Chapter 60
TristanNagawa kong makaalis ng buhay ngunit ang nakakainis ay ang katotohanan na wala akong nagawa laban kay Vonjo. Tinangka ko siyang patayin para mapigilan ang RBO pero ni hindi ko man lang siya nagawang sugatan. Kakaibang kapangyarihan ang ipinaramdam niya sa akin na nagawang higitan ang ilang taong pag eensayo ko sa pakikipaglaban. Akala ko iyon na ang katapusan ko sa mga kamay niya, pero binigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon para ipamukha sa akin na mali ang layunin ko.
"Pinatay mo ang girlfriend ni Vonjo? Mas lalo mo lang siyang ginalit! Muntik ka pang mamatay!" Pangaral sa akin ni Alexis ng makabalik siya. Pero wala akong maisagot sa kanya, medyo tulala parin kasi ako sa kinauupuan ko hindi kalayuan sa Fildenthon University.
"Kung namatay ka kanina, mababaliwala ang pinaglalaban ng lahi mo! Hindi mo na sana mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng lolo mo!" Pagpapatuloy niya.
"Hindi mo ba nakikita kung gaano nagtitiwala ang mga taong iyon kay Vonjo? Napakalaki ng tiwala nila sa kanya na magagawa niyang tuldukan ang plano ng Red Blood Org!"
"Hindi mo pa rin ba nakikita na hindi si Vonjo ang kalaban mo dito! At kailan man hindi siya ang magiging kalaban mo!" Mas tumaas ang tono ni Alexis kaya nakuha na niya ang atensyon ko.
"Malaki ang posibilidad na hindi ang pagpatay sa itinakdang katawan ang nakalaan para sayo Trsitan........" Muling sambit niya.
"Kung ganon....... Ano pala ang nakalaan sa akin Alexis? ANO????" Iritableng tugon ko.
"Marahil ang tulungan si Vonjo ang nakatakdang gawin mo para matalo ang Red Blood Organization." Mabilis na tugon niya na nakapag pa-isip sa akin.
May punto siya! Marahil iyon nga ang nakatakda para sa akin! At marahil, ito lang din ang paraan para makabawi ako sa kanya. Makabawi sa pagpatay ko sa babaeng minamahal niya.
Tumingin ako kay Alexis. "Siguro tama ka nga! Baka mali lang ang ipinaglalaban ko. Hindi ko napansin na iisa lang ang adhikain namin ni Vonjo dahil masyado na akong nabubulag na matapos ko ito ng mabilis." Sambit ko.
"Oras na siguro, para tulungan natin siya------nang maitama ko ang pagkakamaling nagawa ko sa kanya!" Sa sinabi kong ito'y muling nabuhay ang ngiti at gana sa mukha ni Alexis.
Aurora
"Aurora? Aurora?" Pagtawag ni Rodylien sa aking pangalan.
"Anong nangyari? Bakit hindi na siya sumasagot?" Tanong naman ni Alexandria.
"B-baka nakapasok na siya sa spirit world?" Tugon ni Shen.
Tama! Tama ang sinasabi nila, nakapasok na nga ako sa mundo ng mga kaluluwa. Ang makulay na mundo ay biglang binalot ng dilim. Maging ang mga kasama ko'y hindi ko na nakikita pero pansamantala kong narinig ang kanilang mga tinig. Ngayon ay nakatayo ako sa harap ng sarili kong katawan kung saan ko isinagawa ang aking abilidad.
"Kailangan ko ng hanapin si Vonjo." Ani ko sabay dampot ng ilawang gasera na malapit sa pisikal na katawan ko.
Mula sa pwesto ay binagtas ko ang daan papasok sa loob ng campus. Iba't-ibang uri ng mga kaluluwa ang sumasalubong sa aking dinadaanan. Natitiyak kong maraming masasamang kaluluwa akong makakasalamuha oras na pumasok ako sa loob.
Matandang babae ang una kong natanaw na nakatayo sa gate ng paaralan. Kulay itim ang kanyang suot at may hawak siyang pulang kandila. Mabilis akong naglakad palagpas sa kanya habang nakamasid ako sa kanya. Liningon ko sandali ang aking dinadaanan at ng muli ko siyang balikan ng tingin-----wala na siya.
BINABASA MO ANG
Unfinished 3
Paranormal"It will come to an end!" (The last book of Unfinished)(Trilogy) Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa nakaraan ay muling babangon sa hukay, upang ang nanahimik na bayan ay dalhin sa malagim na katotohanan....... Nakaraan, kapangyarihan, espirito...