Chapter 23

392 16 8
                                    

Kim's POV


"I know, mabibigla ka pero matagal ko na itong gustong gawin. Bata pa lang tayo ikaw ang pangarap kong makasama habang buhay. Mahal kita at mamahalin kita habang buhay. Kim, will you marry me" nagulat ako sa tanong ni coco. Seryoso?

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung oo ba o hindi.

Mabait siya at wala akong masabi pero hindi ko mapaliwanag kung bakit nagdadalawang isip akong omo-o.

"Alam kong kailan lang tayo ulit nagkatagpo. Alam ko hindi tayo gaano katagal, 2months pa lang tayo alam ko, pero Kim wala naman sa tagal ng pinagsamahan para.... "pinutol ko na ang sasabihin niya.


"Yes. I will marry you, get up na."ayaw ko pang pagpaliwanagin siya ng mahaba, pangatlong tanong na niya ito, dahil sa pagkatulala at gulat ko.


Mahal ko siya oo, at nakikita ko ren na mabait siya at iingatan niya ako. Hindi naman talaga kaso yung tagal ng pinagsamahan.

Ang mahalaga yung pagsasamahan pa namin at alam ko sa piling niya liligaya ako. Mahal niya ako at mahal ko rin siya.


"Yeees!"tuwang tuwa siya saka isinuot ang singsing sa daliri ko at tumayo at niyakap ako.



"Salamat, hindi ka magsisisi na pumayag ka makasal sa akin. Mamahalin at aalagaan kita ng higit sa sarili ko. Yeeeees! Whoa!!! Ikakasal na kami. Whoa!" pinagsisigawan pa niya. Hindi ko mapigilan hindi matuwa.

Masaya ako.

Masaya ako kasi siya ang lalaki na makakasama ko pagtanda. Looking forward.


"Yeees!"sigaw pa niya. Ang saya lang niya panuorin.


"Tama na yan, tara na kumain na nga lang tayo."pigil ko pa sa kanya. Nagtatalon kasi sa tuwa. Nakakahiya ang daming tao.


----

Umuwi akong masaya, at last nahanap ko na ang matagal ko ng hinahanap na mister right, at si Coco na yun.

"Uhm, mukhang masaya ang anak ko ah?" nagulat ako. Hindi ko napansin si mommy.


"Mom? You're home? Since when?" agad ko siya niyakap at hinalikan sa pisngi.


"Kanina lang, I wanted to see you. Na missed ko na ang unica hija ko." malambing na sabi ni mommy.


"Ummn, mommy I missed you too. Sobra." malambing ko pang sabi saka yakap ulit sa kanya.


"Maiba nga tayo, mukhang masaya ka? May nangyari ba?" tanong ni mommy. Pansin din pala niya ang kaligayahan na nadarama ko?



Hindi na ako nagsalita at pinakita ko ang singsing.


"Oh, my god! You're getting married? Congratulations" excited na sabi ni mommy saka niyakap din ako ng mahigpit.

"Thanks mom." pasalamat ko pa tapos tinignan ko ulit ang kamay ko lalo na ang daliri ko na may nakasuot na singsing. Ganito pala ang feeling nuh? Parang lutang sa tuwa?


"I'm happy for you. Wait I'll give a call to your dad and brothers. They have to know this. I'm sure lilipad yan sila pauwi sa sobrang saya at excitement." mom concluded. I hope so that dad will be happy for me. But I'm sure he'll be sad, hindi pa kasi siya ready na makasal ako. Alam niyo na unica iha. At sobrang daddy's girl kaya ako.


Masaya kong pinagmasdan ang mommy ko habang kinakausap niya ang daddy ko at mga kuya. Ang saya niya, I've never seen her too happy like this.


Salamat kasi ngayon they find more time para makasama nila ako. Pansin ko mula noon naging kami ni Coco naging mas maraming beses kami nagkikita-kita.

Umuuwi pa sila dito para lang makasama ako magdinner or mag breakfast. I appreciate all their efforts kahit busy sila they find time to spend with me. Thanks to Coco.


"Alright, pauwi na daw sila. By tomorrow morning nandito na sila." masayang sabi ni mommy saka binaba ang tawag.



"Alam mo anak, Gustong gusto ko yan si Coco para sayo. Kesa doon sa Alfonso ba yun? Nako, bastos na nga wala pang galang sa nakakatanda. Ang cool masyado." sabi pa ni mommy. Oh, yeah! Alfonso ang una kong boyfriend bago si Robi, he dumped me. Babaero. Tsh. I moved on na. Nakalimutan ko na nga siya.



"Mom naman. Pero real talk ang layo ni Coco kesa kay Alfonso. Sa spelling pa lang ng name magkaiba na... lalo pa kaya sa personality at ugali." sinakyan ko na lang si mommy. Sa gusto magbalik tanaw. Hindi niya alam na naging kami ni Robi. Hindi ko sinabi.


"Tama. Kaya alam mo ikaw, alagaan mo si Coco. Nakikita ko ang magandang future niyo." sabi ulit ni mommy saka parang batang nag-i imagine. I just loved seeing mom like this. Yung hindi about business ang usapan?

After ng usapang nakakakilig ni mommy sa sala ay nagpasya kaming matulog na lang.

"Goodnight mom" bati ko kay mommy sabay kaway bago pumasok sa kuwarto ko.


I turn on the lights.



Whoa! Masaya ren pala ang ma-engaged. At ganito din pala ang pakiramdam?

Dali-dali kong hinubad ang sandals ko saka nilagay sa open cabinet for shoes ko.


I put my bag on my table at jumped on my bed.

I'm hugging my pillow. Kinikilig ba ako? Sus? Ang landi.

Pangitingiti pa akong yunayakap sa unan ko ng maligaw ang tingin ko sa sidecabinet ko.

Bigla ako nakaramdam ng lungkot, I don'no why?

Siguro sadness for him. Ay, oo nga pala may Bea na siya kaya bakit siya malulungkot?

Siguro dahil naninibago lang ako.


Kinuha ko ang picture frame namin ni Xian. Ya! Its a picture back college days, acquaintance party? Oo, sobrang saya pa namin dito.


"Xi..." sambit ko pa. Hay! Dami ng nagbago, ang dami na ring nangyari.


"Ikakasal na ako, sana maging masaya ka para sa akin. Sasabihin ko sayo bukas at sana  matanggap mo ang desisyon kong magpakasal." kung makapagsalita naman ako parang hindi gusto ni Xian na magpakasal ako. Syempre magiging masaya siya para sa akin.


Masaya na siya at masaya na din ako.

Everybody's HAPPY .




----

to be continued

VOTE/COMMENT/SHARE

Mr. Right - KimXiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon