Chapter 47Arvine
Ilang araw nalang at malapit na ang kabuwanan ni Romylyn. Ang araw na pinakahihintay namin. Ang pagsilang ng anghel na matagal na naming pinapangarap.
"Malapit ka na naming makita." Buong galak na ani ko habang nakadikit ang tenga ko sa tiyan ni Romylyn.
Hinaplos naman ni Romylyn ang aking ulo. "Malapit na niya tayong pasayahin." Nakangiting tugon niya sa akin.
"Ahm, babe. Puntahan mo naman si Anjie sa kwarto niya. Sabihin mo maghahapunan na tayo." Paki-usap niya sa akin.
Pamangkin niya si Anjie, pitong taong gulang. Pansamantala itong tumutuloy sa amin habang hindi pa nanganganak si Romylyn. Malaking tulong din na tumuloy siya sa amin, kahit papaano naaalalayan niya si Romylyn kapag wala ako.
Tumayo ako mula sa pagkakaluhod.
Humalik muna ako sa kanyang noo. "Okay babe. Tatawagin ko na siya." Pagakasabi ay umakyat na ako sa kwarto.
Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto ng kwarto niya. Pero habang dahan-dahang bumubukas ang pinto, kakaibang presensya sa paligid ang unti-unti kong nararamdaman. Pakiramdam ko ay bigla nalang bumigat ang katawan ko. Para bang may mali sa paligid.
Nadatnan kong nakahiga sa kama si Anjie. Nakatingin lang ito sa kisame habang tuwid na tuwid ang pagkakahiga. Nang lumalapit ako sa kanya, napansin ko ang pangangatog ng kanyang katawan. Nakaramdam na ako ng kaba ng makita ko ang reaksyon ng kanyang mukha. Naiiyak at takot na takot ito.
Dali-dali kong hinawakan ang kamay niya. "Anjie, anong problema? Bakit takot na takot ka?" Tarantang tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin. "M-may h-halimaw... s-sa ilalim ng k-kama." Utal at garalgal na usal niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko biglang may bumalot na kilabot sa paanan ko na kasalukuyang nakatapat sa ilalim ng kama. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako pwedeng magpakita ng takot sa harap ng pamangkin ni Romylyn. Kailangan kong malaman kung ano ang nakita ni Anjie. Kung ano ang nasa ilalim ng kama.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa kanya. Lumuhod ako at dahan-dahang sumisilip sa ilalim ng kama.
Naghalo-halong kaba na ang nararamdaman ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Paano kung kagaya pala ito ng mga napapanood kong horror movies? Na kung saan bigla ka nalang gugulatin ng kaluluwang tinangka mong makita. Pero hindi ako dapat tablan ng takot ngayon, lalo na at naranasan ko na ang mga ganitong katatakutan sa kamay ni Sierra.
Buo na ang loob ko. Sisilipin ko na ito!
Para bang tumigil ang pagtibok ng puso ko kasabay ng paglaki ng mata ko nang makita ko kung sino ang nasa ilalim.
"A-anjie?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
Paanong? Panong napunta si Anjie sa ilalim? Kagaya kanina, takot na takot din siya.
"T-tito, m-may halimaw sa taas ng kama." Takot na tugon niya.
Kung ganon, sino yung nasa taas ng kama? Mabilis akong umahon sa pagkakayuko. Isang nakakakilabot na nilalang ang naka-upo ngayon sa kama. Nababalot ang kanyang katawan ng kulay itim na likidong unti-unting kumakalat sa puting sapin ng kama. At ang kanyang matalim na mga matang nakatitig sa akin.
Napaatras at napa-upo ako sa sahig sa labis na gulat. Naka-upong umatras ako ng magsimula na siyang bumaba sa kama.
Shit! Anong gagawin ko? Paano yung pamangkin ni Romylyn na nasa ilalim pa ng kama hanggang ngayon? Hindi ko siya pwedeng iwan.
BINABASA MO ANG
Unfinished 3
Paranormale"It will come to an end!" (The last book of Unfinished)(Trilogy) Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa nakaraan ay muling babangon sa hukay, upang ang nanahimik na bayan ay dalhin sa malagim na katotohanan....... Nakaraan, kapangyarihan, espirito...