Chapter 23

1.7K 64 11
                                    

                                                 Chapter 23

                                                      Vonjo

            Nagmamadaling inasikaso ni Shana si Abbygale para makapagpagpalit kaagad ito ng damit. Nang matapos siya ay inabutan naman siya ni Manong Elmo ng mainit na gatas. “Ma’am Abbygale, makakatulong po  ito para mainitan ka.”

            “Maraming salamat po Manong Elmo.” Sabay abot nito ng baso. “Ito naman po ang sa iyo Sir Vonjo.” Inabot na din nya sa akin ang hawak niya. “Salamat po. Pwede na po kayong magpahinga, ako na ang bahala sa lahat.” Sabi ko sa kanya.

            “Kuya, papasok na din ako sa kwarto ko. Basta pag may kailangan kayo gisingin nyo lang ako.” Paalam ni Shana, pagkatapos ay yumakap sa amin ni Abbygale at tuluyan ng umakyat sa second floor.

            Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ni Abbygale. Marahil dulot ito ng mga nangyari ngayong gabi, kaya hanggang ngayon ay nagpapakiramdaman parin kaming dalawa. Pero hindi pwedeng ganito, may kailangan akong malaman tungkol sa kanya. Ako na ang unang bumasag sa katahimikan. “May third eye ka pala…”  Bungad ko sa kanya. Ibinaba niya sa lamesa ang hawak niyang baso. “Oo, may third eye ako. Bata palang ako taglay ko na ang ability na ito…… Sa tingin ko, namana ko ito kay papa.” Sagot niya. Tumingin siya sa akin at siya naman ang nagtanong. “Ikaw? Kailan ka pa may third eye?”

            “Nung magising ako sa pagkaka-comatose, doon ko lang na-discover na may third eye ako.” Sagot ko. “Sabi sa akin ng isang Paranormal expert, nakuha ko daw ito dahil sa nasaniban ako ni Sierra.” Dagdag ko pa.

            “Sierra? Siya yung kaluluwa na ikinulong nyo sa Ouija board 1 year ago, tama ba ako?” Tugon ni Abbygale.

            “Oo siya nga, hindi ba gusto mong malaman ang tungkol sa nangyari sa amin? Ngayon na ang tamang pagkakataon para sabihin ko sayo ang nangyari.”

                                                    Abbygale

            Sasabihin na ni Vonjo sa akin ang nangyari sa grupo nila. Pero alam ko na ang nangyari dahil sa ability ko na Psychometry. Aaminin ko ba sa kanya na may extra ability ako bukod sa third eye? Kung sabagay, nasa point na nagkakaaminan na kami kaya isasabay ko na ito. “No need na para i-kwento mo pa sa akin Vonjo. Dahil alam ko na ang lahat tungkol sayo. Nasiguro ko ito matapos kong maka-usap si Zamuel.”

            Kitang-kita sa mukha niya na nagtataka siya sa sinabi ko. “Ano ang nasiguro mo?” Tanong niya.

            “Bukod sa third eye, may isa pa akong ability na kung tawagin ay Psychometry. Abilidad na makita ang nakaraan sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay na may kaugnayan sa nakaraan.” Paliwanag ko sa kanya. Pero mukhang hindi na bago sa kanya ang tungkol sa ability ko. “Kung ganon, iyon pala ang dahilan kung bakit mo nalaman ang nakaraan ko, nung sinabi mong hinawakan mo ang kamay ko sa ospital…. Napag-aralan na din namin yan sa Ghost Club nung college ako. Kabaliktaran iyan ng kayang gawin ng premonition ability.”

            Buti naman at naintindihan kaagad ni Vonjo ang pag-amin ko, hindi ko na kailangang itago pa ang ability ko ngayong parehas kaming nagtataglay nito. Pero teka! Kung inamin ko na din sa kanya na alam ko na ang tungkol sa nakaraan niya, ibig sabihin ay dito na nagtatapos ang pagpapanggap namin na magkasintahan kami. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ayokong lumayo sa kanya, ayokong matapos ang connection ko kay Vonjo at kay Shana. Kaso nga lang hindi ako pwedeng sumira sa usapan namin. Ibinaba ko ang aking tingin.  “Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, ibig bang sabihin nito ay tinatapos mo na ang connection nating dalawa?” Pilit na tanong ko sa kanya kahit mabigat sa damdamin.

            “Bakit ka pumunta dito?” Biglaang tanong ni Vonjo. Napatingin muli ako sa kanyang mga mata dahil sa pagbabago niya ng topic. “Bakit umiiyak kang yumakap sa akin kanina? Anong dahilan?” Dagdag ni Vonjo na nakapagpakaba sa akin.

            Malinaw na sa akin ngayon na nahuhulog na ako sayo Vonjo, simula pa nung hinalikan kita sa ospital ng hindi mo alam. Iyon ang dahilan kung bakit nag-aalala akong sumugod dito. Pero hindi ko kayang sabihin sayo ito. “Ah…eh…da-dahil…… Kasi nakita kitang nakahandusay at duguan sa parking lot ng office namin…Hindi ko alam kung bakit ko nakita ang pangitain na iyon! Kinabahan ako na baka napahamak ka kaya nagmadali akong pumunta dito. Nag-alala lang ako sayo.”

            Sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko, pakiramdam ko hihimatayin na ako sa kaba. Hindi ko kayang aminin sa kanya ang nararamdaman ko, dahil hindi ko kayang ipaliwanag na hinalikan ko siya dati noong comatose siya. Mukhang tatanggapin ko nalang na dito na natatapos ang fake relationship namin ni Vonjo. Sa kalagitnaan ng nararamdaman ko, hindi ko namalayan na mas lumapit pala siya sa akin. Nagulat nalang ako ng bigla siyang yumakap. Tapos ay may sinabi siya. “Maraming salamat sa pag-aalala mo. Isinantabi mo ang pagbabalita at nag madali kang pumunta dito para siguraduhin na ligtas ako. Hindi tayo magkaano-ano pero ginawa mo iyon. Salamat Abbygale.”

            Totoo ba ito? Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpasalamat at yumakap siya sa akin. Yung kaba na nararamdaman ko ay unti-unting nawawala. Muli siyang nagsalita. “Kalimutan mo na yung kasunduan natin…. Pwede kang manatili sa amin hangga’t gusto mo. Kailangan nating tulungan ang isa’t-isa.” Labis akong nakaramdam ng saya sa sinabing ito ni Vonjo, at tuluyan ng gumaan ang  aking pakiramdam. “Salamat, Vonjo.” Muli akong yumakap sa kanya ng mahigpit.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon