Chapter 52
Tristan
Sayo natapat ang araw ng kadiliman, kaya naman palakasin mo ang sarili mo. Kailangan mong matutunan ang mga bagay na magliligtas sayo, ang mga bagay na makakatulong sayo upang mapagtagumpayan ang misyon na ito. Ang misyon na minana pa natin mula sa ating mga ninuno. Ang misyon na hadlangan ang pangunahing layunin ng isang samahan----ang nakatakdang araw, ng pagpatak ng Pulang Dugo.
Ito ang paulit-ulit na paalala sa akin ng aking lolo sa tuwing sasanayin niya ako sa pakikipaglaban. Hinasa niya ang aking intelektwal, emosyonal at pisikal na kakayahan upang maging handa sa mga hindi pangkaraniwang makakaharap.
Kailangan ko silang pigilan! Kailangan ko silang pigilan sa abot ng aking makakaya, kahit maging kapalit man nito ay ang sarili kong buhay. Alam kong magagawa ko ito, magagawa ko silang pabagsakin sa mismong araw ng huling ritwal. Magagawa kong wakasan ang buhay ng kinikilala nilang Supremo, at maging ang buhay ng itinakda nilang sakripisyo.
"Gising Tristan! Gumising ka!" Humahangos na pagyugyog sa akin ng kaibigan kong si Alexis.
Bakas sa kanyang mukha ang pagkataranta at takot. Nang umupo ako mula sa pagkakahiga, doon ko lang namalayan na hawak niya ang kanyang duguang patalim. Bumungad na din sa akin ang tatlong katawan na nakahandusay malapit sa aking higaan. Dali-dali kong dinampot ang patalim na ipinamana sa akin ni lolo.
"Anong nangyari Alexis?" Tarantang tanong ko sa kanya kasabay ng aking mabilis na pagtayo.
Muli niyang ibinaling ang tingin sa pintuan ng kwarto. "Nandito sila. Sinugod tayo ng Red Blood Organization!" Mabilis na usal niya ng ihanda niya ang kanyang patalim.
Panandaliang katahimikan ang bumalot sa kwarto, palakas ng palakas ang mga yabag na tila tumatakbo papunta sa aming kinaroroonan.
"Lumalaban mag isa ang lolo mo sa ensayuhan natin. Puntahan mo na siya! Tulungan mo siya, ako nang bahala dito." May pagkakampanteng ani nito ngunit makikita mo ang reaksyon niya na tila ito na ang huli niyang laban.
Ayoko sana siyang iwan, pero pinagpilitan niya akong paalisin.
"BILISAN MO! ILIGTAS MO ANG LOLO MO!" Sigaw niya. Kaya agad naman akong lumabas sa bintana para madaling makapunta kay lolo.
Bago ko siya tuluyang iwan, nakita ko ang pagpasok ng hindi mabilang na myembro ng RBO na sabay-sabay sumugod sa kanya. Pero kampante niya itong hinarap at nakipaglaban hanggang kamatayan.
Nagkukumahog akong pumunta sa ensayuhan namin kung saan naroroon si lolo. Ngunit tila huli na yata ang lahat. Naabutan ko siyang wala ng laban at puro sugat na sa katawan. Hinang-hina itong nakaluhod habang nakasabunot sa kanya ang isang babae at pilit siyang pinapatingin sa isang dereksyon. Samantalang ang isang malaking lalake na tila nakalaban ni lolo ay nagsimula ng lumuhod na tila nagbibigay ng papuri sa dumarating.
Isang lalake ang palapit sa kanila, nakangiti itong nakatitig sa aking lolo hanggang sa maabot niya ang kinaroroonan nito.
"Ang huling Hunter na nangangarap para hadlangan ang mga adhikain namin." Bungad ng lalake.
"K-kung ganon..... i-ikaw ang Supremo.." Nangangatal na sambit ng aking lolo.
Siya ang Supremo, siya ang nakatakda kong pigilan. Sa isang tingin mo palang ay masasabi mo ng hindi siya pangkaraniwang tao. May kung anong sobrang lakas na pwersa ang pumapalibot sa kanya---isang Negatibong pwersa.
BINABASA MO ANG
Unfinished 3
Paranormal"It will come to an end!" (The last book of Unfinished)(Trilogy) Ang lahat ng bagay na may kinalaman sa nakaraan ay muling babangon sa hukay, upang ang nanahimik na bayan ay dalhin sa malagim na katotohanan....... Nakaraan, kapangyarihan, espirito...