Chapter 11

1.5K 66 12
                                    

                                                   Chapter 11

                                                    Clarissa

        Seryoso ba ang lalakeng ito sa mga sinasabi nya? Napatulala kaming lahat dahil nabigla kami sa mga katagang binitawan niya. At mukhang siguradong-sigurado na siya sa kanyang sinasabi sa amin.

        “Baliw ka ba? Tama ba ang narinig ko? Lahat tayo ay MAMAMATAY?” Natatawa na hindi ako makapaniwala, paano nya nasabi ang mga bagay na iyon? Ganon ba kalakas ang ability niyang Premonition.

        “Malaki ang posibilidad na totoo ang sinasabi niya Clarissa.” Nagulat ako sa sinabing ito ni Vonjo. Maging siya ay mukhang napaniwala ng lalakeng ito.

        “P---pero bakit? Bakit ka naniniwala sa kanya Vonjo?” Tanong ko sa kanya.

        “Narinig na namin ni Kimberly ang tungkol sa kwento nya kung paano siya nagsimilang magkaroon ng Premonition. At may mga bagay na siyang napakita sa amin para magtiwala kami sa kanya, at sa mga sinasabi niya.” Paliwanag ni Vonjo habang seryoso itong nakatingin kay Zamuel.

        “Ipagpalagay natin na totoo nga ang sinasabi mo Zamuel. Paano tayo mamamatay at sa anong dahilan?” Tanong ni Alex.

        Inilapag ni Zamuel ang dala niya at tinanggal nito ang tela. Lumantad sa amin ang isang painting na naglalarawan ng aming buong bayan. Napupuno ito ng apoy at wasak ang buong kapaligiran. Marami rin ang patay at tila isinakripisyo ang mga katawan ng taong nakaguhit dito. Samantalang napapagitnaan ang Fildenthon University ng image ng isang star na nagsisimbulo ng isang malakihang ritwal.

        “A---anong ibig sabihin nito?” Naguguluhang tanong ni Rodylien na pinagmamasdan ng maigi ang painting.

        “Ito yung, ipinaliwanag sa atin ni Officer Alejandre, tungkol sa posibleng plano ng Red Blood Org. Nauna na silang mag-alay ng buhay sa limang Blood Lock nung nakaraang taon.” Sabi ni Kim habang tinuturo niya ang limang sides ng star na tinutukoy niyang Blood Lock.

        “Bakit hindi nalang tayo umalis at magpakalayu-layo para hindi tayo madamay?” Natatakot na mungkahi ni Angelito.

        Tumawa si Zamuel bago ito tumugon sa mungkahi ni Angelito. “Kahit magpakalayu-layo kayo, susundan parin nila kayo. Dahil ang lahat ng may kinalaman o nag karoon nang kaugnayan sa Red Blood Organization, ay magiging parte ng sakripisyo.”

        Tumayo si Chryztyn at idinepensa niya ang aming grupo. “Pero wala naman kaming kinalaman sa Red Blood Org! Hindi nga namin kilala kung sino sila. At hindi rin namin alam na nag-eexist pala ang grupo na iyon.”

        “Mas makakabuti siguro kung si Luther nalang ang magpapaliwanag sa tanong mo na iyan. Sa tingin ko ay mas alam na niya ang tungkol sa Red Blood Org dahil minsan na siyang dinakip nito.” Tumingin ito kay Luther kaya lahat ng aming atensyon ay napunta na rin sa kanya.

        “Anong nalalaman mo Luther? Maaari ka nang magkwento tungkol sa pinagdaanan mo sa kamay ng Red Blood Org.” Sabi ni Kim.



                                                   Luther

        Napakabigat ng tingin nila sa aking lahat. Naghihintay sila sa aking sasabihin. Pero paano kung malaman nila na anak ako ng supremo ng Red Blood Organization? Anong magiging reaksyon nila? Matatanggap kaya nila ako at pagkakatiwalaan pa ba nila ako? Mas mabuti siguro kung ilihim ko nalang ang bagay na iyon.

        “Dahil sa taglay kong abilidad, pinipilit nila akong maging member. Kung anu-anong ritwal ang itinuturo nila sa akin tungkol sa paraan ng pagsasakripisyo. Pero buong lakas akong tumanggi sa mga gusto nilang mangyari, kaya araw-araw nila akong sinasaktan.”

        Napansin kong labis ang pagkalungkot nila Kimberly, Alex at Ma’am Bernadette sa pagsisimula ko ng kwento. Samantalang ang grupo naman ni Vonjo ay seryosong pinag-aaralan ang aking mga sinasabi.

        “Ayon sa kanila, isang mabigat na parte ang gagampanan ko sa pagsapit ng tinutukoy nilang Muling Pagkabuhay. Pero wala silang napala sa akin hanggang sa dumating ang araw na sinabi nilang, wala na akong pakinabang sa kanila. Nakahanap na sila ng papalit sa akin.”

        Tumikom ang aking mga kamao dahil sa panggigil na bigla kong naramdaman. “Kaya mas minabuti nila na wakasan na ang buhay ko.” Nanggigigil ako dahil hindi ko lubos maiisip na ipapapatay ako ng sarili kong ama. Ang tingin niya sa akin ay parte lamang nang maitim nilang plano.

        Malinaw na sa akin ang lahat ng bagay. Simula palang ng bata ako ay inihahanda na niya ako sa ganitong gawain. Iminulat niya ako sa kababalaghan na nababalot sa aming paaralan. Naglaho siyang parang bula para mas lalo akong magkaroon ng dahilan para alamin ang tungkol sa Red Blood Org. Nagpalinlang ako sa kanya, ako pa ang kusang lumapit sa bitag na inihanda niya para sa akin.

        “Maswerte nalang ako dahil nakatakas ako sa kamay ng dalawang kulto na itinakdang pumatay sa akin. Nawalan ako ng malay hanggang sa magising nalang ako dito sa bahay nila Vonjo.”

        Tinignan kong maigi ang bawat isang myembro ng grupo ni Vonjo. Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tanong na kanina pa nila inaabangan. “Ang dahilan kung bakit naging konektado kayo sa Red Blood Org ay dahil kay Mr. Rodriguez!”

        Natulala sila at para bang muling bumalik sa kanila ang ala-ala noong mga oras na inihahanda sila ni Mr. Rodriguez sa isang sakripisyo.

        “Ibig bang sabihin nito ay member din si Mr. Rodriguez ng sinasabi nyong grupo ng mga kulto?” Tanong ni Vonjo.

        “Tama ang hinala namin dati na parte si Mr. Rodriguez ng Red Blood. Dahil ang mismong supremo ang nagkwento sa akin tungkol sa bagay na ito. Kabilang si Sierra Rodriguez sa mga paunang sakripisyo para sa Fildenthon University, si Mr. Rodriguez ang mismong pumatay sa kanya. Ginawa niya ito dahil nangako sa kanya ang supremo na muling bubuhayin si Sierra sa pamamagitan ng panibagong pagsasakripisyo. Dugo ng mga napiling kabataan. At kayo iyon Vonjo.” Taimtim silang nakikinig sa aking mga sinasabi.

        “Katulad nga nang sinabi sa amin ni Mr. Rodriguez dati. Pinayagan nyang maging sub-organization ang Ghost Club para subukin ang aming mga kakayahan. At napatunayan namin na karapat dapat kaming maging sakripisyo.” Pagsang-ayon ni Vonjo sa aking sinasabi.

        “Pero may isa pang bagay na nakapagpasiguro sa akin na malaki ang papel mo sa mangyayaring ito Vonjo.” Tumayo ako itunuro ko ang napansin kong kanina pang nagmamasid sa amin. Nakatayo lang ito sa may sulok ng sala.

        Tumingin silang lahat pero si Zamuel at Vonjo lang ang nagbigay ng reaksyon. Patunay na may third eye din sila katulad ko.

        “Holy Shit! Ngayon ko lang napansin iyan.” Sabi ni Zamuel.

        Bigla ding napatayo si Vonjo at agad itong namutla. “I---ibig sabihin, nakikita nyo rin… ang kaluluwa ng batang babae?”



Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon