Chapter 26

1.4K 56 2
                                    

  Chapter 26

  Kimberly

"Matapos punan ang kanyang pangangailangan, magsisimula na ang huling hantungan. Ang lahat ng buhay ay mamamatay, at ang lahat ng patay ay muling mabubuhay."

"Apoy, lupa, hangin, tubig at liwanag, ang bawat elemento ang muling bubuhay sa nagkukumahog na kadiliman. Ang anim na bahagi ng ritwal ang siyang magpapatatag sa pagpatak ng Pulang Dugo."

"Tingin nyo, ano kaya ang ibig sabihin nito?" Tanong ko sa dalawa kong kasama na sina Alex at Tom.

"Sa unang phrase palang mukhang nakakakilabot na.... Kung pagbabasihan yung premonition ni Zamuel tungkol sa pagkamatay ng mga tao sa bayan natin, ito ang ibig sabihin ng riddle na ang lahat ng buhay ay mamamatay......." Tugon ni Alexandria.

"At posibleng ang plano ng RBO ay ang muling pagbuhay sa mga namatay." Dugtong pa nito na tila kinikilabutan sa kanyang sinasabi.

"Magiging sakripisyo tayong lahat, katulad nga ng sinabi sa atin ni Zamuel." Sambit ko.

"Teka guys!" Kinuha ni Tom ang aming atensyon matapos niyang pag-aralan ang ikalawang phrase at ang huling mapa.

"Oh, bakit Tom? Na gets mo na ba?" Tanong ni Alex.

"Limang elemento ang muling bubuhay sa nagkukumahog na kadiliman sa pagpatak ng Pulang Dugo.... At ito namang mapa, katulad ito nung nabuo ni Officer Alejandre matapos niyang pagkone-konektahin ang direksyon ng sakripisyo para sa Blood Key..... At ito rin ang imaheng nabuo sa painting ni Zamuel tungkol sa Premonition niya." Seryosong paliwanag ni Tom habang hawak-hawak niya ang huling dalawang pahina ng Truth beyond the Eyes.

"Anong gusto mong palabasin ngayon Tom?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Katulad ng mga sakripisyong nangyari para sa Blood Key at Blood Lock! Posibleng maulit muli ang mga sakripisyo sa mga naunang lugar.... At posibleng may mga kinalaman ang limang elemento para malaman natin kung saang lugar ang unang pag gaganapan ng sakripisyo!" Tugon ni Tom.

"At katulad sa mga occult movies.... Posible din na ang limang elemento ang siyang maging dahilan, ng kamatayan ng mga isasakripisyo." Dagdag pa ni Tom

"Ngayong may idea na tayo tungkol sa riddle, pwede na natin itong sabihin sa iba pa nating mga kasama. Para makapagsimula na tayong mag-imbistiga." Mungkahi ko sa kanila.

"Okay! Tara puntahan na natin sila Luther! Pero teka, nasaan ba si Luther?" Tanong ni Alex.

"Ang pagkaka-alam ko, kasama niya si Vonjo.... May importante daw silang gagawin, kaya hindi sila nakapunta ngayon dito." Tugon ni Tom.


    Vonjo

Madali kaming nagtungo sa tinukoy na lugar ni Zamuel. Bakas sa mukha ni Luther ang pananabik at kaba sa kung ano mang matutuklasan namin tungkol sa kanyang ina na kasalukuyang nasa Mental Hospital.

Bago pa man kami pumasok sa loob, mabilis ko siyang hinawakan sa balikat. "Teka lang Luther, sigurado kanaba? Nakahanda ka na ba sa kung ano man ang matutuklasan natin?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin. " Sa totoo lang, hindi ako nakahanda para sa negatibong makikita natin, pero tatatagan ko ang loob ko. Matagal ko nang gustong makita ang aking ina, kaya wala ng makakapigil pa sa akin. Kahit na ang Red Blood Organization." Matapos niyang bitawan ang mga katagang ito ay nagpatuloy na siyang pumasok sa Mental Hospital at agad na dumeretsyo sa information table.

Inasikaso kaagad kami ng mga empleyado doon matapos nilang makumpirma na may nag ngangalan ngang Cassandra Keegan sa nasabing Ospital.

"Mahigit sampung taon na nung may mag admit dito kay Cassandra Keegan. Nung dinala siya dito, sobrang tahimik niya. Lagi lang siyang tulala at kahit minsan hindi pa namin siya nakikitang nagwawala. Ibang-iba siya sa mga pasyente namin na nadito." Paliwanag ng doktor na kausap namin.

"Doc. Ang sabi nyo may nag admit dito kay Cassandra Keegan. May impormasyon po ba kayo tungkol sa taong nagdala sa kanya dito?" Tanong ni Luther na mabilis namang sinagot ng doktor. "Sa pagkakatanda ko, lalake ang nag-iwan sa kanya dito... Pero ang ipinagtataka ko, kung bakit hindi kami nakakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Kahit pangalan, hindi namin nakuha. Ang nakakakilabot pa, sa tuwing titignan namin yung CCTV, nasisira yung parte na ipinasok na siya nung lalake dito. Ewan ko ba! Pero nakakakilabot talaga ang lalakeng iyon."

"Doc! Papirma naman po nito." Pagputol ng nurse sa usapan namin. Madali akong tumingin kay Luther para kumpirmahin ang aking hinala. "Posible kaya na ang kalaban natin ang nagdala sa nanay mo dito?" Mahinang tanong ko.

"Tama ang hinala mo Vonjo, ang supremo nga ang nagdala sa kanya dito. Ang leader ng Red Blood Organization." Pabulong na tugon ni Luther.

Muling ibinalik ng doctor ang kanyang atensyon sa amin. "Ahm mabalik ako sa pinag-uusapan natin kanina. May isa pa palang bagay na nakakapag pakilabot sa amin simula nung mapunta dito si Cassandra."

"Ano po ang ibig niynyong sabihin doc? Ano ang nakakapagpakilabot sa inyo?" Interesadong tanong ko.

"Simula kasi ng ma-admit ditto si Cassandra, nagsimula na rin kaming makaramdam ng kakaibang bagay. Paggalaw ng mabibigat na bagay, yabag ng mga paa tuwing gabi, kakaibang lamig ng hangin.. At halos karamihan ng pasyente dito ay bukang bibig nila ang malaking halimaw na kulay itim...." Pabulong na sambit ng doktor. Hindi man niya aminin ay ramdam ko ang kilabot na nananalaytay sa buo niyang katawan. Pansin ko din na hindi siya napapakali sa hawak niyang ballpen. Maging kami ni Luther ay nagkatinginan. Sigurado ako na may kakaibang dalang aura si Cassandra dito sa loob ng Mental Hospital.

"Haaayyyy.... Hindi kami dapat naniniwala sa mga ganyang usapin pero iba talaga ang kilabot na nararamdaman ko! Pero ngayong may kamag-anak na siya na bibisita sa kanya, baka may magbago na sa sitwasyon dito....." Biglang ngiti at unat ng doktor. "Oo nga pala, naghihintay na sa visiting area si Cassandra Keegan. Maaari na kayong pumunta doon." Pahabol pa nito.

Pagpasok namin sa visiting area, natanaw na kaagad namin ang isang babae na naka-upo sa wheel chair. Mabilis na nabalot ng emosyon ang mga mata ni Luther hanggang sa tuluyan ng tumulo ang kanyang mga luha. Habang palapit kami sa kanya ay tuluyan ng umaalis ang nurse na nag-aalaga sa kanya.

"Nakita rin kita..... Mama....." Patuloy sa pag-iyak si Luther habang nakaluhod itong hinahaplos ang pisngi ng kanyang ina. Samantalang si Cassandra Keegan naman ay nakatulala lang na nakatingin kay Luther na tila hindi niya ito nakikilala. Maging ako ay nakakaramdam ng lungkot sa nasasaksihan kong malungkot na pagtatagpo.

Ngunit bigla akong nagulat ng makita kong napa-upo si Luther sa sahig. Ang lungkot na emosyon niya kanina ay napalitan ng takot na hindi ko maipaliwanag. Nakatulala na ngayon si Luther at nanlalaki ang kanyang mga mata. Mabilis kong tinignan ang kanyang ina. Laking gulat ko rin sa aking nakita, dahilan para mapaatras ako sa aking kinatatayuan. Isang itim na kamay na may matatalas na kuko ang unti-unting lumilitaw mula sa likuran ni Mrs. Keegan. Unti-unti itong umaangat mula sa ilalim habang nakahawak ito sa balikat niya. Hanggang sa lumantad na sa aming harapan ang kasing itim ng uling na mukha ng halimaw. Pulang-pula na nanlilisik ang mga mata nito at nakangiting nakatingin sa amin ni Luther. Sobrang negatibong aura ang mabilis na sumakop sa buong visiting area. Ramdam ko sa aking katawan ang kilabot, takot, bigat at sakit na dulot nito.

Utal na nagsalita si Luther. "I....isa kang........ Isa kang Demonyo......."


Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon