Chapter 13

1.5K 67 22
                                    

                                            Chapter 13

                                                Vonjo

        Mas lalo nang lumilinaw sa akin ang lahat, kung bakit nagising ako na taglay ang abilidad na ito. Kung bakit nakilala ko ang grupo ni Kimberly, pati na rin si Zamuel. At kung bakit hawak ko ngayon ang susi. Marahil ay nakatakdang makipagtulungan ako sa kanila, malaki din ang posibilidad na matigil na ang mga kababalaghan na nangyayari sa akin, kung matatapos namin ang misteryong nasa likod ng grupo ng Red Blood Organization.

        Tumingin ako sa kanilang lahat, at bumuwelo sa aking sasabihin. “Buo na ang desisyon ko, makikipagtulungan kami sa inyo na tapusin ang misteryong ito.” Natuwa ang grupo nila Kimberly sa aking sinabi. Maging sa aking mga kaibigan ay makikitaan mo ng pagkasabik sa panibagong kababalaghan na lulutasin ng aming grupo.

        “Mas madali sana ang paglutas nito kung nasa atin pa ang huling dalawang pahina ng libro. Kaso nga lang, sinunog na ito ni Trevor para iligtas kami.” Paliwanag ni Kimberly.

        “Huwag kang mag-alala Kimberly, gagawa tayo ng paraan para malabanan sila kahit wala na ang pahina na tinutukoy ninyo.” Tugon ko.



                                                     Tom

        Hindi ko maiwasan ang mag-isip kung ano ang napag-uusapan ng grupo nila Vonjo at nila Kim. Gusto ko sanang sumama kanina, kaso nga lang kailangan kong umuwi dahil sa nanay ko. Matapos kong tulungan si mama sa paghahanda ng hapunan umakyat muna ako sandali sa aking kwarto para magpalit ng damit.

        “Ano kayang pangbahay ang susuotin ko? Tsk! Kaasar naman, nakalimutan ko kasing maglaba kahapon. Badtrip!” Naaasar na bulong ko habang hinahalungkat ko ang damitan.

        Pero napatigil ako ng may marinig akong nag-aaway sa labas, hindi masyado kalayuan sa bahay namin.

        “Sira-ulo ka! Hoy wag kang tumakbo!” Sigaw ng lalake.

        “Mukhang may rumble nanaman.” Dahil sa pagka-curious, tinigilan ko ang paghahanap ng susuotin at dali-dali akong sumilip sa bintana.

        ***** CraAAashh!!!*****

        Nabasag ang salamin at may kung anong bagay na bigla nalang tumama sa ulo ko. Sobrang lakas nito na nagawang pamanhidin ang aking pakiramdam. Para bang bigla nalang akong nahilo, natulala at nabingi. Deretsyong-deretsyo pa ang aking katawan na bumagsak sa sahig. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang hilo at sakit. Napa-gawi sa bandang kanan ang aking tingin kaya nakita ko pa ang bato na tumama sa aking ulo. Nakakapanghina sa pakiramdam hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

        Ngunit kasabay ng aking pagpikit ay biglang pumasok sa aking isip ang mga larawan ng mga nakakakilabot na pangyayari. Sabay-sabay at napakabilis nitong pumapasok sa akin. Ano ito? Bakit ko ito nakikita? Ang files na kinuha ko sa Registrar office, si Trevor, Luther, Ma’am Bernadette, Alex, Kim, sila Officer Alejandre at Perez… Si Mr. Loomis at ang Red Blood Organization. Natatandaan ko na silang lahat, ibig sabihin ba nito ay….. Bumabalik na ang aking alaala? Ang pagkakakuha sa Blood Key at ang mga sakripisyong naganap para sa Blood Lock, isa-isa ko nang nakikita. Hanggang sa bigla nalang umakyat si Trevor sa aking kwarto, at pilit niyang kinukuha sa akin ang librong Truth Beyond the Eyes. Hindi ako pumayag kaya aksidente niya akong naitulak. Libro? Oo ang libro! Kung ganon ito ang dahilan kung bakit……..

        Muling bumalik ang aking malay, at ang aking ina ang una kong nakita. Alalang-alala ito na nakatingin sa akin. Katabi niya ang bunso kong kapatid na lalake na nakahawak pa sa aking kamay.

        “Kuya, gising kana.” Nakangiting sambit nito at lalo pang humigpit ang pagkakakapit sa akin.

        “Ayos kanaba anak? Kumusta na ang pakiramdam mo?” Maluha-luhang tanong nito. Pinilit kong maupo at inalalayan naman ako ni mama.

        “Okay na po ako ma. Basta ang huli kong natatandaan, may nagsigawan tapos pagtingin ko sa bintana bigla nalang akong tumumba.” Paliwanag ko habang nakahawak pa ako sa aking nakabendang noo na kumikirot-kirot. “Nasaan si Papa?”

        “Nahuli niya yung bumato sa bintana kaya dinala kaagad nila ng kumpare niya sa baranggay.” Sagot ni mama.

        “Text mo si papa, sabihin mo pabayaan na niya. Malaki ang dapat kong ipagpasalamat sa lalaking bumato sa bintana.” Natatawang banggit ko na ikinagalit naman ni mama.

        “Ano bang sinasabi mo Tom? Kailangan panagutan nila ang ginawa nila sayo. Natatawa ka pa sa nangyari sayo, okay ka lang ba talaga? Mukhang apektado parin ang utak mo.” Nag-aalalang tanong nito na humawak pa sa aking pisngi.

        Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Salamat sa ginawa ng mokong na iyon, dahil bumalik na ang alaala ko.” Hindi makapaniwala si mama sa sinabi ko, inabot pa ng ilang segundo bago mag register sa utak niya ito. Hanggang sa bigla nalang itong ngumiti at yumakap sa akin.



                                                  Angelito

        Matapos ang usapan tungkol sa Apocalypse na magaganap at sa kung anu-ano pang may kinalaman dito, nag desisyon ang buong grupo na humingi nang tulong kay Officer Alejandre at Perez. Si Vonjo, Luther, Zamuel at ako ang naatasang pumunta sa kinaroroonan ng dalawamg pulis. Pero habang nasa byahe kami papunta sa Police Department, nag simula nang makaramdam ng kakaiba ang aking mga kasama.

        “Kung kailan naman nagmamadali tayo bigla pang nag traffic, ano sa tingin mo ang nangyayari Angelito?” Tanong ni Vonjo na nakalingon sa akin mula sa front seat. Pero nag kibit-balikat nalang ako dahil wala akong ideya sa nangyayari.

        “Paano na to? Malayo paba tayo sa department? Hindi ko kasi kabisado itong lugar ninyo.” Tanong naman ni Zamuel na sumisilip sa labas kung may tsansa pa ba na makaabante ang kanyang sasakyan.

        Sinagot naman siya ni Luther na kasalukuyang katabi ko sa back seat. “Medyo malayo pa tayo Zamuel.” Patuloy lang si Luther sa pagtingin sa paligid, tila naninibago siya sa kanyang nakikita. Kung sabagay, parehas lang sila ni Vonjo na hindi nakita ang pagbabago ng aming bayan sa loob ng isang taon.

        Ilang sandali lang ay nakarinig na kami ng sigawan at halos karamihan ng tao mula sa unahan ay nagtatakbuhan na pabalik. Lahat kami ay napatingin sa labas na nagtataka sa kung ano ang nangyayari.

        “What the? Bakit sila bumabalik? At mukhang natatakot sila” Tanong ko habang pilit kong sinisilip kung ano ang nangyayari sa unahan. “Siguro ito ang dahilan kung bakit traffic.” Tugon naman sa akin ni Vonjo.

        “Shit! Ngayon magaganap ang bagay na iyon…..” Mahinang banggit ni Zamuel na nakatulala sa manibela ng kanyang sasakyan. Kinilabutan kami sa kanyang sinabi lalo na at alam naming may Premonition Ability siya.

        “Ang alin Zamuel? Anong mangyayari?” Nag-aalalang tanong ni Vonjo. Tumingin sa kanya si Zamuel na mukhang kinikilabutan sa posibleng mangyari. Pinagpapawisan itong nagpaliwanag kay Vonjo. “Ma-may sunog na magaganap sa isang restaurant...... aabutin ng apoy ang mga gas tank ng restaurant hanggang sa sumabog ito…. Maraming reporter, pulis at sibilyan na nakapaligid ang madadamay sa pagsabog, at ang iba sa kanila ay mamamatay!” 

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon