Chapter 24
Abbygale
Labis ang aking saya sa naging desisyon ni Vonjo. Hindi ko na kakailanganin pang lumayo sa kanya. Ito na ang tamang pagkakataon para makabawi ako sa lahat ng mga katarayan na nagawa ko sa kanya. Tumingin ako sa kanyang mukha, at dito ko napansin na nakatitig din pala siya sa akin. Nagtapat ang aming mga mata na animoy nagkaka-intindihan ang tibok ng aming mga puso. Napakasarap sa pakiramdam na matitigan ko ang kanyang mga mata sa ganitong distansya. Hindi ko nalang namalayan na unti-unti na palang naglalapit ang aming mukha. Mata sa mata, ilong sa ilong at labi sa labi.
Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso, hindi ko maintindihan ang aking sarili na tila gustong ituloy ang paglalapit ng aming mga labi. Ano bang gagawin ko? Kaunting-kaunti nalang ay malapit ng maglapat ang aming mga labi. Bawat malakas na pagpintig ng aking puso ay kasabay naman nang unti-unting pagdidikit ng aming labi. Isa……. Dalawa…… Tatlo………. Hindi na ito mapipigilan pa. Ako na mismo ang unang dadampi sa labi niya.
*****BLAAAAAMMMM!!!!******
Isang malakas na paghampas sa pintuan ang nakapagpabalikwas sa amin ni Vonjo upang maudlot ang paglalapat ng aming mga labi. “Ano iyon?” Tanong ko sabay dampot ng cell phone ko sa lamesita.
“Mukhang galing sa labas.” Sabi ni Vonjo at pinaatras nya ako. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto, at ng mahawakan niya ang door knob nito ay mabilis niya itong binuksan. Lumantad sa amin ang isang nanghihinang lalake.
“Shit! Luther!” Banggit ni Vonjo sa pangalan nito. Mabilis niyang tinulungang itayo ang lalake hanggang sa madala niya ito sa sofa. “Anong nangyari sayo Luther?” Tanong ni Vonjo.
Kitang-kita ko sa mukha ni Luther ang panghihina, takot at lungkot. Ano kaya ang nangyari sa lalaking ito? “V…vonjo….. Ang supremo…..” Pauna niya.
“Anong meron sa supremo?” Tanong muli ni Vonjo.
“Alam na ng Supremo ang binabalak natin…. Kilala nya tayong lahat….. Bibigyan nya tayo, ng laban na gusto natin.” Paliwanag ni Luther. Biglang nagbago ang aura ni Vonjo at tila nakaramdam siya ng takot. Pero teka, ano ang dapat nilang ikatakot? Sino ba ang supremo na iyan? At ano ang binabalak nila Vonjo? “Teka nga! Ano ba ang pinagsasasabi nyo? Sino si Supremo?” Deretsyahang tanong ko sa kanila.
Napabuntong hininga si Vonjo na para bang nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya sa akin ang pinag-uusapan nila. “Abbygale, total naman at nagkaalaman na tayo ng sikreto kanina. Malamang maiintindihan mo ng sasabihin kong ito……” Sagot niya.
Ano ba iyan? Pinutol pa niya ang sasabihin niya. Pa-suspense effect pa? “Ano nga Vonjo? Maiintindihan ko! Ano ba iyan? Deretsyuhin mo na ako, ano ba ang nangyayari?” Interesado na talaga akong malaman. Umiiral nanaman ang ugaling reporter ko.
“Abbygale, ang bayan natin, ay nasa gitna ng gyera ngayon. Ang mga mamamayan natin kontra sa Red Blood Organization. Isang grupo ng mga kulto, na nagsimula matagal nang panahon ang nakakalipas….. Maraming mamamatay, kung hindi natin pipigilan ang maitim nilang balak.” Seryosong sagot ni Vonjo habang hawak nito ang magkabila kong balikat. Pilit niyang pinapaintindi sa akin ang mga bagay na ito.
“What the??? Are you nuts? Im…. It’s impossible!” But wait! Ito ba yung pinagbubulungan nila ni Officer Alejandre nung nasa ospital kami? “Classified Information….. Ito ba iyon? Yung tinutukoy ni Officer Alejandre at kuya Jack sa ospital?” Tanong ko muli sa kanya.
“Oo Abbygale…. Ang RBO ang dahilan… Kailangan namin ang tulong ng kapulisan para lutasin ang kasong ito. Kaya kina-usap namin ang pinsan mo at si Officer Alejandre…. Paki-usap ko lang sayo, huwag na huwag mong ipagsasabi ito sa iba… At huwag na huwag mo itong gagamitin bilang scoop mo sa balita. Ayaw kong masira ang plano namin, ayaw kong mapahamak ka…. Please Abbygale, may TIWALA ako sayo.” Paliwanag ni Vonjo.
Ayaw niya akong mapahamak? May tiwala siya sa akin? Kakaiba sa pakiramdam na may iba pang tao na ganitong trumato sa akin, bukod kay kuya Jack. Ano pa nga ba ang magagawa ko, hindi ko kayang tanggihan si Vonjo. Lalo na at kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala. “Oo Vonjo, makaka-asa ka sa akin….. Mapagkakatiwalaan mo ako.” Tugon ko sa kanya. Kaso nga lang hindi ko matitiis na hindi malaman ang kakahinatnan nito. Ngayon pang nalaman ko ng may ganito palang nangyayari sa bayan namin. “Pero sa isang kondisyon!” Dugtong ko.
“Anong kondisyon?” Sabay na tanong ng dalawa.
“Sasama ako sa inyo! Tutulong ako. Total naman, damay na rin ako dahil taga dito ako.” Pero mukhang hindi sang-ayon si Vonjo sa pagpri-prisinta ko. “Pero Abbygale, hindi pwede. Kas…kasi…..” Tugon niya na hindi niya maituloy-tuloy.
Mukhang ang iniisip ni Vonjo ay magpupumilit akong kumuha ng impormasyon para sa pagbabalita, oras na sumama ako sa kanila. “Okay Vonjo! Alam kong iniisip mo na baka bigla akong kumuha ng scoop…… NO CAMERA! PROMISE! Kahit na anong gamit sa pagrereport hindi ako magdadala…. Tutulong ako sa inyo hindi bilang reporter. Tutulong ako, bilang girlfriend mo.” Ooooppppsss…. Ano daw? Anong sabi ko? Bilang girlfriend ni Vonjo? What the? Ano ba itong pinagsasasabi ko? Tapos na nga pala ang pagpapanggap namin. Masyado yata akong nagapadala sa nararamdaman ko para sa kanya.
“Okay fine! Pumapayag na akong tumulong ka sa amin. Bilang GIRLFRIEND ko! Huwag na huwag kang lalayo sa akin. Dahil oras na pumasok ka sa gulo na pinasok namin, parte ka na nito hanggang katapusan.” Walang pagdadalawang isip na pagpayag ni Vonjo.
“Oo… Promise! Hinding-hindi ako lalayo sayo…… Vonjo.”
“May isa pa palang bagay Vonjo.” Pagputol ni Luther sa pag-uusap namin ni Vonjo.
“Ano iyon Luther?” Tanong niya.
“Paki-usap, tulungan mo akong hanapin ang aking ina…. Sigurado akong, malaki ang maitutulong niya sa atin! Siya nalang ang huling pag-asa para malaman kaagad natin ang plano ng Supremo. Ang plano ng Red Blood Organization…. Tulungan mo akong hanapin, si Cassandra Keegan!” Paki-usap ni Luther.
BINABASA MO ANG
Unfinished 3
Paranormalne"It will come to an end!" (The last book of Unfinished)(Trilogy) Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa nakaraan ay muling babangon sa hukay, upang ang nanahimik na bayan ay dalhin sa malagim na katotohanan....... Nakaraan, kapangyarihan, espirito...