Chapter 63
Hope's POV
Alam niyo ba yung feeling na sa umaga may gigising sa'yo sasabihin niya 'Good Morning babe, wake up' tapos ikaw naman mumukat mukat pa tapos kapag nakita mo siya ngingitian mo siya kasi masaya ka na siya ang una mong nakita ngayong umaga. Tapos lalapit ka sa kanya at ikikiss mo siya tapos ngingiti lang siya at magngingitian lang kayo doon na parang tanga?
Well, apparently sa pelikula lang ganoon!
Bakit?
Kasi kaninang umaga nagising ako kasi may naramdaman akong tumutusok tusok sa balikat ko. Sinubukan kong umikot ikot para mawala pero patuloy pa rin siyang tumutusok, hanggang sa naging alog alog na.
Pagmulat ko... Si Enzo lang naman ang nasa harapan ko. Good morning talaga!
"Hey there beautiful, good morning." Sabay ngiti ni Enzo. Lalo akong napalupaypay sa kama kasi parang gusto ko lang siyang titigan buong araw. Kahit di na ako gumalaw at umalis dito.
"Mirning" mahinang sambit ko. Napatulala lang siya sa akin na parang hindi niya naintindihan yung sinabi ko.
"Wait, what?" Ang dami naman kasing tanong! Tinakpan ko yung bibig ko ng comforter at lumayo ng halos isang metro sa kanya.
"Hindi pa kasi ako nagtotoothbrush kasi! Wag ka munang tanong ng tanong! Nakakahiya mamaya bad breath pa ako!" Noong marinig niya yun napahawak siya sa noo niya sabay tawa, ako naman dumeretso agad sa CR at nagtoothbrush. Pagkalabas ko naman sa banyo nakita kong may nakaprepare na breakfast table sa may gilid ng kama. Napanganga ako, at naglaway. Nakita ata ni Enzo kaya ngumiti siya.
"Breakfast in bed?"
"Yes!" Tapos tumalon agad ako sa kama ko. Sarap sarap naman sa hotel na 'to. Crown Regency Suites Mactan, babalikan talaga kita. Kinain ko na yung hinanda ni Enzo. Tinapay. Longgonisa. Hotdog. Tocino. Tapa. Itlog. Butter at may hot chocolate pa. Sa gilid may fruits pa, apple tapos grapes. Ang sarap. Pagtingin ko sa plato ni Enzo.
"Yan lang kakainin mo?" Tanong ko. Paano kasi, celery tapos bread na wala man lang palaman tapos grapes and apples ang kakainin niya.
"Umm... sick, remember?" Oo nga pala. Hay naku. Ngumiti na lang ako tapos kinain ko lahat ng hinanda niya. Hindi para manginggit pero para ikain siya. May sense ba? Matapos namin sabi ni Enzo magready daw ako ng pangswimming. Swimming?!
"Swimming?!"
"Yup, we're going to Hilutungan Island." Ano daw?! Saan?!
"Hala, ano? Saan?"
"We're going to scuba dive!"
Iba. Iba talaga kapag mayaman ang boyfriend mo. Iba talaga.
**
At nandito na nga kami, pagkadating namin dito sa KI Marine Dive and Tour, nilapitan agad kami ng instructor. Nagpakilala siya bilang si Kuya Jay. Sabi namin ni Enzo gusto namin magscuba diving pero sabi niya kailangan daw ng lessons noon, sabi ni Enzo hanggang 1PM lang daw kami dito kasi may plano pa kami sa hapon (na hindi ko alam kung ano) kaya sinuggest ni Kuya na magsnorkeling na lang kami.
Parehas lang daw yun, pero sa snorkeling hindi na kailangan ng mahabang lessons. Pumayag na si Enzo. Inabutan kami ng mga 'alalay' ni Enzo ng damit pang snorkeling, nagpalit at lumapit na kay Kuya Jay.
Sinabi ni Kuya na kailangan naming magsuot ng weights belt, diving mask, at regulator. Pagkatapos noon nagbigay din siya ng mga lessons ng mga anong dapat at hindi dapat gawin, mga paano huminga etc. Noong lumusong kami sa tubig may pulang parang pabilog na hahawakan daw namin ni Enzo. Habang nasa tubig yung isang kamay nakahawak doon sa ring tapos yung isa nagpapakain ng pagkain.
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomanceNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...