Xian's POV
"Mr. Lim totoo po bang nagdi-date na kayo ni miss Bea." nagulat ako sa mga tanong nila. Nagulat ako nandito na pala ako sa interview room.
Paano ba ito?
Hindi naman kasi totoo yun. Magkakilala kami ni Bea, she's a friend of my friend kaya ko siya kilala. Nagkita kami at nagkasalubong pero may nakakita yata sa amin at heto ang kinalabasan.
"Mr. Lim gaano po katotoo ang rumors na nagdi-date kayo di umano. At may mangilan-ngilan pong nagsasabing kayo ang kanyang boyfriend?" tanong pa nung isang baklang reporter.
Teka, paano ako sasagot?
"Bea and I are friends." yun lang ang naisip kong sabihin. Ganun naman yung lagi nilang sinasabi pag ini-interview.
"Gaano na kayo, katagal na magkakilala ni miss bea?" tanong naman ulit ni sino nga ulit yun? Basta yung bakla, si Jaiho ba?
"Ah, I've known her for a year now." sagot ko pa. Nakaka ilang magpa interview,though sanay naman ako ma interview pero hindi naman sa ganitong topic.
"How long you've been dating?" follow up question pa ng isang reporter.
"Ah, uulitin ko, I and bea are a really good friend. I hope nasagot ko na mga tanong niyo. I have lot things to do. Bye." saka tumayo na ako. Ang dami na nilang itinanong.
"We respect your answered. Maybe you two wants an private relationship, as a fan of bea myself. Thanks for answering our questions. At least we know someone taking care of her and loving her. Thank you for the time, mr. Lim." pasalamat ni jaiho ba yun? Yung isa sa mga nagtanong, yung bakla. Magaling na DJ yun eh, lagi ko pinakikinggan sa FM and AM radio.
"Your very welcome." sagot ko atnakipag shake-hand sa kanina.
Bumalik na ako sa office after ng interview.
Grabe, mahirap pala maging artista at magisa ng mga tanong. Paano kaya sila nabubuhay sa ganun ka gulo ng buhay nila?
"Sir how's the interview?" tanong ni Marah.
"Ayos lang nakakatakot yung mga fan ni bea. Anyway, si Kim nakauwi na ba? Diba, galing ka sa baba kanina?" tanong ko ren sa kanya. Nakakapanibago na kasi si Kim.
"Oo, kani-kanina lang. Ito po pala yung cash flow last month, at nanjan na ren yung financial statement. Nakalimutan ko iabot kay miss." sagot niya saka inabot ang files.
"Sige, ako na lang mag-aabot." sabi ko pa.
---
Pagka-alis ni Marah nakatanggap ako ng tawag.
"Hi, hello. Xi, sorry nadamay ka pa sa ano... napanuod ko yung interview sayo. Sorry talaga." untag ng sa kabilang linya.
"Hindi, wala yun. Okay ren naman maging artista paminsan minsan." sagot ko saka tumawa ng kunti. Narinig ko ren ang pagtawag niya sa kabilang linya.
"Basta, sorry sa mga nagba-bash na ilan sa mga fans ko. Pero salamat kanina sa pagsagot sa mga tanong ng press." utag ni Bea.
"No, worries. Its really fine. Basta makikipagdate ka ulit sa akin." sagot ko pa saka ngumiti kahit hindi niya nakikita.
"Seryoso ka? Gusto mo pa ba dumugin ng mga fans at press? Kung okay lang sayo then why not." sagot niya. Hindi ko man nakikita pero alam ko tumatawa siya ng maliit.
