Chapter 6

1.7K 75 72
                                    

                                                                  Chapter 6

                                                                     Vonjo

            Mistulang nabingi ako sa sinabi ni Aurora, matagal bago ito tuluyang tanggapin ng aking isip. Gusto kong magkaroon ng isang mapayapang buhay, at kung kailan naman na natapos na namin ang kababalaghan ni Sierra, ngayon pa nangyari sa akin ito.

            “Hi…..hin….hinde! Hindi pwede! Bakit? Paano nangyari ito Aurora?” Mas lalong tumitindi ang kilabot na aking nararamdaman, kaya nauutal na ako sa aking mga sinasabi.

            “Natural lang ang bagay na ito Vonjo, lalo na sa mga kaso ng exorcism.” Sagot niya habang inaalalayan niya akong tumayo.

            “Nasaniban ka ni Sierra sa loob ng mahabang panahon. At nang mas lumakas ang kanyang kapangyarihan na kontrolin ang iyong katawan, doon na nagsimula na mabuksan ang iyong third eye. Dahil ito sa negative aura na dala niya….. Ngayong wala na siya sa katawan mo, iniwanan ka niya ng isang regalo.” Dagdag pa ni Aurora.

            Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi pwedeng magtagal sa akin ang ability na ito. Hindi ako makakapamuhay ng normal.

            Ayoko! Ayoko nito! Paki-usap Aurora, tanggalin mo sa akin ang abilidad na ito!” Paki-usap ko sa kanya.

            “Maari kaming magbukas, ngunit hindi ang magsara….. Maaari kong gawan ng paraan na pansamantala itong hindi maging active, pero darating din ang panahon na kusa itong lalakas at wala ka ng ibang magagawa kundi makita sila sa gusto mo man o hinde.” Tugon niya.

            Pinanghinaan ako sa sinabi niya, wala na palang paraan para maisara ang third eye ko. Para na akong masisiraan ng bait kapag naiisip ko na araw-araw akong makakakita ng kaluluwa kahit saang lugar.

            Humawak sa aking balikat si Aurora at sinubukan niya akong pakalmahin. “Mas makakabuti kung tatanggapin mo na ito… Simulan mo nang sanayin ang sarili mo, hanggang sa maging normal na bagay nalang sila sa paligid. Ito lang ang magiging paraan para mawala ang takot na nararamdaman mo.”

            “S---sige….Susubukan ko…… Aalis na ako, salamat Aurora.” Nanghihinang sagot ko sa kanya.

            Lumabas na ako ng bahay ni Aurora, pero bago pa man ako tuluyang makalayo, may binanggit siya sa akin.

            “Vonjo! Welcome, to our world!”

                                                             Luther

            Mabilis na lumipas ang mga panahon, hindi ko namalayan kung ilang buwan na ba ang lumipas simula ng isama ako ng Red Blood Organization. Pero isa lang ang alam ko, pinipilit nilang aralin ko ang lahat ng tungkol sa kanila. Ang paraan ng paggamit ng itim na dasal at ang proseso ng pagsasakripisyo.

            May inihahanda silang malagim at malaking plano. At isa ako sa magiging parte ng kanilang plano. Ngunit hindi ako pumayag sa gusto nila, ayaw kong lubusang mabahiran ng kadiliman ang aking kaluluwa at katawan.

            Hindi ko na mabubura ang katotohanan na anak ako ni Diethard Keegan. Ang itinuturing na Supremo ng Red Blood Organization. Pero gagawin ko ang lahat para mapigilan sila at maitama ang masamang dugo na nananalaytay sa aking katawan.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon