Author: Sorry for delay update. Hope you enjoy this chapter.
Kim's POV
After cooking ay naka prepared na ang mga foods sa mesa. Tumulong naman ako kahit paano kay Xian.
Nice. Nakakagutom. - sambit ko pa. Saka naupo sa tapat niya.
Kain na tayo. - sabi pa niya.
Mukhang masarap to ah? - ako.
Syempre luto ko eh. - Xian.
Wow! Yabang. - ako.
Sapat lang. Totoo naman na masarap ako magluto eh. - sabi pa niya.
Feeling ka talaga. Hindi kaya ako lang nagtitiyaga kumain ng mga luto mo. Paano walang kalasa-lasa. - pang aasar ko pa.
Kumain ka na nga lang. Kakain lang kung ano-ano pa sinasabi. - sabi pa ni Xian saka naglagay ng ulam sa plato ko.
Pikon-pikon. Haha - sabi ko pa habang naglalagay ng kanin sa plato niya.
Hmmm. Ang sarap naman. - puri niya sa luto niya.
Natawa na lang ako.
Hindi din. - sabi ko saka sumubo. Masarap talaga siya magluto.
Tsh. Kulit mo kaya nga na miss kita eh. - hirit pa niya. Tsk. Ito na naman siya, ayaw ko yung ganitong awkward moment eh.
Namiss ka jan. Paano hindi ka na dumadalaw sa resto. - kunwari ay nagtampo ako. Pero ang totoo may part talaga na nagtampo ako pero not totally ha? Sakto lang.
Sorry. Busy lang talaga ako. Naiintindihan mo naman diba? - sabi pa niya. Medyo seryoso na kami sa usapan.
Oo naman. Naiintindihan ko naman eh. - sabi ko. Pero totoo gusto ko paren magka time siya sa akin tulad ng dati.
Hm. Xian nga pala ... bukas na ang kasal ni Robi at Gretchen. Samahan mo ako bukas ha? - pag aaya ko pa kay Xian na samahan ako.
Ha? - muntik ng masamid si Xian.
Mag dahan dahan ka nga. Ito tubig uminom ka. - sabi ko sabay hagot sa likuran niya saka inabutab ng tubig.
Salamat. - pasalamat niya pagka inom ng tubig.
Ano na? Sasamahan mo ba ako, o hindi? - tanong ko pa ulit.
Kailangan mo pa ba pumunta? - tanong pa niya.
Kailangan in behalf of my parents. Isa pa para tumigil na si Robi kaka push sa akin na ipaglaban ko din siya tulad ng gusto niya. - sabi ko.
Kim sasaktan mo lang sarili mo eh. Yan ba ang gusto mo? - tanong pa niya.
Xian, supurtahan mo naman ako. - kulit ko naman.
Pero Kim... - Xian.
Please last na ito Xian. Please. - nag pretty eyes pa ako para mag pa cute.
Okay. Pero siguraduhin mo na hindi ka iiyak at hindi ka masasaktan pagkatapos ng lahat. Pag nagawa mo yun sasamahan kita. - sabi pa ni Xian.
Imposible naman ang gusto mong mangyari. Hindi ko kaya yun. Iiyak ako ay masasaktan pero bahala na. Kaya ko naman eh. Kailangan ko ipakita na ayos lang ako. - pagkukumbinsi ko pa kay Xian samahan lang niya ako bukas.
Yun naman pala. Alam mong masasaktan ka sa gusto mong mangyari pero gusto mo paren pumunta? - usisa pa ni Xian. Natigil naman ako sa paglalaro ng kutsara ko.
Yan ang hirap sayo Kim. Sinasaktan mo sarili mo at ang hindi mo alam may nasasaktan din para sayo. - malungkot na sabi ni Xian.
Xian naman. - ako.
Wag ka naman ganyan oh? Last na ito promise. - kulit ko pa.
Kim. Kung gusto mo pumunta, pumunta ka. Pero hindi kita sasamahan sa trip mo. - sabi pa ni Xian na parang na-bad trip.
Xian naman hahayaan mo lang ako mag-isa doon? - pangungunsensya ko pa sa kanya.
Hindi siya sumagot.
Akala ko ba susulitin natin mga araw at linggo hindi tayo nagkita. Pero nakipagkita ka lang sa akin para lang hingin ang pabor na yan. - sabi pa ni Xian saka binaba ang fork and spoon niya.
Xian hindi. Hindi ganun. - ako.
Sige na. Tapusin mo na yan kinakain mo. Babalik ako ng office. - sabi niya. Na may tonong ewan.
Xian naman. - ako.
Promise hindi na kita idadamay sa gusto ko mangyari. Pupunta ako na mag-isa. - sabi ko.
Xian please. Wag ka na umalis. Forgot the topic about Robi. Hindi ko na babanggitin ang pangalan niya. - sabi ko pa. Alam ko kasi na nasasaktan na naman siya dahil na anman sa akin.
Hindi naman sa ayaw ko marinig ang pangalan niya. Robi is my friend also pero ikaw sinasaktan mo lagi sarili mo. Kailan mo ba titigilan saktan ang sarili mo. - galit na sabi ni Xian.
Ano bang problema mo? - tanong ko. Medyo nag init na sagutan namin.
Anong problema ko? Ikaw! Ikaw Kim. Paano ba naman ayaw mo ipaglaban siya. Ayaw mo ren naman pakawalan siya. Sarili mo lang sinasaktan mo. Oo pupunta ka sa kasal para ipakita na okay lang sayo. Pero ang totoo hanggang sa huli gusto mo paren siya makita. Siya paren diba? Kahit na nagparaya ka naka siya paren diba? - sagot pa niya.
Oo. Siya paren. Nagparaya ako dahil mahal ko siya. At mahal ko siya kahit na pinakawalan ko pa. Ang gusto ko lang naman makita niya ako na masaya at okay para hindi na siya makonsensya at para makalimutan na niya ako. - sagot ko naman saka na iyak na.
Ang hirap sayo. Gusto at gusto mo paren ang susundin. Kahit hindi kana makatuwiran. Tama ba na dumalo ka sa kasal ng taong mahal mo ngunit pinakawalan mo? Para ano para ipanukha na okay ka na masaya ka? Sino niloko mo? Sino sinaktan mo? Sarili mo lang naman diba? Buti kung ikaw lang ang nasasaktan, pero hindi eh. Dahil ako. Ako nasasaktan para sayo. Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita at nasasaktan ako tuwing nasasaktan ka at umiiyak dahil sa kalungkutan. - sabi pa ni Xian. Natigilan ako. Sa mga sinabi niya. Ayan na naman siya.
Anong sabi mo? - tanong ko. Kahit na alam ko naman na mahal niya ako.
Mahal kita. Mahal kita, Kim. Hindi mo ba nakikita? Kung sa bagay manhidka naman. - sabi pa ni Xian. Saka tuluyan ng umalis.
Naiwan akong tulala at napahagulgol.
--
to be continued...PLEASE VOTE AND COMMENT
