Chapter 21

1.5K 73 13
                                    

                                            Chapter 21

                                            Alexandria

            Sa loob ng isang taon, hindi namin inaasahan na nasa kamay pala ni Tom ang huling bahagi ng Truth Beyond the Eyes. Buong akala namin ay sinunog na ito ni Trevor para mailayo kami sa kapahamakan dulot ng Red Blood Organization.

            “P-pero paano nangyari iyan Tom? Kitang-kita ko ng gabing iyon na wala kang malay nang kuhain sayo ni Trevor ang libro.” Naguguluhang tanong ko.

            “Sinunog na din ni Trevor sa harap namin ni Kimberly ang libro bago siya mamatay. Paano napunta sayo iyan?” Tanong din ni Luther.

            Nakatulala lang si Kim sa dalawang piraso ng papel na nakapatong sa lamesa. Masyadong malalim ang kanyang iniisip, hanggang sa bigla nitong hinawakan ang dalawang pahina at agad na nagsalita.

            “Ibig sabihin nabaliwala ang sakripisyo ni Trevor nung oras na nasa kapahamakan ang grupo natin…” Emosyonal na sambit ni Kim.

            Agad namang tumugon si Ma’am Bernadette ng mapansin niyang iba ang tono ng pananalita ni Kim dahil sa nangyari sa nakaraan. “No Kimberly! Hindi nasayang ang sacrifice ni Trevor, ginawa niya iyon para sagipin tayo that time! Iniligtas tayo ni Trevor para makaabot tayo sa araw na ito. Sa araw na pipigilan natin ang Red Blood Org!”

            “Oo nga Kim, sa tingin ko ay ginawa ito ni Trevor para mapigilan natin ang Red Blood…. Iyon ang sabi niya sa akin, bago siya mamatay.” Pagbubunyag ni Tom na nakapag patulala sa aming apat.

        What? Anong sinasabi ni Tom? Paano niya naka-usap si Trevor samantalang hindi na ito nagpakita sa amin matapos ang aksidente? “Ano bang sinasabi  mo Tom? Nagpakita ba sayo ang kaluluwa ni Trevor?” Naguguluhang tanong ko sa kanya.

        Tumingin sa aming lahat si Tom, pagkatapos ay seryosong sumagot. “Hindi ang kaluluwa ni Trevor…. Nakita ko siya bago siya mamatay.” Mas lalo kaming hindi makapaniwala dahil imposibleng mangyari iyon. Muling dinugtungan ni Tom ang kanyang sinasabi. “Noong nasa ospital ako, nagpakita sa akin si Trevor. Humanap siya ng pagkakataon para makalapit sa akin ng hindi nyo siya nakikita. Iyon yung time na inutusan kita Alex na ikuha mo ako ng tubig.”

        Kung ganon, iyon pala ang nangyari. Nagpakita si Trevor kay Tom nung umalis kami ni Ma’am Bernadette. “A-anong sinabi niya Tom? Anong sinabi nya sayo?” Maluha-luha at tila nananabik na tanong ni Kim.

        “Humingi siya ng sorry sa akin, hindi nya sinasadya ang nangyari. Tapos may sinabi sya sa akin na dapat ko lang daw sabihin sa inyo sa tamang panahon. At sa tingin ko, ang pagbalik ng alaala ko ang hudyat ng tamang panahon.” Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan bago niya ituloy ang kanyang sinasabi. “Alam ni Trevor na nasa akin ang huling dalawang pahina ng Truth Beyond the Eyes. Itabi ko daw ito, at gamitin natin para pigilan ang Red Blood Org…. Hindi tayo pwedeng mapahamak kaya sinakripisyo ni Trevor ang buhay niya, kasama ang libro at ang katotohanan na nasa akin pa ang dalawang pahina. Ginawa niya iyon para makaabot tayo sa oras na ito.”

        Napansin kong tila nanlumo ang katawan ni Kim sa kanyang narinig. Umakbay ako sa kanya. “Iniligtas tayo ni Trevor, kaya hindi dapat masayang ang sakripisyo niya. Gagawin natin ang lahat para mapigilan ang Red Blood.” Nakangiting sabi ko sa kanya, para kahit papaano ay mabigyan ko siya ng lakas ng loob.

        “Tom, sa tingin ko, ito na talaga ang tamang panahon na tinutukoy ni Trevor! Dahil ngayon ay may nakatakdang maganap sa bayan natin at sa mga taong nagkaroon ng koneksyon sa Red Blood…. Kasalukuyan tayong nakikipagtulungan, sa grupo ni Vonjo DeloSantos.” Sabi ni Luther. Bakas naman sa mukha ni Tom ang pananabik ng marinig niya na nakikipagtulungan kami sa grupo nila Vonjo

                                                   Luther

            Matapos ang pag-uusap namin tungkol sa huling dalawang pahina ng libro, nagdesisyon akong humiwalay muna sa kanila sandali. Masyadong maraming tanong ang pumapasok sa isip ko. Tama ba na hindi ko sabihin kina Kimberly ang katotohanan tungkol sa akin? Na ako ang anak ng Supremo na kakalabanin namin! Sigurado ako na magbabago ang tingin nila sa akin oras na malaman nila ang totoo. Mas makakabuti siguro, kung sa huli na nila ito malalaman. Oras na matapos na ang lahat.

            “Bakit ba kasi naging ama pa kita! Minulat mo ako sa kasinungalingan! Plano mo ang lahat ng ito! Masyado mo akong pinahihirapan!” Paghihinagpis ko sa aking sarili. Nasusuklam ako sa dugong nananalaytay sa aking katawan. Simula palang nung una ay pinanganak na akong makasalanan dahil sa aking ama.

            Hindi ko namalayan na mabilis na lumilipas ang oras, wala ng tao at tahimik na sa buong kapaligiran. Unti-unti na ding lumalamig sa buong paligid kasabay ang malalakas na kulog, na nagbabadyang uulan.Hanggang sa namalayan ko nalang na nakatayo na pala ako sa harap ng isang simbahan. Dahan-dahan akong lumapit at humawak sa nakasaradong pintuan nito.

            Naghahalo na ang aking emosyon. Nasasaktan, nabibigatan at nahihirapan na ako sa sitwasyon. “Panginoon, ngayon lang ako tumawag sayo… Sana pakinggan mo ako…” Sa pagtawag ko sa kanya ay hindi ko na napigilan pang lumuha. “Alam kong…. Nababalot na ng kasalanan ang buong pagkatao ko, may pag…. May pag-asa pa ba akong makapasok sa pintuan mo? Ano ang dapat kong gawin?” Sa kalagitnaan ng aking pagtangis ay isang pamilyar na boses ang aking narinig. May sa demonyo ang boses nito na tumatawang binanggit ang aking pangalan.

        “Hahaha!!! Luther….. Humihingi ka ng tulong sa kanya?”

        Agad kong nilingon kung sino ito. Napabalikwas ako ng makita kong ang aking ama ang nakatayo, hindi kalayuan sa aking pwesto. Mabilis akong nag concentrate para gamitan siya ng aking abilidad pero mas mabilis niya itong kinontra at ako pa ang bigla niyang pinalipad sa isang tingin lang. Isang malakas na pwersa ang humatak sa akin palayo sa simbahan na nagbalibag sa akin sa kalsada.

        “D-demonyo ka talaga…” Banggit ko habang nahihirapan akong bumangon dahil sa sakit.

        “Ganyan kaba makipag-usap sa iyong ama?” Nakangiting bigkas niya habang naglalakad papalapit sa akin. Sa isang kumpas lang ng kanyang daliri ay mabilis akong pinadapa nito. Tila may mabigat na bagay na nakadagan sa akin, dahilan upang hindi ako makatayo. “Ano bang gusto mo? Patayin mo na ako ngayon!” Buong tapang na pagsigaw ko sa kanya.

        Tumawa lang siya, tapos ay hinila ang aking buhok para pilitin akong tumingin sa kanya. “Magdasal ka lang ng magdasal sa kinikilala mong panginoon! Pero babalik at babalik ka din sa akin…. Dahil sa akin ka!” Binitawan niya ako at nagsimula na siyang maglakad palayo. Unti-unti na din gumaan ang aking pakiramdam hanggang sa tuluyan na akong makatayo. Ngunit biglang tumigil ang aking ama at nagsalita. “Mayroon pa nga palang isa…”

        Matapos niyang bigkasin ito ay biglaan nanamang tumilapon ang aking katawan papalapit sa kinatatayuan niya. Halos hindi ako makahinga dahil mahigpit ang pagkakasakal niya sa akin gamit lamang ang kanyang isip. “Hindi lang kayo ang may kasamahan na may ability ng Premonition, dahil mayroon din kami! Alam namin ang plano nyo Luther.”  Nakangiti parin ito habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin. “Gusto nyo ng laban? Pagbibigyan ko kayo!” Babala niya.

        Muling nawala ang mabigat na pakiramdam na bumabalot sa aking katawan, ngunit bago niya ako tuluyang pakawalan ay isang rebelasyon ang kanyang ibinulong sa akin. “Gusto mong malaman ang sagot? Hanapin mo…….. si Cassandra Keegan…” Pagkatapos ay tuluyan na siyang naglakad palayo at iniwan akong tulala dahil sa aking narinig.

        Tila naubusan ako ng lakas at agad akong napaluhod. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Posible kayang buhay pa…… “Ang aking ina…” 

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon