Chapter 62

1.1K 41 12
                                    

                         Chapter 62
                               Shen

Nagmamasid sa paligid si Rhod, habang si Alex ay pinagmamasdan si Aurora na hanggang ngayon ay nakau-upo at nakapikit parin sa loob ng ginawa niyang ritwal.

Mag ta-tatlumpung minuto na siyang nakaganon. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila ni Vonjo? Nailigtas na kaya niya ito?

Hindi na ako mapakali dahil kakaibang ingay na ang naririnig namin mula sa loob ng school.

“Vonjo…… Paki-usap magtagumpay ka.” Mahinang sambit ko habang naka-upo ako sa malaking bato malapit sa aking mga kasama.

“Aurora!” Gulat na sigaw ni Alex ng masaksihan niya ang biglang pagdilat nito.

Nagkukumahog kaming lumapit sa kanya.

“Aurora, ano ng nangyari? Nagtagumpay ka ba? Buti naman at nakabalik ka ng maayos.” Tanong ni Rhod habang tinutulungan nya si Alex sap ag-alalay dito.

“Muntik na akong hindi makabalik, Mabuti nalang at nagawa ko agad na putulin ang aking ritwal bago ako masakmal ng demonyong humahabol sa kaibigan ninyo.” Humihingal na tugon nito.

“Nakita mo ba si Vonjo sa mundo ng mga kaluluwa? Nailabas mo ba siya doon?” Kinakabahang tanong ko naman.

“Oo Nakita ko siya…. Natulungan ko siya kung ano ang gagawin niya.” Ani ni Aurora.

“At nasa mga kamay na niya kung mauuna siyang makabalik sa katawan niya.” Dagdag nito.

                             Luther

Ako naman!

Ako naman ngayon ang magbibigay ng buong lakas para kalabanin ang Supremo.

Pipilitin kong lagpasan ang limitasyon ng aking kapangyarihan para pabagsakin ka. Hindi ko hahayaang sikatan ka pa ng araw.

“Pagsisisihan mo Luther ang pag tanggi mo sa pangarap ko para sayo!” Ani ng Supremo habang naglalakad ito papunta sa aking direksyon.

“Nagkakamali ka! Dahil ikaw ang magsisisi sa pagmumulat mo sa akin sa gawaing ito! Dahil ako mismo ang papatay sayo!” Balik ko sa kanyang mga sinabi habang patuloy din akong lumalakad papunta sa kanyang direksyon.

Pabilis ng pabilis ang aming paglakad hanggang sa parehas kaming nanggigigil na tumakbo pasugod sa isa’t-isa.

Para kaming mga gutom na tigre ng magsalpukan. Magkasabay na pinukol ng aming mga kamao ang mukha ng bawat isa. Sa sobrang lakas ng pwersa’y kapwa din kaming napa-atras. Ngumiti sa akin ang Supremo sabay sugod muli sa akin. Muli niya akong tinangkang pukulin sa mukha ng kanyang kamao pero nagawa ko itong salagin ng aking kamay.

Sinubukan ko siyang sipain sa kaliwang tagiliran pero nahawakan din niya ang aking binti. Pagkatapos ay buong pwersa niya itong hinila dahilan para masama ang buong katawan ko at ibinalibag ako papalayo sa kanya.

“Napakabagal mo!” Pang-aasar niya sa akin.

Mabilis akong tumayo at muling sumugod sa kanya. PInalutang ko ang mga tipak ng bato at bakal na nakakalat sa paligid kasabay ng aking pag atake. Lahat ito’y buong pwersa kong pinalipad papunta sa kanya. Kagaya ng inaasahan ay sabay-sabay lang niya itong pinahinto at mabilis na ibinalibag sa lupa.

Dahil sa distraction na ibinigay ko, nagawa ko ulit makadikit sa kanya.

“Wrrrrrrraaaaaaahhhhhhhh!!!” Buong pwersa kong pinukol ng aking kamao ang kanyang mukha.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon