Chapter 57

1.4K 54 23
                                    

CHAPTER 57

Aurora

Malamig na simoy ng hangin ang biglang bumalot sa kabuuan ng aking sala. Pumapagaypay ang mga kurtina kahit nakasara ang mga bintana. Tinignan ko rin ang bentilador na malapit sa akin, ngunit hindi ito nakabukas. Hindi na bago sa akin ang ganitong sinaryo. Sigurado akong may kakaibang nagpaparamdam sa akin. Pero paano? Samantalang nakakulong ang mga kaluluwa sa mga bagay na naging parte nila sa nakaraan. Lahat sila'y nakatago sa kwarto na pinaglalagyan ko ng mga ito.

Mula sa kabuuan ng kinaroroonan ko, dahan-dahang lumapit sa akin ang malamig na presensya ng paligid. Gumapang ito at nagbigay ng kilabot sa buo kong katawan. Mabigat, nakakakilabot at sobrang negatibo ng presensyang nararamdaman ko.

May hindi tama!

May bagay na nadagdag sa ibabaw ng lupa na hindi naman dapat naririto.....

"Nabuksan na...." nangangatal na usal ko at tinignan ko ang nakasarang pinto ng kwartong pinaglalagakan ko ng mga possessed na kagamitan.

Hanggang sa......

Binalot ng kadiliman ang aking buong bahay. Sabay-sabay nagsimatay ang mga ilaw kasunod ng narinig kong mabigat na paghinga.

Dali-dali kong kinapa ang maliit na gasera na nakapatong sa lamesang kinaroroonan ko. At sa muling pagsilip ng liwanag, sumambulat sa akin ang pinto na kanina kong pinagmasdan.

Ang kaninang nakasarang pinto, ngayon ay nakabukas na.

Mula sa madilim na kwarto, unti-unti kong naaninagan ang kulay puting tela. Wari'y naglalakad ito mula sa kadiliman papalabas sa pinto. Hanggang sa buo ko na siyang naaninagan.
Isang babaeng nakadamit pangkasal ang tumigil sa paglalakad ng maabot niya ang pinto.

"Elizabeth" Sambit ko sa pangalan nito.

Hindi siya tumuloy sa paglabas sa halip ay nakangisi lang itong nakatitig sa akin. Halos mabali ang leeg nito habang pinagmamasdan niya ako. Nadagdagan pa ang kilabot ko dahil sa itim na dugo na biglang tumulo sa kanyang mga itim na mata.

Akala ko ay aatakihin niya ako, pero tumalikod lang siya at naglakad pabalik sa kadiliman ng kwarto.

Kakaiba ang negatibong presensya ng kaluluwang iyon. Kasing lakas at kasing sama ng kay Sierra.

Muling bumalik ang pagiging alerto ko sa paligid ng may marinig nanaman akong mabigat na paghingal na sinundan ng mabibigat na paghakbang. Palakas ito ng palakas at ramdam na ramdam ko na papalapit ito sa dereksyon ko.

"Sino ka? Anong kailangan mo?" Pasigaw na tanong ko kasabay ng biglaang pagtahimik.

Nakakabingi ang katahimikan. Sa paningin ay para bang walang masamang mangyayari pero ang presensya ay kakaibang takot ang ipinadarama.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang lumitaw ang mga hindi mabilang na pulang kamay sa paligid.

Sa kisame.....

Sa pader......

Maging sa sahig!

Lahat ng ito'y gusto akong abutin. Gusto nila akong kuhain!
Umusal ako ng dasal pero walang nangyayari, hindi sila naglalaho. Wala akong magawa kundi pagmasdan ang unti-unting pag-abot ng mga ito sa akin.

Tumakbo nalang ako palayo. Pero bigla nalang akong natumba dahil sa pagkakapatid. Itinapat ko ang hawak kong gasera sa aking paanan. Bumungad sa akin ang isang pulang kamay na nagmula sa sahig, mahigpit itong nakahawak sa aking paa.

"BITAWAN MO AKO!!!!!!" Sigaw ko habang pinagsisisipa ko ang pulang kamay.

Sobrang takot at kilabot na ang nararamdaman ko. Mabilis akong pinanghinaan.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon