ako sa malayo.

"Maniwala man sya o hindi, hindi ko rin enexpect na mararamdaman ko ito. Maraming beses akong nagtangkang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko pero nauunahan ako ng takot. Pero ngayon, sasabihin ko sa kanya, na mahal na mahal ko sya, na natatakot ako na mawala sya uli sa akin." Tiningnan ko ang mga itsura ng mga kaibigan ko, lahat sila naghihintay ng kasunod, kaya humarap ako kay Sam na nagulat sa ginawa ko.

"Sam.....akala ko hindi na kita makikita, pilit kitang inaalis sa isip ko, hindi ako pumupunta sa dinner hindi dahil ayaw kitang makita, inisip ko na baka ayaw mo akong makita. Nang makita kita sa kasal nila Trish, hindi ko ma explain yung naramdaman ko, gusto kitang yakapin. Sa araw araw na nakikita ngayon, mas lalo ko narealized na mahal na pala kita noon pero mas inisip ko yung---"

"Please, tama na." Putol ni Sam sa sasabihin ko. Kahit yung iba nagulat sa ginawa nya, "Tama na, hindi ko kayang magmahal, masasaktan lang natin ang isa't isa."

Hinawakan ko sya sa braso, "Okay lang, ganun naman siguro yung nagmamahal diba nasasaktan."

Umiiling sya, "Hindi mo ako naiintindihan Miguel, kung siguro noon mo sinabi yan kaya pa kitang mahalin, walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo hanggang ngayon. Pero iba na ngayon dahil hindi ko na kayang magmahal, kahit sino." Tumulo yung mga luha nya.

Hindi ko sya naiintidihan, ano bang problema.

Hinawakan nya ang pisngi ko, "Alam mo ba kung gaano ako kasaya na makita kita uli? Akala ko hindi na ako mabibigyan ng pagkakataon na makita ka, na mahawakan ng ganito.... Miguel, walang nagbago sa nararamdaman ko sayo, sa araw araw na malayo ako ikaw ang naiisip ko. Ikaw ang nagpapalakas sa akin, mahal kita pero hindi na kita kayang mahalin tulad noon." Binitawan nya ang pisngi ko at nagmamadaling umalis.

Sumunod sa kanya ang mga babae. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Bakit ganun, bakit ang gulo ng mga pangyayari. Ganito din ba kasakit ang naramdaman nya ng mareject sya.? Ihinilamos ko ang mga palad ko sa mukha at napahagulhol.


First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon