Chapter 42

1.2K 53 5
                                    

Chapter 42

Luther

P-patay na ang nanay ko.......

Mabilis na kumalat ang kanyang dugo sa paligid. Hindi ko siya magawang lapitan, nangangatog ako------nanonoot ang sakit at galit sa akin!

A-ang ama ko ang may kagagawan nito...........

Hinde! Hindi ko siya ama. Matagal nang patay ang ama ko. Sa ginawa niyang ito hinding-hindi ko siya mapapatawad.

"Ako mismo ang papatay sayo..............." Humarap ako sa kanya na napupuno ng galit.

"Papatayin kita----SUPREMO!" Pasigaw na banta ko sa kanya.

Iniumang ko ang kamay ko. Ibinigay ko ang buong pwersa ko para patalsikin siya. Nagulat ako ng tumilapon siya mula sa pwesto niya. Marahil dala iyon ng matinding galit ko, nararamdaman ko na ang pagpupumiglas ng kadiliman sa loob ko.

Nakatayong bumagsak sa sahig ang Supremo na tila wala lang sa kanya ang ginawa ko. Mapang-asar pa siyang nakangisi sa akin.

"Raaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!"

Nagawa kong paangatin lahat ng mabibigat na bagay sa paligid. Sabay-sabay ko itong ibinato sa direksyon niya.

Pero parang tumigil ang oras. Ang lahat ng bagay na ibinato ko sa kanya gamit ang abilidad ko ay bigla nalang huminto. Bakit ganon? Bakit nawala ang kontrol ko sa mga bagay na ito?

"Not bad---my son! Okay lang yan, ganyan talaga sa simula..... lalakas din yan." Ani ng Supremo.

Lubhang napakalakas niya, sa pamamagitan lang ng kanyang tingin na-counter na kaagad niya ang atake ko.

Anong gagawin ko?

Bago pa man ako maka-isip ng susunod kong plano, umaksyon na kaagad ang Supremo. Sa akin na niya ibinato ang mga bagay na itinapon ko sa kanya.

Sinubukan kong pigilan ang mga ito ngunit may ilang bagay na nakalusot at direktang tumama sa aking katawan.

"Aarrgghh.." Pamimilipit ko sa sakit dahil sa tumamang bakal sa tagiliran ko.

"Huwag mong sabihing hanggang dito ka na lang Luther." Ani niya habang papalapit sa akin.

"Ito na ang katapusan mo......" Muling bigkas niya kasabay ng pag-angat ng isang matulis na bagay.

Hindi pa talaga ako handa. Wala akong pag-asang matalo siya ngayon. Hindi dapat ako nagmadali. Ngayon ito na ang aking katapusan, pero tatanggapin ko ito upang makasama ko na ang nanay ko.

------BANG !------

Umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid. Para bang huminto din ang pangyayari. Namalayan ko nalang na bumagsak na ang matulis na bagay na dapat papatay sa akin. Kitang-kita ko ang reaksyon ng mukha ng Supremo. Bakas sa kanya ang matinding pagkairita habang nakaangat ang kanyang kanang kamay na tila may pinigilan.

Lumulutang na nakahinto ang bala ng baril sa tapat ng kanyang kamay hanggang sa tuluyan na rin itong bumagsak sa lupa. Sabay naming tinignan ng Supremo ang pinanggalingan nito.

"Supremo......" Bigkas ni Vonjo na matapang na nakatutok ang baril sa aking ama.

"Mag-iingat ka, makapangyarihan ang Supremo." Sambit naman ni Zamuel na kasa-kasama niya.

Ngumiti at humarap sa kanila ang Supremo. "Kung ganon, ito pala ang sagot mo sa pinag-usapan natin." Ani niya.

"Kahit kailan hindi ko pinangarap na maging isa sa kadiliman." Matapang na tugon ni Vonjo. Mas lalo pang humigpit ang hawak nito sa baril.

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon