Chapter 22

145 3 0
                                    

Sam's POV

Mula ng makabalik kami wala na akong narinig mula kay Miguel siguro natauhan na sya.

Tumayo ako ng may narinig akong kumatok, binuksan ko yun at nakita ko ang papa ko.

"Pwede ba akong pumasok."

Tumango ako bilang sagot.

"Anak, napansin ko lang kasi mula ng bumalik ka naging malungkot ka, may nangyari ba?"

"Wala naman po."

"Si Miguel ba?" Napatingin ako sa kanya dahil sa gulat.

"Pa."

"Kahit hindi sinasabi nararamdaman ko, ama mo ako. Diba gusto mo sya noon pa?"

"Ayaw ko sya masaktan lalo na pag mangyari sa akin."

"Bakit mo ba pinapakunahan ang lahat? I want you to be happy that is why I'm setting you free. Sana hayaan mo rin ang sarili mo na maging masaya."

Huminga ako ng malalim. "Pa, gusto ko syang mahalin, maipadama sa kanya kung gaano ko sya kamahal, maramdaman yung pagmamahal na binibigay nya, pero paano kung isang araw bumigay ako? Okay lang na ako ang masaktan wag lang ang mga taong mahal ko."

"Ayaw mo masaktan ang mga taong mahal mo? Sa tingin mo, yung pagrereject mo sa kanya hindi sya nasasaktan?"

Napatingin ako sa kanya. Alam ko na nasasaktan sila pero mas lalo silang masasaktan pagnawala ako.

"Diba ikaw yung tao na ginagawa ang isang bagay para in the end walang dapat pagsisihan?"

Tumayo na sya at lumabas sa kwarto ko. Tama si papa dapat bigyan ko ng chance ang sarili ko na maging masaya. Sana hindi pa ako huli, ilang araw na din hindi nagpaparamdam sa akin si Miguel.





Paalis ako ngayon dahil tumawag si Rosie, may dinner daw kami. Hindi naman ako makahindi dahil sinabi nya malaki na yung utang ko sa kanila.

Alam ko nadoon si Miguel, bahala a kung ano ang mangyari.

Nang makarating ako, nakita ko nasa labas si Rosie. Bumaba ako sa taxi at ng makita nya ako ay agad nya akong nilapitan.

"On time lang girl."-Rosie

Kumunot yung noo ko sa sinabi nya. Alam ko 7:30 yung usapan, 7 pa naman ah.

Piniringan nya ang mga mata ko. "Rosie, ano to?"

"Ssssh... steady ka lang dyan!"

Hinawakan nya ako sa braso at inalalayan sa paglakad. Nang huminto na sya, siguro mga 3 seconds ay kinuha nya yung pring sa mata ko.

"Rosie, ang dilim, ano ba to?"

"Gusto ko pawiin lahat ng takot sa puso mo.. hindi ko alam kung papaano dahil alam ko na minsan na kitang nasaktan." natigilan ako ng may narinig akong nagsalita pero ang dilim pa rin.

"Dati ko na sinasabi na importante ka sa akin.. pero ang totoo hindi ko maamin sa sarili ko na mahal na pala kita noon pa. Nang mawala ka, para na ding may nawala sa akin, pilit ko hinanap kung ano yun, pero ng makita kita uli, doon ko nasabi na ikaw pala ang nawala.

"Kung hindi siguro ako naduwag, kung inaalam ko na agad yung narararamdaman ko para sayo, baka masaya na tayo ngayon."

Nagsimula ng tumulo ang luha ko ng mabosesan ko kung sino ang nagsasalita. Akala ko, lalayo na sya sa akin dahil sa nalaman nya.

Bumukas ang ilaw at ang tangin tinatamaan nito ay yung nagsasalita, si Miguel. Nakalapit na pala sya sa akin.

Napasikdo ako ng makita ko na umiiyak na rin sya.

"Inisip ko kung papano kita lalayuan pero lagi ko nakikita ang sarili ko na bumabalik sayo... Sam, wag mo akong itulak palayo, hindi ko kakayanin na mawala ka uli sa akin. Hayaan mo ako na mahalin ka tulad ng pagmamahal mo sa akin."

"P-pero.." Pinutol nya agad ang sasabihin ko.

"Wag natin isipin ang mangyayari... tulad ng alon, sasabayan ko ang bawat pagtibok ng puso mo. Hayaan mo akong gawin yun, please wag mo akong itulak palayo sayo dahil kahit anong tulak mo ay babalik at babalik ako para sayo."

Hindi na ako makapagsalita dahil napahagulhol na ako. Bumukas lahat ng ilaw at nakita ko ang mga kaibigan ko at mas lalo akong napaiyak ng makita ko ang papa at ate ko.

"Pinapunta ko sila dito..para marinig nila kung ano yung gusto ko sabihin sayo."

"Miguel..papaano kung may mangyari sa akin?"

"Masakit man pero kailangan ko maging matatag... Mas lalo akong magsisi kung hindi ko man lang iparamdam sayo kung gaano kita kamahal..Mahal na mahal kita, Sam."

"Mahal din kita Miguel." at niyakap ko sya pagkasabi nun. Hindi ko maipaliwanag yung kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

Niyakap nya rin ako ng napakahigpit na parang ayaw na nya akong pakawalan. Naghiwalay lang kami ng may narinig kaming parang may batang umiiyak. Nang tingnan namin, ay ang mga kaibigan pala namin.

Napatawa lang kami sa mga mukha nila. Tiningnan nya ako uli at ganun din ako. Pinahid nya ang mga luha sa mata ko. "I love you, Sam." dumukwang sya at hinalikan ako.

Parang may mga anghel na dumaan dahil wala akong naririnig na kahit anong ingay. Natigil lang yun ng may pumito, ang papa ko. Tiningnan ko sya sa mga mata at sabay sabi, "I love you too, Miguel."

Nakangiti lang sya nakatingin sa amin at ngumiti din ako sa kanya.




First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon