Chapter 9

127 2 0
                                    

Miguel's POV

Walong buwan na rin ang nakaraan when we separated our ways.

Kaming lahat ay pinamahalaan ang family business namin, maliban kay Sam, hindi namin alam kung nasaan sya ngayon. After kasi nang night out namin hindi ko na sya nakita, hindi na rin kami nakapag usap ulit.

Alam ko na nasaktan ko sya ng masyado, kung kaya ko lang ibalik ang lahat-lahat siguro matutunan ko syang mahalin.

Hindi ko naman itinatanggi ng nasa highschool kami nagkagusto ako sa kanya. Alam ng barkada yan kaya pinilit nila ako na baka may maramdaman pa ko sa kanya.

"Sir,Sir,hello!" tawag pansin sa akin ng secretary ko.

Tiningnan ko sya. "Ano?!"

"Sir, naman. Wag na kayong magalit, kanina ko pa kaya kayo tinatawag. May bisita po kayo."

"May appointment ba?"

"Wala po, pero sabi nya VIP daw sya."

"Sige papasukin mo."

"Nakakaistorbo ba ako?" tiningnan ko kung sino yung nagsilata, si Basty.

Tumayo ako at sinalubong ng yakap si Basty.

"Kumusta ka na?" tanong ko agad sa kanya.

"Okay lang, ikaw? Napaka workaholic mo naman, hindi ka na pumupunta sa dinner natin every month."

"Marami kasing ginagawa. Napadalaw ka?"

"Wala lang, may vacant kasi ako naalala din kita. Si Dana pala?"

"Hiwalay na kami, 3 months ago."

"Bakit?"

Kumibit balikat lang ako.

Ang totoo nyan, habang nasa meeting ako sa labas nakita ko sya na may kasamang lalaki, naglalampungan sila. Sinabi ko na nakita ko sila pero todo deny pa sya.

Mabuti na rin na nagyari yun dahil naghahanap lang talaga ako ng tamang panahon para makipaghiwalay sa kanya.

"Nga pala, ang totoong dahilan kung bakit nandito ako, I want to invite you in my engagement party?"

Kumunot ang noo ko. "Akala ko ba hiwalay na kayo ni Trisha?"

"Well, narealized nya na hindi nya pala kaya na wala ako sa buhay nya."

Binatukan ko sya."Kapal ng mukha mo." Natawa kami pareho pero pareho rin kaming sumeryoso.

"Si Sam? Pupunta ba?"

Ngumiti sya ng mapait. "Wala na kaming balita sa kanya after graduation, wala na rin sila sa bahay nila. Nagtanong tanong kami sa kapitbahay nila, pero wala din silang alam."

"Wala rin bang alam si Ruth."

Umiling lang sya.

Hindi ako pumupunta sa dinner namin every month dahil iniisip ko na makikita ko doon si Sam. Siguro naman at this moment naka move on na sya pero umiiwas lang ako na makita sya.

"Pumunta ka ha, importanteng araw yun para sa amin ni Trisha. Sana kompleto tayo."

Tumango nalang ako, kung pupunta man si Sam doon siguro wala na akong epekto sa kanya.

Nagpaalam na si Basty sa akin pero naiwan lang akong nakatulala.

Iniisip ko kung ano na ang nangyari kay Sam. Kung masaya na ba sya, kung successful na ba sya ngayon.

Nanghinayang rin ako sa samahan naming dalawa. Noong college days kaming dalawa lang talaga ang magkasundo sa barkada na para bang pareho kami palagi ng iniisip at pareho kami ng gusto.




First and LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon