Continuation...
Hindi pa ako nakatulog dahil sa kakaisip ko kay Robi. Pakiramdam ko may malaking problema siya at hindi niya masabi-sabi sa akin. Pero bakit ganito na lang ang kabang nararamdaman ko?
--
"Maam?" Xian
"Anything happen?" Xian
"Huh? May sinasabi ka?" Tanong ko kay Xian. Paano until now hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon.
"Sabi ko, maganda ka. ☺️" Xian
"Bola? Ano ba kasi sinabi mo?" Tanong ko pa.
"Parang wala ka sa mood? Kanina pa kasi ako nagsasalita dito pero hindi mo ako pinapansin." May pagtatampo pa niyang sabi.
"Sorry ha? Iniisip ko kasi si Robi para kasing may problema siya pero hindi nagsasabi, ewan ko Xi pero pakiramdam ko may mali sa kanya eh. Hindi naman kasi siya ganun." Pagkukwento ko pa sa kanya.
"Um. Kaya pala?" sabi pa niya.
"Anong kaya pala?" tanong ko pa.
"Ayan! Wala ka na naman sa sarili dahil sa kanya. Baka lang naman kasi nasubrahan ka lang sa pag-iisip." Sabi pa niya.
"Pero nafeel ko nga may mali sa kanya." ako
"Tama na kasi ang pag-iisip ng ganyan. Wala naman sigurong ibig sabihin yun. Baka nga lang nasobrahan ka lang sa pag-iisip. Pero ikaw kung gusto hindi ka paren mapakali pwede mo naman siya tanungin kung ano ba talaga ang meron." paliwanag pa ni Xian.
"Ginawa ko na pero ayaw niya magsabi lagi na lang niya iniiba ang topic" Sabi ko pa.
"Ibig sabihin ayaw niya sabihin sayo. Kaya nga kung ayaw niya sabihin wag mo pilitin. Isa pa wag ka na mag isip ng kung ano-ano. Baka wala lang naman yun. " sabi pa ni Xian. Baka nga siguro pero hindi ko maiiwasan na wag mag-isip ng kung ano-ano. Alam niyo yung feeling na may nararamdaman kang mali pero hindi pa sinasabi sayo? Alam niyo yun? Nakakatulero diba?
"Kung wala lang yun hindi ako makakaramdam ng ganito" Tanong ko pa sa kanya.
"Ganito na lang. Antayin mo na magsabi siya sayo but for now wag ka muna mag-iisip ng kung ano-ano. Alam mo mabuti pa umuwi ka na lang at magpahinga. Hindi ka ren naman makakapag-focus kung ganyang sobrang lalim ang iniisip mo." Suggestion ni Xian.
"Pero okay lang ba sayo? Ikaw lang maiiwan dito? Baka maraming dumating na customers baka hindi mo lahat mahandle." Nakakahiya naman kasi kung iiwan ko lahat ng responsibeledad sa aming resto. Dalawa kami dapat at magkasama nagbabantay sa aming negosyo at magkasamang nagpapalago. Diba?
"Its okay. I can handle. Magpahinga ka na lang muna. Tignan mo sarili mo, wala ka pa sa condition para magtrabaho. Halata naman na hindi ka masyadong nakatulog eh." Ito talagang si Xian, umiiral na naman ang pagka maalaga niya. Pero I appreciate it kulang naman talaga ako sa tulog eh. Halos hindi ako nakatulog magdamag kakaisip sa nangyari kahapon.
"Okay sige. Babawi nalang ako sayo" sabi ko pa saka kinuha ang bag ko para umalis. Mahirap na baka mag-iba ang isip niya about sa suggestion niyang pahiya for this day. Kailangan ko na ren kasi yun.
"Kahit wag na." Sagot pa niya.
"Asus! Pa humble pa! Don't worry I have friend darating siya from London. Ipapakilala kita sa kanya para naman magka love-life kana." Alam ko naman na gusto niya ako pero diba dapat lang natulungan ng kaibigan ang kaibigan niya para hindi masaktan. Kailangan ko ipakilala siya sa iba para malihis ang attention niya sa iba at makalimutan niya ako.
