Chapter 35

1.3K 53 2
                                    


                   Chapter 35

                        Shen

Hindi ko akalain na hahantong sa ganong desisyon si Vonjo. Pero naiintindihan ko siya, ako man ang malagay sa sitwasyong iyon ay siguradong mahihirapan ako. Alam kong mas pinili ni Vonjo ang tama at ikakabuti ng lahat, maging ang kapalit nanaman ay ang kanyang sariling kaligtasan.
Kung may isa pang tao na labis nahihirapan sa nangyari kanina, iyon ay si Ada. Dalawa sa importanteng tao sa buhay niya ang nawala sa isang iglap. Una ay si Vonjo na kusang loob sumama sa Red Blood Organization upang mailigtas sila ni Abbygale. At ang ikalawa ay ang kanyang boyfriend na si Max. Hindi namin akalain na myembro pala siya ng aming kalaban. Na isa pala siya sa naglagay sa amin sa sitwasyong iyon.
"I hate him so much! Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko!" Bulalas ni Ada ng makarating kami sa bahay ko.
"Ginamit niya lang ako! Pinaglaruan at linoko! Yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko...Napalitan iyon ng galit, dahil sa pag-amin ni Max na myembro siya ng RBO." Tumiklop na sa galit ang kanyang mga kamao.
"Bumalik lang naman ako dito para makatulong kay Vonjo. Pero ngayon naging pabigat pa ako sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya." Hindi na napigilan ni Ada ang pagbuhos ng kanyang emosyon.
Para bang may kung sinong kumirot ng puso ko. Hindi ako sanay na nakikitang umiiyak si Ada. Nasanay ako na lagi siyang malakas, matapang at palaban. Pero ngayon ay tila isa siyang mahinang babae, na sinisisi ang kanyang sarili. Lumapit ako sa kanya.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Ada..." Sabay haplos ko sa kanyang likod.
"Walang mangyayaring masama kay Vonjo. Isipin mo nalang na kagaya ito ng dati.... Na tama ang mga desisyon ni Vonjo.... Magtiwala lang tayo sa kanya." Pagpapagaan ko sa nararamdaman niya.
Tumingin lang sa akin si Ada, tapos ay yumakap ito ng mahigpit sa akin at nagpatuloy sa pag-iyak.

                       Luther

Checkmate!
Ito ang masasabi ko sa kinalabasan ng paghaharap namin ng mga myembro ng Red Blood Organization. Alam namin na gagamitin ang bawat isa sa amin para sa nakakakilabot na plano ng RBO. Pero bakit hindi namin ito nagawang paghandaan? Hindi namin naisip na gagamitin kami ng kalaban laban sa isa't-isa. Nagmistulang naglalaro si Vonjo ng chess. Sa sobrang pagpapahalaga niya sa kanyang ibang mahahalagang piyesa, hindi niya namalayang unti-unti na palang lumiliit ang gagalawan ng kanyang King. At ng oras na ma-check na siya ay wala na itong malulusutan para tumakas. Wala na siyang ibang magagawa kundi isuko ang kanyang sarili.
Napakagaling mag-isip ng aming mga kalaban, kontrolado nila ang bawat sitwasyon. Sila ang nagdidikta ng dapat na mangyari. Ginagamit nila ang aming mga nararamdaman, ang aming emosyon, upang madali nila kaming matalo at mapasunod.
Nakuha na nila si Vonjo. Ang panibagong magiging sentro ng kanilang mga plano.
Pero paano kung hindi ko tinanggihan ang plano ng aking ama para sa akin? Hindi sana kinailangang mamili ni Vonjo. Ako sana ang nasa kalagayan niya ngayon.
Ngunit huli na ang pagsisi! Alam ko sa sarili ko na tama ang desisyon ko na tanggihan sila. Ngayon kailangan kong panindigan ang naging desisyon ko. Kailangan kong tuparin ang ibinilin sa akin ni Vonjo. Kailangan naming isakatuparan ang aming misyon.
Tinawagan ko ang mga ka-grupo ko sa Mystery Club at ang mga ka-grupo ni Vonjo. Ibinalita ko sa kanila ang nangyari at ang ibinilin sa akin ni Vonjo. Walang alinlangan na pumunta agad ang bawat isa sa sinabi kong lugar ng aming tagpuan.

"Shocks! Talagang sinugod sila ng RBO..." Bungad ni Chryztyn ng makapasok ito sa loob ng bahay nila Vonjo.
"Eh, si Shana at Manong Elmo? Nasaan sila?" Tanong naman ni Kimberly.
"Nasa ospital sila, isinama sila nila Officer Alejandre at Perez. Iyon yung sabi sa akin ni Officer Perez nung tinawagan ko siya kanina." Tugon naman ni Alexandria.
"Luther!" Pagtawag sa akin ni Zamuel.
Tumingin ako sa kanya.
"Tutal naman hindi na makakrating sina Shen pati narin si Arvine at Romylyn.... Pwede mo na bang sabihin sa amin kung paano at saan natin sisimulan ang mga plano natin?" Tanong niya.
Mabilis kong tinugunan ang kanyang tanong. "Sisimulan natin....... Sa susunod na paggaganapan ng sakripisyo."

                    Abbygale

Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Sobrang sakit, sobrang lungkot. Wala na si Vonjo. Kinuha na siya ng Red Blood Organization. Anong gagawin nila sa kanya? Paano kung pahirapan siya? O di kaya ay patayin at gamitin sa sakripisyo? Ang tanga ko! Bakit ba kasi naging pabigat ako sa kanya! Nang dahil sa akin madali siyang nakuha ng kalaban!
"Im so sorry Vonjo....."
Halos maglupasay na ako sa sala ng bahay ko. Hindi ko na kasi magawang tumayo dahil sa sobrang panghihina na nadudulot sa akin ng lungkot. Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala si Vonjo sa akin! Ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na mahal ko siya!
Sa ilang sandali pa ay narinig kong dahan-dahang bumukas ang pintuan. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, may nakatayong lalake mula sa pinto.
"Vonjo......" Mahinang bigkas ko.
Pero imposible, kinuha na siya ng RBO. Baka isa nanaman ito sa mga ilusyon na ginawa ni Max. Baka lilinlangin nanaman ako nito. Pinagmasdan kong maigi ang imahe ni Vonjo. Mukha naman siyang buhay dahil walang galos sa kanyang katawan. At yung kasuotan niya ay kaparehas nung kanina.
Isang tinig ang nakapagpawi ng lungkot na nararamdaman ko.
Tumugon sa akin ang imahe ni Vonjo...
"Abbygale....." Mahinang bigkas niya.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon