Kim's POV
Nasa hotel ako ngayon. Binisita ko ang branch namin dito. So far maganda ang takbo ng business, maarahan talaga si Marah at Maria.
"Miss Kim, aalis na ba kayo? Hindi niyo po ba sisilipin ang conference sa taas?" tanong ni Maria na alam ko naman na ang ibig sabihin.
"Huh? Hindi pa naman, bibisitahin ko muna si tita Rose tapos aakyat ako para kumustahin si Xi. Okay na?" sagot ko. If I know yan naman ang gusto niyang mangyari.
"Okay, pero miss. Marami ng tao jan, hindi ko alam kung makakasingit ka pa. Mabuti pa samahan kita may alam akong secret na daan para maka-iwas tayo sa mga tao jan." sabi pa ni Maria.
"Secret road?" natatawang sabi ko. Tumango na lang muna siya.
"Sige na nga. Pero sandali lang tayo doon, dadaan pa ako kay tita Rose tapos babalik ako sa main branch." sabi ko pa saka tinignan si Maria na mauna na siyang lumakad at susunod naman ako sa sekretong daan niya.
Naglakad kami hanggang sa mapunta kami sa may pinaka gilid ng hotel.
"Oh, anong ginagawa natin dito?" tanong ko. Like hello, stair no. 1 to ah? Ano to maghahagdan ako? Ito ang secret way niya?
"Jan po miss. Marami na kasing nag-aabang doon sa ibang hagdan. lalo naman sa lobby at sa elevetor. Hindi ka talaga makakasingit. Pag dito ka umakyat tabi ito ng exit fire ng opisina ni sir Xian." paliwanag pa niya.
"Nagbibiro ka ba, Maria? Nasa 37th floor ang opisina ni Xian. At nasa ground tayo ngayon. Ano ako? Ayokoooo dito umakyat. Makikipagsiksikan na lang ako sa mga tao." maarting sabi ko. Niloloko niya ako eh. 37th floor maghahagdan lang ako? Kamusta ako pagkatapos? Oh, baka hindi pa ako umabot doon.
"Eey, nagsuggest lang naman ako. Pero kung ayaw niyo po, eh baka hindi niyo mapanuod ng live ang interview ni sir. Sayang hindi niyo pa siya makakausap." pangungunsesya pa ni Maria. Anong meron dito kay Maria. Sapakin ko kaya?
"Kung ako sa inyo miss magsisimula na akong umakyat. May 25mins pa kayo para maabutan si sir. Go, miss." pagmomotivate ba yun o pang-aasar? Niloloko ako ni Maria.
"Papatayin mo ba ako Maria? Boss mo paren ako ah? Ah, alam ko na para ikaw na ang mamahala ng restaurant nuh? Kaya gusto mo matigok ako nuh? Umamin ka nga?" tanong ko kay Maria. Natawa lang din siya. Paano ba nakakatawa naman talaga ang sinabi ko. Bahala na nga, nais ko din makausap at makita siya.
"Oo na nga. Eto na aakyat na, pero sasama ka sa akin idea mo ito. dalawa tayong magdudusa dito." hinila ko siya at sabay kaming umaakyat.
"Te-teka miss, walang mamamahala sa resto. Kaya niyo na po ito miss." angal pa ni Maria.
"Wala sasama ka paren. Si Marah na ang bahala doon." sagot saka hinila pa siya para samahan akong paakyat.
"Pero" angal niya habang paakyat na kami pang third floor.
"Ay, walang pero pero. Remember this is your idea." pagpapa alala ko pa.
"Oo na po. Wag niyo na ako hilain, may alam pa akong isang paraan para mapabilis tayo." sabi pa ni Maria.
"Naku! Maria tantanan mo ako sa mga idea mo ah? Grabe laking tulong talaga." hingal na sagot ko saka sumandal sa pader. Tanaw na namin ang pang fourth floor na hagdan. Nagpahinga lang kami.
"Miss, iba ito. Mas mapapabilis talaga ito." pilit pa niyang sabi kahit hingal na ren siya.
"Saan naman yan?" panghahamon ko sa kanya.