Sam's POV
"Sam, sandali."
"Tigilan mo na ako Miguel, please."
"No, hangga't hindi mo pinapaliwanag sa akin kung bakit nagkakaganyan ka."
"Ano ba gusto mo malaman? Na mahal kita? Ilang beses ko ba sasabihin sayo na mahal kita pero hindi na pwede?"
"Bakit?"
"Dahil natatakot ako na baka yang sinasabi mong pagmamahal ay hindi ako kayang panindigan. Na baka isang araw maglaho ka nalang."
"Bakit mo nasasabi yan?"
"Sabihin mo sa akin kung kaya mo ba magmahal ng taong hindi mo alam kung hanggang kailan nalang dito sa mundo."
Nakita ko yung pagtataka sa mata nya. Bumuntonghininga ako siguro ito na yung panahon na dapat sabihin ko sa kanya yung totoo.
"Hindi kita maintindihan."
"I was diagnosed of congestive heart failure... Ngayon sabihin mo, kaya mo ba akong mahalin? Kaya mo ba masaktan?" Nagsisimula ng mamuo ang luha ko.
Nakita ko yung pagkagulat sa itsura nya. Tinalikuran ko sya pero agad nya ako hinawakan sa braso.
"K-kailan pa?"
"Before graduation.. lagi nalang akong nawawalan ng malay akala ko dahil sa stress lang pero lagi nalang sya nangyayari... I consulted our doctor and she refer me to a cardiologist at yun na nga."
"B-bakit hindi mo sinabi sa amin?"
"Dahil natatakot!! natatakot ako na kaawaan nyo ako, na talikuran nyo ako, na baka hindi nyo ako kayang panindigan." Tuluyan ng nalaglag ang luha ko. Hinawakan ko sya sa braso nya.
"Hindi kita kinalimutan Miguel kahit gustong gusto ko... Paano ko makakalimutan ang taong nagbibigay lakas sa akin..... ang pagmamahal ko sayo ang nagpapalakas sa akin. Natakot ako na baka hindi na kita makita kaya ng makita uli kita laking pasasalamat ko sa diyos dahil binigyan nya ako ng pagkakataon.
"Hindi kami sa Batanes nakatira, sinabi ko lang yun dahil wala akong ibang dahilan kung bakit nawala nalang ako. Sinabi ko sa papa ko na manatili kami sa tabing dagat, alam mo ba kung bakit? Dahil pakiramdam ko, sa bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay sya rin pagtibok ng puso ko." Napahagulhol na ako at nagsisimula ng sumisikip ang dibdib ko.
Tiningnan ko sya at nakita ko yung pamumuo ng luha sa mata nya.
"Hindi kita pwedeng mahalin, kahit gustong gusto ko. Hindi ko kayang nakikita ang mga taong nagmamahal sa akin na nasasaktan. Lalo na ngayon na nakikita kita na nasasaktan."
Tatalikod na sana ako pero hinawakan nya ako sa braso.
"Sam, please. Give it a try. Hindi naman natin alam ang mangyayari."
Umiling iling ako. Sana marerealized nya na isang pagkakamali na mahalin nya ako.
"Siguro kung noon mo sinabi yan ako na siguro ang pinamasayang tao, pero iba na ngayon."
Tuluyan ko na syang tinalikuran at iniwan sya sa kawalan.
Nang sa tingin ko na malayo na ako at hindi na nya ako tanaw ay napaupo ako at niyakap ang paa ko, sinubsob ko ang mukha ko dun at umiyak ng umiyak.
"Bakit ngayon pa? Kung kailan mahal na nya ako, ako naman ang hindi pwede. Alam ko sobra sobra na ang hinihingi ko sa inyo." Napatingin ako sa taas.
"Pero sana naman bigyan nyo ako ng pagkakataon na maging masaya man lang."
Umiyak ako ng umiyak hanggang bumuhos yung ulan at lumakas yung alon. Pati yung panahon nakikisabay sa lungkot ko.