Chapter 55

1.5K 58 42
                                    


Chapter 55

Angelito

"Kasama ang ibang hanay ng kapulisan, pamumunuan kayo ni Officer San Diego para sa isang ambush. Base sa blueprint ng underground basement na natagpuan sa City Tower. Babaybayin nito mula sa sinabing pinto hanggang sa sewer na nasa dulo ng City Tower."

"Posibleng ang sewer ang maging escape route ng RBO kung sakaling masukol sila ng grupo namin. Kayo ang mag-aabang at huhuli sa kanila." Paliwanag sa amin ni Officer Alejandre.

"Kung ganon itra-trap natin ang grupo nila." Ani ko.

"Oo Angelito, ganon na nga ang mangyayari. Kaya naman dapat maging handa tayo sa lahat ng negatibong mangyayari." Tugon sa akin ni Officer San Diego.

"Teka Kimberly, sigurado ka bang sasama ka sa kanila?" Tanong ni Vonjo na kanina pang pinagmamasdan si Kimberly.

"Oo. Sigurado ako Vonjo, gusto kong masiguro, ang pagkahuli sa Supremo." Sagot nito.



November 27......... 11:43 pm

"Mukhang tama nga ang mga sinasabi nyo Sir. Masyadong ilang ang lugar na ito kayat bihirang mapuntahan." Ani ni PO1 Aquino kay PO3 San Diego.

"Move!" Sambit ni Officer San Diego at agad na pumasok sa sewer ang lahat ng kapulisan kasama na si Kimberly.

Pagkatapos ay ibinaling na nito ang tingin kay PO1 Aquino.

"Oo, Dudz. Kaya naman walang mag-aakala, na dito ang escape route ng RBO." Sambit nito.

"Aquino, kayo ni Torres ang mag bantay dito sa labas para maging look out kung sakaling may hindi inaasahang pangyayari na magmumula sa labas." Dagdag pa ni Officer San Diego.

"Okay Sir!" Pumuwesto na nga si Aquino at Torres sa designated area nila.

"Tara na Angelito sa loob." Pag-aya niya.

Ngunit bago pa man kami tuluyang pumasok ay isang malakas na pagsabog ang yumanig sa amin.

"May sumabog sa harap ng City Tower!" Sambit ni Officer Aquino.

Ilang saglit lang ay sinundan din ito ng ikalawang pagsabog. Ngunit sa pagkakataon na ito ay malapit na sa kinaroroonan namin ang sumabog.

BOOOOOOOOMMMMM!!!!!

Sa lakas ng pwersa nito ay napatumba kaming lahat. Mapalad nalang at may kalayuan ito sa pwesto namin kayat walang malubhang nasaktan.




Abbygale

Kahit nangangatog ay dali-dali akong tumungo sa kinaroroonan nila Kuya Jack. Alam kong delikado, pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa nag-iisang kapamilya na natitira sa akin.

Nagliliyab at sira-sirang kapaligiran ang bumungad sa aking harapan ng baybayin ko ang eskinitang pinasukan nila. Nagkalat din ang mga nasusunog na katawan ng mga pulis na wala ng buhay. Mabilis akong kinabahan, gusto nang lumabas ng luha ko.

"Hinde..... K-kuya Jack........" Nangangatal at naghihinang bigkas ko.

Ngunit agad na bumalik ang aking lakas ng makita kong lumabas ang isang pulis mula sa basement, akbay-akbay nito si Kuya Smith na wala ng malay. Kaya naman agad ko silang nilapitan.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon