Chapter 12

123 3 0
                                    

Sam's POV

Tatlong araw na mula yung engagement, nauna na ako sa Batanes.

"Anak, wag masyadong magpagod ha."

"Pa, wag kayong mag alala inaalagaan ko naman ang sarili ko."

"Sinisugurado ko lang."

"Pa, thank you, coz you let me live a normal life even we both know na hindi na dapat."

"I want you to be happy, kahit mahirap pakawalan ka, kailangan ko pa rin gawin, because you need this also."

Niyakap ko ang papa ko, marami na rin syang isinakripisyo para sa akin. Ang ate ko, kahit pwede naman nila akong iwan hindi nila ginawa, dahil sabi nila mahal na mahal nila ako. At isa na rin sa dahilan na gusto ko pang lumaban ay dahil sa pagmamahal nila.

"Kailan pala dadating yung mga kaibigan mo?"

"Mamayang hapon po, malayo naman dito yung hotel na nakuha nila para magstay."

"Basta mag ingat ka lang ha."

Tumango lang ako. Nagpaalam muna ako sa kanya na pupunta sa kwarto para mag empaki.

Umupo ako sa gilid ng kama, at kinuha yung group picture naming magkakaibigan.

Masaya ako dahil nakita ko sila lahat, may takot man akong nararamdaman dito sa puso ko nawala lahat yun ng makita ko sila. Sana matagal tagal ko pa silang makakasama.



Nasa hotel na kaming lahat, magkahiwalay ag babae sa lalaki at nakikita ko sa kanila na ang saya saya nila.

"I can't wait na magpatali na kay Basty." si Trisha, na sabay pa ibinagsak ang katawan sa kama.

"Ikaw ba Sam, may boyfriend ka na ba?"-Rosie

"Huh?.. ano.. hindi na pumasok sa isip ko ang magboyfriend pa."

Nagtataka nila akong tiningnan.

"Bakit? Si Miguel pa rin ba?"-Ruth

Titig na titig sila sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Ngumiti ako sa kanila, "Mas maraming bagay akong iniisip kaysa makipag boyfriend. Saka, hindi na rin kaya ng sched ko pag isabay ko pa."

Tumango tango lang sila sa akin. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanila yung totoo, natatakot ako na baka kaawaan nila ako, I've been there, nakita ko sa papa ko yung awang awa sya sa panahon na nahihirapan ako at ayaw ko na maulit yun uli.

"Alam mo si Miguel, wala na ring girlfriend, hindi ko alam kung ano ang nagyari sa kanila ni Dana, siguro na fall out of love lang sya."-Trisha

"Wag na nga lang natin syang pag usapan."

"Sam.. umamin ka sa amin.. meron ka pa bang nararamdaman para sa kanya?"-Rosie

Napatingin ako ng deretso sa kanya, kahit kailan hindi naman nawala yung pagmamahal ko sa kanya, sa katunayan araw-araw minamahal ko sya ng lubos.

"Tapos na ako sa kabanata ng buhay ko nyan."

"So, meron pa nga... Hali na nga kayo, labas na tayo hinihintay na tayo ng mga boys." sabi ni Trisha na nakatingin sa akin.

Siguro magaling lang mabasa ni Trisha yung nararamdaman ko, kahit anong gawing tago, mahahalata nya pa rin.

Kontento na ako na mahalin ng patago si Miguel, dahil alam ko sa ngayon kung mamahalin ko sya ulit hindi lang ako ang masasaktan kundi kami ng dalawa.

"I know, you are hiding something, I'm willing to wait until you are ready to tell me or us." bulong sa akin ni Trisha.

Naiwan akong tulala, naisip ko kung hanggang kailan ko kayang itago sa kanila yung itinatago ko. Natatakot ako na baka maawa sila sa akin o baka ewan nila ako.


First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon