Chapter 33

1.2K 56 7
                                    

                                                                                            Chapter 33

                                                                                                  Vonjo

Sa tono ng pananalita ni Max ay walang duda na ako nga ang sinisisi niya sa pagkawala ni Ada. Bakit ba kasi pinuntahan kaagad ako ni Ada? Maliban nalang kung may pangitain silang dalawa ni Shen tungkol sa apocalypse na nakatakdang maganap sa lugar namin.

"Vonjo! Tignan mo!" Sabi ni Luther na nakaturo sa gate.

Nakatayo sa gate ang batang babae na nagbabantay sa susi na hawak ko. Nakatahi parin ang mga mata nito at patuloy parin ang pagtulo ng mga itim na dugo mula dito.

Tumingin ako kay Shen at Max, sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakikita rin nila ang batang babae.

"Oh my God!" Sambit ni Shen na tila nasusuka sa nakikita. Kaya naman muli kong binalikan ng tingin ang bata.

Buong pwersa nitong pinilit idilat ang kanyang mga mata kahit na matuklap pa ang kanyang mga talukap. Mas lalong tumindi ang pagragasa ng dugo sa kanyang mga mata. At nang magawa na niyang dumilat ay lumantad na sa amin ang kanyang mga itim na mata.

"Ito na ang oras...... Ito na ang itinakdang oras." Usal ng batang babae at nagsimula na itong lumakad papunta sa gubat.

Kinabahan kaagad ako ng biglang sumagi sa isip ko ang dereksyong linalakaran nung kaluluwa ng batang babae.

"Direksyon iyon ng pinagganapan ng pagsasakripisyo sa amin ni Mr. Rodriguez." Sambit ko.

"Sa abandonadong gusali." Dagdag pa ni Shen.

"Iyon din ang lugar, kung saan pumatak ang dugo ni Mr. Rodriguez... Bilang isang sakripisyo para sa Blood Key! Ang abandonadong gusali ang unang pinto ng Pulang Dugo!" Paliwanag ni Luther.

Kung ganon, ngayon na ang itinakdang araw.... Ang simula ng pagpatak ng pulang dugo. Ang simula patungo sa katapusan ng lahat.

Hindi na namin sinayang pa ang oras, nagmadali kaming apat na tumungo sa abandonadong gusali.

Nang makarating doon ay dumeretsyo na kami sa underground basement ng gusali, kung saan tinangka kaming gawing sakripisyo ni Mr. Rodriguez. Katulad ng inaasahan, naganap na nga ang pagsisimula ng ritwal. Bumungad sa amin ang nakahandusay na katawan ng isang lalake. At sa lamesang bato naman ay nakahain ang pugot na ulo ng lalake. Pinasasaluhan ito ng hindi mabilang na daga. Mabilis na napabaliktad nito ang mga sikmura namin maliban kay Max.

Lumapit si Max sa lamesa ng may mapansin siyang ibang bagay na nakapatong dito, agad din naman niya itong pinakita sa amin.

"I.D ni Ada ang isang ito...... At ito namang isa, Abbygale Zamora." Pagtukoy ni Max.

"Shit! Hawak nga nila sila Ada at Abby." Nagsisimula na akong kabahan. Lumalamang sa isip ko ang posibilidad na maari silang gamitin sa kanilang mga ritwal.

Muling lumitaw ang kaluluwa ng batang babae. Tumingin ito sa akin bago siya tumingala. Para bang may gusto siyang iparating sa amin.

"Posibleng nasa taas sila ng gusali." Sambit ni Luther.

Tatakbo na sana ako para tumuloy sa pag-akyat ng bigla akong pigilan ni Shen. "Teka lang Vonjo! Sigurado ka bang susundin mo ang batang babae na iyan? Hindi natin alam kung trap lang ito."

"Sa ngayon mapagkakatiwalaan ko ang tulong ng batang babae na iyan dahil sa ilang kadahilanan....." Seryosong tugon ko.

"Wala na rin akong paki-alam kung trap man ito o hindi! Dahil ang mahalaga, mailigtas ko ang mga taong importante sa buhay ko!" Dagdag ko pa bago magpatuloy sa pag-akyat sa gusali.

Masyado na akong ginugulo ng mga nangyayari. Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko dahil sa dami ng pagsubok na pinagdadaanan ko ngayon. Napakaraming rebelasyon ang nagmulat sa aking mga mata. Ang plano ng aming kalaban sa nakaraan ang siyang nagdala sa akin sa malaking sakuna na nakatakdang maganap. At mas marami na sa mga importanteng tao sa buhay ko ang maaaring mapahamak ngayon.

Nang makarating kaming apat sa rooftop, isang hindi inaasahang eksena ang aming nadatnan. Nakapwesto sa magkabilang gilid ng gusali sina Ada at Abbygale. May tig-isang myembro ng kulto ang nakaalalay sa kanila para hindi sila tuluyang malaglag. Samantalang may lubid naman na nakatali sa kanilang bewang, hawak ito ng lalakeng nasa gitna. Sa kanang kamay ay ang tali na nagdudugtong kay Ada. At sa kaliwang kamay ay ang tali na nagdudugtong kay Abbygale. Isang kulto din ang nagbabantay sa lalake.

"Billy..... Kinuha ka din nila." Sambit ko ng mapansin ko na ang camera man ni Abbygale ang lalakeng nasa gitna.

"Vonjo! Ano bang nangyayari? Bakit kami nandito? May kinalaman daw ito sayo!" Emosyonal na tanong ni Billy.

"Vonjo! Huwag mo akong alalahanin! May masamang plano sila sayo! Iligtas mo ang sarili mo!" Sigaw naman ni Abbygale.

Tinignan ko si Ada, hindi siya umiimik pero umiiyak siya. Ramdam ko sa kanya ang takot at pag-aalala. Lalo akong pinanghinaan sa nakikita ko.

"Huwag kang mag-alala Ada! Ililigtas namin kayo!" Sigaw ni Shen.

"Huwag........ Umalis na kayo....... Mapapahamak si Vonjo......" Tumatangis na paki-usap ni Ada.

Isang matangkad na lalakeng myembro ng kulto ang nagpakita na sa amin.

"Vonjo, kanina ka pa namin inaabangan......Aba teka, kasama mo pala si Luther." Ngumingising sambit ng tila pinuno nila.

"Siya ang tinatawag na Angel of Death ng Red Blood Organization. Siya ang taga kitil ng buhay ng mga isasakripisyo... Minsan na siyang nakalaban ni Officer Alejandre." Bulong sa akin ni Luther.

"Magaling Max! Dinala mo sila lahat dito." Bigkas ng anghel ng kamatayan.

Nagulat kami sa sinabi niya, kaya agad kaming tumingin kay Max. Pero huli na ang lahat, may hawak na siyang baril at nakatutok ito sa ulo ni Shen.

"Max ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Shen na hindi makagalaw sa kanyang pwesto.

"Max!" Sigaw ni Ada.

"Si Max ang lumikha ng patay na imahe ni Vonjo. Yung nakikita ninyong dalawa Abby at Ada." Pagbubunyag ng anghel ng kamatayan.

"Nagpalinlang kayo sa nakikita ninyo, at iyon ang dahilan kung bakit kayo ngayon nandito!" Dagdag pa nito na sinundan ng pagtawa.

"Max! Linoko mo kami! Linoko mo ako! Minahal kita........ Pero linoloko mo lang pala ako!" Umiiyak na sigaw ni Ada.

"Minahal? Totoo? Hahahahahaha......... Huwag mo akong patawanin Ada. Kaya ka nga nandito dahil hindi ako ang mahal mo." Matalim na titig ni Max kay Ada.

Sinundan pa ulit ito ni Max. "Pasensya na Ada! Pero sa grupong ito, walang lugar ang pagmamahal..... Dahil ang pagmamahal....... Ay nakamamatay!" 

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon