Chapter 42
Hope’s POV
Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay nina Venice. Papasok na ako sa subdivision nila. Tutulungan niya kasi akong magrecord ng composition project ko kay Miss Inigo dahil meron daw silang recording room sa bahay nila.
Habang naglalakad tulala ako, lutang ang isip ko. Matagal ko ng pinapanalangin na sana one day mapuno na lang ang utak ko at hindi siya puro hangin, pero hindi ganito ang gusto kong mangyari! Punong puno na ang utak ko!
Una sa lahat, mahal daw ako ni Mico. Hindi ko alam kung saan niya nahugot yun pero bakit naman niya ako mamahalin?! Ni hindi ko maisip kung anong pwedeng dahilan o kung kailan pwedeng magsimula. Wala talaga akong idea! Pag magkasama naman kami wala na siyang ginawa kung hindi ang asarin ko, so saan napasok doon yung nainlove siya sa akin?!
Pangalawa, niloloko lang daw ako ni Enzo. Bakit naman sasabihin ni Mico yun? Alam kong minsan hibang siya pero alam ko namang hindi na aabot sa paninira niya kay Enzo! Bestfriends sila at alam ko namang hindi gagawin yun ni Mico para lang makuha ako. Pero kung ganun nga… Sa paanong paraan ako niloloko ni Enzo? Okay sige hindi siya nag I love you pero nag I love you na ba ako? Okay sige, sa utak ko maraming beses na, pero sapat na ba yung batayan para sabihin na niloloko niya ako? Kapag ba hindi nag ‘I love you’ hindi ka na agad mahal? Hindi ba dapat action speaks louder than words?
Pangatlo, alam kong sumobra ako sa sinabi ko kay Mico noong huli kaming nagusap. Alam kong mali na sabihing hindi ko siya pwedeng mahalin. Utang na loob naman Hope, kailan pa tumaas ang tingin mo sa sarili mo at ikaw pa mismo ang nagsabi noon kay Mico? Minsan talaga narerealize ko na mahina talaga ang ulo ko eh. Pero kasi… sumobra din siya noong pinilit niya na niloloko lang ako ni Enzo. Bakit? Ganoon na ba ang tingin niya sa akin? Sobrang hindi deserving ng love ni Enzo? Ganun?
Ayoko ng magisip. Lord, gusto ko lang po ng matinong lovelife. Yung pagkagising ko sa umaga nakangiti ako at pagtulog ko sa gabi nakangiti pa rin ako. Yun lang po.
*doorbell*
“Hope! Hi! Come in!” Bati sa akin ni Venice. Nakapambahay siya na dress pero bakit ganoon? Parang aalis pa rin siya sa bahay? Kailan ba ako hindi mastastarstruck kay Venice?
Pumasok ako sa kanila at bigla akong sinalubong ng hug ni… Sino pa ba?
“LOVE! Hello! I miss you.” Oo, si Bryle. Haay. Minsan iniisip ko kahit makulit ‘to, at least siya yung hindi sumasakit ang ulo ko. Yung dalawang kaibigan niya kasi masarap paguntugin eh.
“Sorry Hope, hindi kita nasabihan kay Bryle. Bigla bigla kasing nangraraid ng house eh.” Sabi ni Venice sabay tingin kay Bryle. Si Bryle naman biglang kumindat kay Venice. Anak ng! Noong una cute sila eh, ngayon nakakainggit na lang eh. Lalo na’t magulo ang lovelife ko.
“V wag masyadong ganyan, baka magselos si Love ko. Tandaan mo, ito ang kauna unahang babaeng nangreject sa akin kaya special ‘to.” Sabi ni Bryle, napangiti na lang si Venice tapos sabay hinila ako kay Bryle na kulang na lang wag ako pahingahin sa higpit ng yakap.
“Let’s go, Hope. Magrecord na muna tayo. Manggugulo lang ang isang bata diyan.”
“No way, V! I’m here to listen to Love’s voice. You’re singing right?” tanong sa akin ni Bryle. Ako? Kakanta? Kung may choice ako ayoko pa sanang magunaw ang mundo, pero ginusto ni Ma’am Ira ‘to eh.
Nagpunta na nga kami sa recording room nila na mukhang kulang na lang producer at album at magmumukhang singer ang taong kahit papasok lang dito. Bakit ang yaman nila?! Saan nanggagaling ang pera?!
“So, Hope. Shall we record? Are you going to do everything?” tanong ni Venice.
“Kaya kong magitara, pwede ko bang hiramin yung gitara mo?” Nagnod naman siya. Hiniram ko yung gitara niya, tinono, pinractice ng onti at pagkatapos noon sinabi niya sa akin na pumasok na ako sa recording room. Okay, Hope this is it.
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomanceNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...