Chapter 18

1.5K 69 13
                                    

                                                  Chapter 18

                                                    Abbygale

            Iniabot niya sa akin ang isang nakatiklop na papel, na mukhang pinunit galing sa isang notebook. Lumantad sa akin ang isang magandang drawing, ngunit ang mas iki-namangha ko ay ang aking sarili na nakaguhit dito. “A-ako ito….  Ako ito diba?” Tanong ko. “Oo Abbygale, ikaw nga iyan. Iginuhit ko ang isang iyan dahil nakatakda itong mangyari.” Sagot naman ni Zamuel.

            Sa kanyang drawing ay parang may hawak akong isang bagay. Hindi makita kung ano ito dahil mahigpit itong hawak ng aking kamay. Tapos kulay puti ang aking mga mata na tila nasasaniban. “Bakit ganito ako sa drawing mo? Anong mangyayari sa akin?”

            “Iyan ang araw na lumakas na ang abilidad mo. Hindi malinaw kung ano yung bagay na hinawakan mo….. Pero ang nasisiguro ko lang ay may kinalaman si Vonjo dito.” Sagot niya sa akin. Pero naguguluhan parin ako, ano ba talaga ang kinalaman ni Vonjo sa abilidad ko? “Teka, Zamuel! Paano mo nasabi na may kinalaman si Vonjo dito?” Lumapit sa akin si Zamuel at may itinuro siya sa sketch. “Pagmasdan mong maiigi ito Abby. Ang reflection ng salamin na naka-pwesto sa likod mo.” Sagot niya habang itinuturo niya sa akin ang kanyang sinasabi.

            Nanlaki ang aking mga mata ng mapansin ko ang reflection sa salamin na kanyang iginuhit. Nandoon nga si Vonjo, at nakatayo ito sa aking harapan. “Si-si Vonjo nga ito… Pero pa-paano? Kailan ito? Saan?” Naguguluhang tanong ko.

            “Hindi ko din alam kung kalian at saan ito magaganap. Pero ang payo ko lang sayo, huwag mong hanapin. Dahil kusa ka naman nitong dadalhin sa nakatakdang mangyari….. Sinabi ko lang sayo ito para maging handa ka.” Paliwanag niya.

            “Alam mo Zamuel, mas lalo mong pinapasakit ang ulo ko! Pero bahala na…. Magiging handa nalang ako.” Kung ganon tama nga ang hinala ko na namana ko kay papa ang ability niya na Psychometry. Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit ko nakita ang nakaraan ni Vonjo ng hinawakan ko siya sa kamay noong panahon na comatose pa siya. Ang lahat nang iyon ay dahil sa taglay kong ability.

            “At meron pa nga pala akong isang bagay na gustong sabihin sayo.” May pagkapilyong ngiti na sabi nito. “Ano pa?” Tanong ko.

            “Nakita ko din sa panaginip ko kung ano ang ginawa mo kay Vonjo nung panahon na comatose pa siya…..” Hindi mapigilan sa pag ngiti si Zamuel, mukhang nakita niya nga talaga ang bagay na iyon! Shit naloko na! Nakakahiya! Pakiramdam ko namumula na kaagad ako kahit hindi pa niya binabanggit.

            “Hinalikan mo si Vonjo sa labi, nang hindi niya nalalaman….” Sabay tawa ni Zamuel.

 

                                                   Kimberly

            Mas magiging delikado at seryoso na ang lahat ng bagay simula bukas. Muli nanaman naming haharapin ang Red Blood Organization. Pero sa pagkakataon na ito hindi lang namin basta-basta aalamin kung ano ang sikreto nila. Dahil ngayon, pipigilan na namin sila sa kanilang malagim na binabalak.

            “Kim, matutulog kana ba?” Tanong ni mama na may dala-dalang labahin niya para bukas. “Opo Ma, matutulog na po ako, medyo pagod po kasi ako kaka-isip.” Sagot ko sabay bukas ng pinto ng aking kwarto. “Sige, good night…. ” Pagkasabi ay humalik na sa aking pisngi si mama, tapos ay dumeretsyo na ito sa kusina. Ako naman ay pumasok na din sa aking kwarto. Nang binuksan ko ang ilaw ay laking gulat ko ng makita ko si Luther na naka-upo sa aking kama.

            “Fuck! Luther anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Baka may makakita sayo.” Mahinang sambit ko habang lumalapit ako sa kanya. “Pumunta lang ako para sabihin sayo na kailangan na nating kumilos kaagad bago niya ako balikan!” Natatarantang banggit ni Luther na nakahawak sa magkabila kong balikat. “Sino? Ang Red Blood Org?” Tanong ko. Kinakabahan ako sa ikinikilos ni Luther, ngunit mas kinabahan ako ng marinig kong bumukas ang pinto. “Shit! Huli!” Ano ang ipapaliwanag ko ngayon? Tumingin ako sa pinto kung sino ang nakakakita sa amin. Mabilis na tumulo ang aking mga luha ng makita ko si Trevor.

            “T-trevor, pero… patay kana? I-ibig bang sabihin nito ay nananaginip nanaman ako?” Maluha-luhang tanong ko.

            “Huwag kang umiyak Kim, gusto ko lang sabihin na mag-iingat kayo sa plano ninyo laban sa Red Blood….. gusto ko din kayong bigyan ng babala….” Sabi sa amin ni Trevor.

            “Ano iyon Trevor?” Tanong naman ni Luther.

            “ITO!!!” Biglang humugot ng baril si Trevor at pinaputukan niya ng limang sunod si Luther sa dibdib.

            “HINDEEEEEEEEEE!!!!”

            “Kim, gising! Anak gising!” Naramdama ko ang masakit na sampal sa akin ni mama dahilan para muli akong magising. Dali-dali akong bumangon at humabol ng paghinga. Agad din naman akong pina-inom ni mama ng tubig habang hinihimas niya ang aking likuran. Pinunasan ko ang aking luha na patuloy lang sa pagtulo.

            “Anong problema anak? Binabangungot ka… Ano ba ang napanaginipan mo?” Nag-aalalang tanong ni mama habang linalagyan niya ng sapin ang aking likod na basang-basa ng pawis.

            “Sobrang nakakatakot lang po mama…. Please, samahan mo po muna akong matulog.” Maluha-luha nanamang tugon ko sa kanya. “Sige anak, sasamahan muna kita.” Pagkatapos ay inalalayan na niya akong humiga.

            Sobrang bigat na ng nararamdaman ko. Bakit kaba laging nagpapakita sa panaginip ko Trevor? Ano ba ang gusto mong iparating?

                                                      Supremo

            “Matagal na panahon na nating hinintay ang nakatakdang muling pagkabuhay….. Sa araw na iyon ay muli nating makakasama ang mga mahal natin sa buhay na linamon na ng kamatayan! At ang pagbabalik ng ating panginoon ay malapit na nating masaksihan!”

        “Maraming buhay na ng ating mga kasama ang nasakripisyo! Ngunit maraming buhay na rin ang ating nai-alay! Napunan na ang pangangailangan ng ating susi! At naihanda na ang anim na bahagi ng ritwal!”

        “Ngayon ay panahon na, upang simulan ang pagpuno sa pangangailangan ng anim na bahagi ng ritwal!”

        “Ito na ang itinakdang panahon!!!! Ang panahon, ng RED BLOOD!!!!!”

        Kasabay nito ang malakas na papuri ng buong myembro ng Red Blood Org sa kanilang kinikilalang supremo, at maging sa kinikilala nilang panginoon.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon