Sam's POV
Hindi na ako lumalapit sa barkada sa tuwing nandyan si Miguel. Nahihiya rin ako. Mabuti nalang nirerespeto ako ng mga kaibigan ko.
Nasa cafeteria kami ngayon, lunch break namin. Hindi kasama si Miguel sa grupo dahil may pinuntahan daw.
"Nag-usap na ba kayo." Tanong sa akin ni Ruth.
"Nino?"
"Ni Miguel? Sabi nya kasi sa amin kahapon kakausapin ka raw nya. Nasabi nab a nya sayo?"
"Oo, nag-usap na kami kahapon. Tinapat na nya rin ako."
"So, okay ka lang?"
"Hindi ko naman sya mapipilit e."
May pagtataka sa mukha nya. May sasabihin pa sana sya pero nagsalita si Joseph.
"Bro!" tiningnan naming yung kinawayan nya.
Si Miguel at may kasama syang babae. Lumapit sila sa amin. Tiningnan ako ni Ruth, Trisha, at Lyca, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil wala naman talaga akong alam kung ano yung nangyayari.
"Guys, I want you to meet dana, my girlfriend."
Uminit yung buong katawan ko na parang lalagnatin.
"Hi." Sabay bati nila kay Dana.
Nakatitig lang ako kay Miguel. Umupo sila sa table naming. Nakikinig lang ako habang nag-uusap sila.
"Sam, samahan mo ako, bibili ako ng pagkain."
Tumayo ako at sumama kay Ruth sa counter.
"Aminin mo, hindi nya sinabi to sayo?"
"He tried, pero hindi ko sya pinatapos. I'm happy for him."
"Happy ka dyan, ni hindi ka nga makangiti kay Dana."
"I'm still in shock, okay?"
"Mamaya mo nay an iiyak, pagtayo nalang girls."
Tumingin ako sa taas para hindi tumulo yung luha ko. Kahit anong sabi ko sa sarili ko na hindi ako dapat masaktan dahil wala naman kami, after all kaibigan pa rin ako.
Miguel's POV
Sinundan ko ng tingin si Sam na papalayo. Dapat sasabihin ko sa kanya about kay Dana kahapon pero hndi nya ako pinatapos.
Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat na maramdaman ko ngayon. Napaka importante sa akin ang mga kaibigan ko, lalo na si Sam. She's our baby, kaya nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko na nasasaktan sya at ako ang dahilan.
"She'll be fine." Bulong sa akin ni Basty.
I know she will never be fine as long as magkalapit kami.
"So, Miguel, how long you've been together?" tanong sa akin ni Ruth ng makabalik sila sa table.
"1 month palang."
"And counting."-Dana
"Paano kayo nagkakilala?"-Rosie
"Actually, Samantha introduced us to each other."
Lumaki ang mga mata ng mga tao sa harap ko.
It's true that Sam introduced us to each other. I never thought that we will come to this point. I really don't want to hurt her.