Kim's POV
Bakit yun? Ano ba problema nun?
Ganun?
Iniwan lang ako dito?
Wala na akong nagawa umalis na din ako ng hotel. Sa wala akong makausap doon, iniwan lang kasi ako mag-isa.
=====================
Coco's POV
"Sigurado ka ba jan sa pinasok mo, pare?" tanong ni Keven.
"Oo naman. Anong ibig mong sabihin?" tanong ko naman.
"Pare seryoso? Ngayon lang ulit kayo nagkita, tapos magpapakasal ka na? Baka naman nabibigla ka lang?" tanong ulit ni Keven. Kinukuha ko kasi siya bilang bestman pero ito ang kinahinatnan ng usapan.
"Hindi. Pare, mahal ko siya alam mo yan. Sa mga taon na lumipas alam mong siya lang ang babaeng minahal ko. Oo, nagka relasyon ako sa iba pero siya paren nasa isipan ko at puso ko." sagot ko naman sa kanya. Mahal ko si Kim, noon hanggang ngayon.
"Anjan na ako pare, pero hindi ba masyado kang nagmamadali? Pero kung yan na talaga ang desesyon mo. Sige, bahala ka na." sabi pa nitong si Keven. Haist! Ano ba naman klasing kaibigan 'to.
"Basta ikaw ang bestman ko. Trust me na lang, time isn't matter so as age also. Hindi hadlang ang kunting panahon na nagkasama kami ulit para masabi na hindi kami dapat nagpadalos-dalos. The feeling is mutual between me and Kim." sabi ko pa.
"Tsk. Ang corny natin. Nakakabakla ang usapan na ito. Basta ikaw na bahala, buhay mo yan. Ang akin lang naman makita kang mag settle down na din tulad ko, namin nila Jacob. Masaya pag nahanap mo na ang babaeng magpapasaya sayo habang buhay. Sana nga si kim na yun." sabi niya saka tinapik ako sa braso.
"Salamat sa concern pare. Pero makakahabol ren ako sa inyo. Kung ikaw naka isa ka na ng anak nako, pag kami ni Kim nagka-anak kambal agad-agad." nakangiti kong sabi.
"Oh, sige na mauna na ako. Paki sabi nalang kay Camile na dumaan ako. Sige mauna na ako." paalam ko pa kay Keven. Baka kasi nakaka istorbo pa ako sa kanilang mag-asawa.
"Sige, pare. Wag mo kakalimutan ang binyag ni Junior ko, ninong at ninang kayo ni Kim." pahabol pa niya.
"Sige-sige." sagot ko saka kumaway.
Habang nagmamaniho hindi ko maiwasan mapangiti. Naaalala ko kasi ang gabi kung saan sumagot si Kim ng oo. Hindi ako makarecover sa idea at sa feeling.
Ako na pinaka-masaya sa lahat.
Dahil sa mga susunod na buwan magiging asawa ko na siya. Hindi pa namin napag-uusapan ulit ang ibang mga detalye pero baka sa makalawa na namin pag-usapan lahat kasi kami abala sa kanya-kanyang business.
Alam ko si Kim ang nagpapasaya sa akin ngayon. Siya ang nagbibigay kulay sa buhay ko. Iba kasi ang dating sa akin ni Kim noon pa. Kakaiba siya at iba talaga siya sa lahat ng babae na nakilala at nakasalamuha ko.
Hindi ko masabi ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Para sa akin siya ang lahat sa akin. Siya ang lahat lahat sa akin.
=============================
Xian's POV
I just drove myself in the bar. Nakaka inis talaga siya. Ang manhid manhid niya talaga. Magpapakalma lang muna ako dito.