Chapter 34
Vonjo
Myembro nang RBO si Max! Nakaka-asar! Linoko niya si Ada at dinamay pa niya ito. Teka, hinde! Ako ang nandamay kay Ada. Ako ang dahilan kung bakit sila nandito! Ako ang may kasalanan nito! Lagi ko nalang ipinapahamak ang mga taong mahalaga sa akin!
"Ano bang gusto ninyo? Tapusin na natin ito!" Nanggigigil na tanong ko.
"Sorry, pero hindi pa ito matatapos ngayon! Nagsisimula palang kami.... Kaso nga lang nasa kamay mo ang buhay nilang tatlo....." Pahiwatig ng anghel ng kamatayan.
"Ikaw ang mamimili kung sino ang mabubuhay sa kanilang tatlo."
"Si Billy ba? Camera man ni Abbygale, may asawang napakasipag, dalawang anak na babae... Mapagmahal sa pamilya. Ano kaya ang mararamdaman ng pamilya niya pag namatay ang kaawang lalake na ito? Pero huwag kang mag-alala panabla lang naman siya pero depende parin sayo kung mamamatay siya." Panimula ng pagpapaliwanag niya.
"O si Ada, na matagal mo ng kilala. Lagi mong inililigtas sa tuwing malalagay sa kapahamakan. Naalala ko, na comatose ka nga pala dahil sa pagliligtas sa kanya.... At sa pagkakaalam ko may nararamdaman ka sa kanya dati, hindi ko lang alam ngayon."
"O baka naman si Abbygale... Ang bagong na li-link sayo. Linigtas mo nga rin pala ang babaeng ito doon sa matinding sunog. Heroic ka talaga Vonjo. Hahahahaha.... Ililigtas mo ba ang babaeng ito kahit na napakasama ng ugali niya? Pero mukhang nagkakagusto ka na rin sa kanya. Kaya baka mahirapan ka sa pagpili." Dagdag pa niya.
Ginugulo niya ang isip ko. Binibigyan niya ako ng mga impormasyon na makaka-apekto sa desisyon ko.
"Ganito lang ang gagawin mo Vonjo....." Usal muli niya.
"Mamimili ka sa kanilang dalawa kung sino ang ililigtas mo, yung pupuntahan mo ang siguradong maliligtas, syempre kasama na rin si Billy. Samantalang yung hindi mo pupuntahan ang mamamatay."
"Puputulin ng kasama ko ang tali na nagdudugtong sa buhay at kamatayan ng babaeng hindi mo pipiliin." At inilabas na nga ng mga umaalalay kay Ada at Abby ang kanilang mga pamutol sa lubid.
"Pero kapag kay Billy ka pumunta para tulungan siya sa paghatak sa lubid. Automatic na pasasabugin ng isa kong kasama ang ulo ni Billy. At lahat sila.......Mamamatay." Tinutukan na din ng baril si Billy.
Tumingin ang anghel ng kamatayan kay Luther. "Alam ko ang tungkol sa kapangyarihan mo Luther, at oras na tumulong ka.... Yung kaawa mo namang nanay ang mamamatay." Sabay tawa nito.
"Huwag ninyong gagalawin ang nanay ko!" Nanggigigil na babala ni Luther.
"Puwes huwag kang mangi-alam Luther......... At ngayon Vonjo, nasayo ang desisyon." Matapos niyang banggitin ito ay ibinigay na niya ang hudyat.
"Simulan na!"
Sa kanyang pag-hudyat ay binitawan na ng dalawang kulto sila Abby at Ada. Nalaglag na ang mga ito sa gusali. Pasigaw naman na ininda ni Billy ang sakit sa kanyang magkabilang kamay dahil sa biglang pwersa mula sa hawak niyang lubid.
Nabigla ako sa ginawa nila, seryoso sila sa plano nila. Talagang papatayin nila ang isa kina Ada at Abbygale. Anong gagawin ko? Sino ang ililigtas ko?
"Vonjo!" Sigaw ni Shen.
"Pumili kana Vonjo!" Utos ni Max.
Sino ang pipiliin ko? Sabay na pumapasok sa tenga ko ang sigaw nila Ada at Abbygale. Samantalang si Billy naman ay pinipilit na hindi bumitaw sa kahit na isang lubid. Pinapanatili niyang buhay ang dalawa.
"Bilisan mo ang desisyon mo Vonjo! Tandaan mong normal na tao lang si Billy! Hindi magtatagal at mapapagod at masasaktan na siya dahil sa bigat." Paalala ng anghel ng kamatayan.
"Baka dahil sa tagal mong magdesisyon, parehas pang mamatay ang dalawang magandang babae sa buhay mo." Dagdag pa niya.
Ano ba? Ano bang gagawin ko? Sino sa kanilang dalawa? Nauubusan na ako ng oras, mukhang hindi na magtatagal ang pagkakakapit ni Billy sa dalawa. Si Abbygale? Si Ada? Hindi ko na alam!
"Sagarin na natin ang pagiging bayani mo Vonjo!" Pag-agaw ng kalaban sa aking atensyon.
"Maliligtas silang lahat........... Kung sasama ka sa amin! Walang mamamatay kung sasama ka!" Suhesyon ng kalaban.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sa pagkakataon na ito wala akong kayang gawin para iligtas sila. Mas mabuti na siguro ito, kesa may iba pang mapahamak. Wala nang pagdadalawang isip at agad ko siyang tinugon.
"Sasama na ako sa inyo! Maligtas lang sila!" Tarantang sagot ko.
"Paano naman namin masisiguro na totoo ang sinasabi mo?" Tanong ng anghel ng kamatayan.
"Kusa akong sasama sa inyo ngayon mismo! Kaya bilisan nyo na! Iligtas nyo na sila!" Pa sigaw na utos ko.
"Magaling! Tama ang desisyon mo! Iangat nyo na ang dalawang babae!" Utos niya sa kanyang mga kasama.
Agad na ini-angat ng mga kulto sina Ada at Abbygale. Bakas sa kanilang mga mukha ang matinding kaba. Matinding lungkot din ang nababasa ko sa kanilang dalawa dahil sa naging desisyon ko.
"Umalis na tayo, Vonjo!" Pag aya sa akin ng aming kalaban.
Pinigilan ako ni Luther. "Nasisiraan ka na ba? Alam mo naman na ikaw ang gagamitin nila sa Red Blood diba? Hahayaan mo lang ba sila sa gusto nila?" Mahinang tinig na tanong niya sa akin.
"Wala na akong ibang naiisip na paraan para maligtas sila. Ito ang tamang desisyon sa ngayon Luther....." Tugon ko.
Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Sabihan mo ang buong grupo na simulan na ang ating plano. Ikaw na ang bahala sa kanila."
Tinignan ko isa-isa ang aking mga kasama, tapos ay sumama na ako sa grupo ng Red Blood Organization.
Zamuel
Isang masamang bangungot ang aking nakita. Panibagong pangitain nanaman ang lumantad sa aking panaginip. Butil-butil na pawis ang tumatagaktak sa aking katawan. Labis ang kaba na aking nararamdaman. Hindi ko pwedeng baliwalain ang premonition ko. Kailangan ko itong maidetalye.
Nangangatog na bumangon ako sa aking pagkakahiga, binuksan ko ang ilaw at agad kong dinampot ang mga gamit ko sa pagguhit.
Isang kamay ng matandang babae ang nakatusok sa dibdib ng lalake. Nababalot ng apoy ang buong paligid. At isang tila demonyo ang nakatayo sa likuran ng lalake.
Hindi ko inaasahang mangyayari na kaagad ito. Paano ko ito mapipigilan? Paano ko ililigtas sa kamatayan ang sarili ko?
"Shit! Malapit na akong mamatay........."
BINABASA MO ANG
Unfinished 3
Paranormalne"It will come to an end!" (The last book of Unfinished)(Trilogy) Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa nakaraan ay muling babangon sa hukay, upang ang nanahimik na bayan ay dalhin sa malagim na katotohanan....... Nakaraan, kapangyarihan, espirito...