Hi guys! Sorry kasi it's taking me too long to update ha! :( I'm writing new chapters pa eh. :( Anyway, hope you enjoy this! THIS IS A LONG UPDATE ;) Follow me: @GirlinloveWatty. I'm much active there! :)
_________________________________
Chapter 32
Hope's POV
"HOPEEEEEEEEEEE! May nagdodoorbell! Puntahan mo!" Sigaw ni Ate.
Oo na. Tamad talaga nito forever.
"Hello po--Tita?" Biglang bumungad sa may gate namin yung mommy ni Mico!
Anong ginagawa ni Tita dito?
"Hi Hope." Sabi niya. Nakacasual dress siya pero mukha pa rin siyang donya.
"Ano pong ginagawa niyo dito? Pasok po!"
"Ah, no need iha, I'm just here to give you this." Tapos bigla akong inabutan ng malaking box ng bodyguard na kasama niya.
"Ano po 'to?" tanong ko sa kanya.
"Dress iha. I'm inviting you later." LATER?! Bakit? Anong meron?
"Mamaya ho? Bakit po?"
"I have a despidida party sa house later. I've been telling Mico to give you the dress pero hindi pa pala niya nabibigay at hindi pa pala niya nasasabi na invited ka. May gagawin ka ba later iha?"
"Wala naman po."
"So, pwede ka ba sa party? Ipapasundo na lang kita sa driver ko." Napablink blink na lang ako. Kailan pa ako naging VIP sa mga Loyola?
Pero... Mabait na si Tita at minsan lang niya gawin 'to kaya..
"Sure po. See you later."
"See you later then. Thank you, Hope."
Nagbeso kami tapos umalis na siya. Ako naiwang hawak hawak ang malaking box na 'to.
"Oh, Hope. Ano yan? Sino yun?" Biglang tanong ni Ate pagpasok ko sa bahay.
"Mommy ni Mico. Binigay niya 'tong dress saakin. Umattend daw ako sa party mamaya. Despedida na daw kasi niya."
"Wow ha. Close na talaga kayo." Pangaasar naman ni Ate.
"Kakaloka nga eh. Siya pa ang personal na nagimbita sa akin."
"Kung ganoon, aayusan kita. Kailangan magmukha kang tao sa party mamaya. Malamang maraming sosyal ang pupunta doon."
"Shocks. Oo nga. MaoOP na naman ako."
"Siguro naman nandoon ang Tres Gwapitos at si Venice, sumama ka na lang sa kanila."

BINABASA MO ANG
100 Steps To His Heart [Published Book]
RomanceNow a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng may gusto kay Enzo, part ng TRES GWAPITOS na kinabibilangan nina Enzo, Mico at Bryle. Isang araw, nakuha niya ang planner ni Enzo kung saan n...