Chapter 36Vonjo
Sa kauna-unahang pagkakataon nakaharap ko ang tinatawag nilang Supremo. Kung ipinakita na niya sa akin ang itsura niya, Malaki ang posibilidad na hindi na ako makakalabas dito o kaya ay mamamatay na ako. Dahil siguradong hindi nila hahayaang masabi ko sa iba ang katauhan ng kanilang pinuno.
Nang tumayo sa pagkakaupo ang Supremo mula sa kanyang trono ay mabilis akong binitawan ng mga kumuha sa akin. Sa bawat hakbang nito papalapit ay nararamdaman ko ang bigat ng aura na nakapalibot sa kanya. Pakiramdam ko mas lalong dumidilim sa buong paligid.
"Sa wakas! Nagkita din tayo, Vonjo!" Bungad ng Supremo.
"A-ano bang kailangan mo sa akin?" Pagalit na tanong ko.
Ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay at tila may kung anong espiritu na nakapagpalutang sa akin sa ere. Napakahigpit nito. Hindi ako makagalaw.
"M-may kapangyarihan ka....."Nahihirapang bigkas ko.
Tumawa siya ng malakas bago tumugon sa aking sinabi.
"Natural lang! Dahil ako ang supremo. At marami pa akong kayang gawin! Sabihin na nating ------ mga nakakakilabot na gawain." Paglilinaw niya, tapos ay nagsimula ng maglakad paikot sa akin.
"At yung tungkol sa una mong tanong......... Maswerte ka Vonjo, dahil ikaw ang napili naming maging pangunahing parte ng aming mga plano!"
"Malakas ka Vonjo! Hindi ka basta-basta sumusuko. Magaling ka rin mag-isip. Tamang-tama ang mga katangian mong iyan upang maging bagong katawan ng aming ninuno!"
Ano? Bagong katawan? Kung ganon papasaniban nanaman ako sa kung sinong demonyo! Agad kong tinutulan ang sinabi niya.
"Hindi ako tanga para sumuno........." Hindi ko pa man nasasabi ang gusto kong iparating ng bigla akong matigilan.
Ikinumpas niya ang kanyang mga daliri at sa isang iglap ay sapilitang tumikom ang aking bibig.
"Hindi ko pa kailangan ng opinyon mo! Hanggat hindi pa ako tapos magsalita, wala kang karapatan na magsalita!" Babala nito na matalim na nakatitig sa akin.
"Ako ang magbibigay ng kondisyon dito Vonjo! Ang tanging gagawin mo lang ay mamili!"
"Dalawa lang naman ang pagpipilian mo! Una ay isusuko mo na ang laban na ito. Sumama ka sa amin at tanggapin ang plano namin para sayo. Sinisigurado ko sayo na wala ni isa sa mga kaibigan at mahal mo sa buhay ang mapapahamak." Paunang kondisyon niya.
"Ikalawa, Hindi mo tatanggapin ang pakikipagkasundo ko sayo. Tuloy ang laban ng Red Blood kontra sa grupo ng mga tangang katulad mo. Lahat kayo mamamatay, at sa bandang huli makukuha ka parin namin ng buhay. At lahat ng hinagpis sa kamatayan ng mga mahal mo sa buhay ay unti-unti mong mararamdaman." Tapos ay tumawa na muli ito.
Napalagapak ako sa sahig ng biglang mawala ang pwersang nagpapalutang sa akin.
"It's your call Vonjo! Lalaban ba kayo ng may dangal hanggang sa kamatayan nyo? O Ibibigay mo na ang sarili mo ng walang kahirap-hirap." Muli niyang ikinumpas ang kanyang kamay. Sa pagkakataong ito ay lumapit na sa akin ang kanyang mga alagad.
"Saan nyo ako dadalhin?" Pagpupumiglas ko.
"Huwag kang mag-alala Vonjo, Ibabalik ka na nila sa mga kasama mo....... Baka naman kasi sabihin mo ay napaka-unfair ko.... Kaya naman hahayaan kitang makita kung gaano kami kalupit! Para naman makapagdesisyon ka ng tama!"
Bago pa man ako piringan ng mga nakahawak sa akin ay nagpahabol ng huling salita ang Supremo.
"Ikumusta mo nalang ako sa aking anak! Sabihin mo sa kanyang gusto ko na siyang makita." Nakangiting sambit nito.
"Anong pinagsasasabi mo? Sino ang tinutukoy mo?" Tanong ko sa kanya habang pinipilit kong makawala sa mga nakahawak sa akin.
"Oh! Hindi nya sinabi sa inyo? Sumali sya sa inyo na hindi man lang sinasabi ang tungkol sa pamilya nya?" Mapang-asar na tanong niya.
Tumingin at ngumiti siya sa akin, ngiti na nakakaloko.
"Salbahe talaga ang anak kong si LUTHER."
Nanlake ang mga mata ko sa sinabi niya. Bago pa man ako makapagsalita, mabilis na nila akong piniringan at hinatak palayo sa Supremo.Max
Ito na ang simula ng aming mga plano, nagbigay na ng kondisyon ang Supremo. At kung ano ang sabihin niya ay siguradong matutuloy.
Nang mailabas na ng aming mga kasama si Vonjo, pinatawag na ni Supremo ang matandang mangkukulam.
"Supremo, tatlo sa grupo ni Vonjo ang nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan. Si Luther na kayang pagalawin ang mga bagay katulad ng sa inyo....... Si Zamuel na kayang makita ang hinaharap...... At si Abbygale na kayang makita ang nakaraan..... Sino sa kanila ang magiging parte ng sakripisyo?" Tanong ng mangkukulam.
"Sharia, huwag mong gagalawin ang anak kong si Luther. Ako ang magbibigay ng kamatayan sa sutil na iyon...." Tugon ng Supremo.
"Kung ganon, sino po sa dalawa?" Muling tanong ni Sharia.
Agad na sumagot ang Supremo. "Ikaw na ang bahala...... Kung sino ang sa tingin mong malakas, siya ang gawin mong sakripisyo."Abbygale
"Abbygale........." Mahinang bigkas ni Vonjo.
Dali-dali akong lumapit at yumakap ng mahigpit sa kanya. Labis na galak ang nararamdaman ko dahil nakita ko siyang ligtas. Nang tumingin ako sa mga mata niya, ginawa ko na ang dapat kong gawin.
Ipinaramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya......
Kaya hinalikan ko siya sa kanyang labi..........
Biglang namang tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa hindi inaasahang gagawin niya... Hindi ko inaasahang makikipaglaban siya ng halikan sa akin.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pero isa lang ang masasabi ko----- gusto ko ang nangyayari, at unti-unti ng nag-aalab ang aking nararamdaman.
Napaatras kami sa hangganan ng kwarto. Hanggang sa lumapat na ang aking likod sa pader tapos ay ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig. Habang magkadikit ang aming mga noo, ramdam ko ang init na lumalabas mula sa kanyang bibig.
Pero may kung anong bagay na nakapagpatigil sa kanya.
"Sorry......" Mahinang bulong niya. Sabay angat ng kaunti ng kanyang ulo.
Bigla nalang akong nakaramdam ng kirot sa aking puso ng makita kong may tumulong luha sa kanyang pisngi. Pabilis ng pabilis ang pagpatak nito, kasabay ng panggigigil sa kanyang mga ngipin. Hindi ko lubos maisip na makikita kong umiiyak si Vonjo. Na makikita ko ang mahinang parte ng kanyang pagkatao.
BINABASA MO ANG
Unfinished 3
Paranormal"It will come to an end!" (The last book of Unfinished)(Trilogy) Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa nakaraan ay muling babangon sa hukay, upang ang nanahimik na bayan ay dalhin sa malagim na katotohanan....... Nakaraan, kapangyarihan, espirito...