Please Read:
Hi guys. So, alam kong maraming naninibago sa change of characters. Pati ako, honestly. Nagkaroon pa pala ng issue 'to. Gusto ko lang pong linawin na pinalitan ko siya ng Filipino Characters hindi dahil sa nagaassume ako na magiging movie ang story. Hindi pa po tapos 'to, ni hindi pa napupublish, so sana po wag magkalat ng ganoong issue.
Anyway, maraming nagrerequest sa akin na ibalik na sa Korean. So nagpasurvey ako. Sa facebook, marami sa kanila ang gusto remain sa Filipino Characters, pero dito sa wattpad ang PM sa akin ay ibalik ang Korean Characters. (Though mas lamang dito, mas madami 'to)
So dahil magulo (dahil ang sabi ibalik daw sa Koreans, tapos noong ibabalik na, Filipino na lang daw). Ito po ang proposition ko: Ibabalik natin sa Korean Characters. Reasons na ibinigay sa akin: 1. Mas madami silang pictures. 2. Sila yung nauna. 3. Mas nasanay na sa kanila, mas naiimagine sila. Pero ang Filipino Characters natin ay mananatiling Filipino Characters ng story. Kung may iinvite ako sa booksigning at kung available sila, ang Filipino Characters ang iinvite ko. Besides, if you tweet them, sila pa rin ang Bryle at Mico natin
So in conclusion: For imagination purposes: KOREAN CHARACTERS. Pero para sa mga events: FILIPINO CHARACTERS (dahil possible ito) Ang magiging picture sa Wattpad, Facebook and Twitter accounts ay ibabalik sa Korean tulad ng dati. Pero ang maglilive up ng characters nila ng live and pag may events ay ang Filipino Characters. Ito ay kung kaya lang naman silang iinvite. Hindi rin naman kayo masyadong malilito dito, dahil hindi naman palaging may event eh.
Pasensya na po kung sobrang gulo and nakakalito na. First time ata na may dalawang set ng characters para sa story. May Korean characters at may Filipino characters. Nasasainyo naman na po yan kung sino ang iimagine niyo eh. GUIDE lang naman po sila eh. Ang mahalaga yung takbo ng story right? And promise, hindi ko kayo ididisappoint sa story! :) So. Ayun. Baka iissue na naman ako dito. Sana walang maging issue sa mangyayaring ito. Ayun lang po. Thank you. And sorry talaga. :(
__________________________________________________
Chapter 37
Hope’s POV
November 15, 2013
Tres Gwapitos’ Day
Oo, tama ang nabasa niyo. Tres Gwapitos’ Day ngayon. Ano yun? Noong 1st year kasi kami, nagalit si Venice sa Tres Gwapitos. Ginawa ng Tres Gwapitos lahat para magbati bati sila, pero kahit anong gawin nila, di sila pinapansin ni Venice. Kaya noong November 15, si Bryle, Si Enzo at si Mico ay nagdress, nagwig, nagheels, at nagmake-up para magsorry kay Venice. Natawa si Venice kaya lahat sila nagkabati bati, pero sabi ni Venice gagawin na nilang tradition yun every November 15. Pero hindi lang sa kanila yun, dahil buong school tuwang tuwa kapag November 15. Kahit mga teachers, nagpapafree-cut kapag November 15 para dito.
Noong 2nd year, lahat sila nagdress, wig, make-up at heels pero para mas masaya sa buong school, sa umaga binabantayan nila ang booth nila (May kissing booth ni Bryle, Make-up booth ni Venice, Food stalls ni Mico, at book booth ni Enzo. Pero every year nagbabago bago sila ng booth!) Sa gabi naman nagorganize sila ng performance at maraming mga studyante ang nanuod. (Oo, nanuod din ako! Ako pa ba ang magpalampas noon?)
Noong 3rd year, si Bryle lang ang nagdamit. Bryle year yun pero ang mga booth ng Tres Gwapitos nandoon pa rin except kay sa booth ni Bryle dahil noong gabi, siya lang ang nagperform. Last year, si Mico naman. Kahit iritang irita siyang gawin yun, ginawa pa rin niya kasi nga ‘tradition’ na nila yun. At ngayong 5th year, si Enzo naman ang nakaassign na gawin ang tradition nila ngayong year.
BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomanceNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...