Chapter 8

145 2 0
                                    

Sam's POV

Two days after the graduation ball, I decided to cut my hair. Nabasa ko kasi dati, pag brokenhearted daw ang isa tao, they will cut their hair for a new beginning.Hindi ko alam kung effective ba, mas okay na rin to, for a change.

Graduation namin ngayon, pero may part sa akin na di masaya. syempre di ko na makikita yung mga kaibigan ko. Magsisimula na kami ng new chapter sa buhay namin.

"Anak ngumiti ka naman. Araw mo to pero parang kami lang ang masaya. May sakit ka ba?"

"Sorry pa ha, di lang talaga ako makapaniwala na nakatapos na talaga ako. Sana nandito si mama para makita nya ako."

"Anak, alam ko na proud ang mama mo sayo, hindi mo sya binigo. Cheer up!"

Pumasok kami sa loob ng gym at nakita ko kaagad ang mga kaibigan ko.

"Sam." nakangiting lapit sa akin ni Ruth. "What did you do to your hair."

"Wala lang, para maiba. Maganda naman diba?"

"Yes, and you are so beautifulas always."-Joseph

Sinabihan ako ni Papa na sumama na sa kanila. Mabuti nalang wala si Miguel.

Hindi ko alam kung alam ba nila yung nangyari sa amin ni Miguel, hindi ko na gustong alamin.

Mayamaya ay nagsimula na ang graduation rites. Nakita ko na si Miguel, nakita ko sa mata nya yung gulat ng makita yung buhok ko.

Pagkatapos ng graduation ay hinila ako ng mga kaibigan ko para sa group picture. dahil group nga syempre nandoon si Miguel at si Dana. Hindi ko naman maitatangi na nasasaktan pa rin ako, pero mas mabuti na rin yung magmukha kaming strangers sa isa't isa.

Nag usap kami na after ng time namin sa family namin, ay magsama sama kami for the last time, to know what will be our plans.

Hindi ako makatanggi dahil pinakonsensya na ako kaagad ni Rosie.




Kumakain kami ng Papa ko at ng ate ko sa labas.

"Pa..pwede po ba akong mag overnight kina Ruth?"

"Anak, baka pagod ka na."

"Kaya ko pa naman po."

"Sam, take care of yourself, wala kami lagi ni papa sa tabi mo pagmay nangyari sayo."-Ate

Ngumiti ako sa kanila, I'm giving them the assurance that they need.

Pagkatapos kumain umuwi muna ako para makapagbihis at umalis na papunta sa resort nila Ruth.

Sinabi ko nalang sa sarili ko, for the last time, gusto ko masilayan si Miguel. Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari after this day.

Nakarating ako sa resort nila. Hindi ko iniexpect kung sino ang sasalubong sa akin. Si Dana.

"Hi, Sam."Bumeso pa sya sa akin. Para syang hinihingal pa.

"Sinong humahabol sayo?"

"Miguel was so naughty. Oh, I have to go." tiningnan ko kung sino yung tinitingnan nya, si Miguel na nagmamadaling habulin si Dana.

Huminto sya ng makita ako, pero agad din akong naglakad paalis. Yung parang wala lang sayo kung ano nga yung ginagawa nila.

Pumasok ako sa loob at nakita ko naman agad sila Ruth.

"Hi." bati ko sa kanila.

Lumapit sila sa akin at agad na ipikaita kung ano yung tinitingnan nila kanina.

Pictures namin mula highschool. Nakita ko dun yung picture namin ni Miguel na magkadikit ang mga mukha at yung binubuhat nya ako.

Nakapanghihinayang man pero kailangan ko ring magpakatotoo sa sarili ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa mundong ito.



First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon