EPILOGUE

1.2K 44 34
                                    

                        EPILOGUE

After one week.

Kakatapos lang ng awarding sa Police Station.

“Congrats, SPO3 Alejandre. Ang laki ng tinaas ng rank natin dahil sa RBO.” Bati ni San Diego.

“Congrats din, SPO2 San Diego. Parehas natin itong pinaghirapan para iligtas ang bayan.” Tugon naman ni Alejandre.

“Sigurado akong matutuwa si Perez sa achievement na nakuha mo sa trabaho natin at sa pagbawi mo para sa kanya sa Supremo.” Dagdag pa nito.

“Sigurado ako dyan. At mas matutuwa siya kung mas lalo pa nating pag-iigihin ang serbisyo sa bayan.” Pagkasabi ni Alejandre ay kapwa na sila nagsaluduhan.

Sa sementeryo kung saan nakalagak ang katawan ni Luther.

Sariwa parin ang sugat sa kanilang mga puso sa pagkawala ni Luther. Pero pursigido ang bawat isa na makapagpatuloy muli ng panibagong simula.

“Tara na, baka gabihin pa tayo. Pupunta pa tayo kina Arvine.” Pag-aya ni Ma’am Bernadette.

“’Oh paano ba iyan Trevor at Luther, aalis na kami.” Pagpapaalam ni Tom na nagpapagaling sa tinamo niya sa kamay ng Supremo.

“Bibisita nalang kami ulit sa inyo. Oh kaya kayo nalang ang bumisita sa amin.” Pabirong sambit ni Alex.

“Aba ikaw nalang Alex. Oy kayong dalawa siya lang ang may gusto kaya sa kanya lang kayo dumalaw.” Pangbabasag ni Tom nanakapagpangiti sa kanilang lahat.

Muling tumingin si Kimberly sa magkatabing puntod ni Trevor at Luther. “Maraming salamat sa inyong dalawa. Maraming salamat sa pagprotekta nyo sa bayan natin at sa amin. Hindi ko kayo magagawang kalimutan. Pero pinapangako ko sa inyo na magpapatuloy kami sa buhay, sa mga pangarap namin.” Sambit ni Kimberly.

Maglalakad na sana siya kasunod ng kanyang mga kasama. Pero napatigil siya ng may matanaw siya sa hindi kalayuan.

“Trevor, Luther.” Mahinang bigkas niya.

Nakangiti sa kanya ang dalawa hanggang sa mabilis silang naglaho kasabay ng pagdaan ng malakas na hangin.

Hindi napigilang maluha si Kimberly dahil sa huling pagkakataon na ibinigay sa kanya para makita ang dalawa. Agad din naman niyang pinunasan ang kanyang luha at nakangiting naglakad palayo sa puntod ng dalawa niyang kaibigan.

Sa bahay naman ni Arvine nagkakasiyahan ang kanilang samahan dahil sa kakatapos lang na binyag ng anak nila ni Romylyn.

“Ang cute-cute talaga ni Arjom.” Ani ni Chryztyn habang linalaro niya ito.

“Syempre naman, kanino pa ba iyan magmamana kundi sa akin.” Nakangiti at kampanteng tugon ni Rhom habang buhat-buhat niya ang kanilang anak.

“Aba, may ambag din ako kaya gwapo yang anak natin Rhom.” Pagmamaktol ni Arvine na umiinom kasama si Angelito.

“Naku pre, huwag ka ng umasa kasi walang bakas ng Arvine kay Arjom.” Basag ni Angelito na nakapagpatawa sa kanilang lahat.

“Lakas talaga mangbara nitong kamote na ito. Pagbigyan mo na si Arvine minsan lang eh.” Pahabol ni Rhod.

“Isa ka pa. Pasimpleng gatong ka din.” Nakangiting reaksyon ni Arvine kay Rhod.

“Oh bakit Ada? Bakit parang nakatulala ka lang diyan? May problem ba?” Tanong ni Clarissa ng mapansin niya si Ada na nakangiti nga sa kanila pero parang lumilipad naman ang isip.

“Ah wala lang. Naisip ko lang si Vonjo, buti nalang nakasama sila kanina sa binyag. Kaso nga lang hindi sila nakasama sa pagsasaya natin ngayon.” Tugon naman ni Ada.

“Okay lang iyon, Ada.” Sambit ni Shen sabay akbay sa kaibigan.

“May mga susunod na araw pa naman para makasama natin siya. Babalik naman daw sila diba. Kailangan niya lang talagang umuwi sa pamilya niya.” Dagdag pa ni Shen.

“Tama! Matagal-tagal na rin siyang hindi nakikita ng pamilya niya. Oras na para umuwi sa mga taong naghihintay sa kanya.” Sambit ni Rhod.

“Oh! Walang lugar para sa mga malulungkot na mukha! Back to party na tayo!” Pag-agaw ni Angelito sa atensyon ng lahat at itinaas niya ang hawak niyang baso na may lamang alak. Kaya naman sumunod din sa kanya ang iba.

“Para kay Arjom! Para sa ating mga nandito! Para sa mga kaibigan natin! Para sa tagumpay! At para sa kaibigan nating si Vonjo------CHEERS!”

Nakangiti at sabay-sabay silang nag…

“CHEERS!”


NAIA TERMINAL 1

Bumangon na si Abbygale sa pagkaka-unan niya sa balikat ko ng may nag announce na maari na kaming pumasok sa loob ng eroplano.

“Vonjo, tara na. Pwede na tayong sumakay. Excited na akong nakapunta ng Singapore para ma-meet ang family mo.” Masayang sambit niya sa akin.

“At mas excited silang makilala ka dahil sa mga kwento ni Shana tungkol sayo.” Pagkasabi ko’y tumayo na rin ako kasabay ng mga taong makakasama namin sa loob ng eroplano.

“Wala ka na bang naiwan dyan?” Tanong ko sa kanya.

“Wala na okay na ako.” Nakangiti niyang hinila ang kanyang maleta sabay hawak sa kamay ko.

“Thank you!” Nakangiting sambit niya na tila nagpapa-cute pa.

“Para saan?” Tanong ko naman na nangingiti dahil sa reaksyon ng mukha niya.

“Sa lahat-lahat. Pati na rin sa pagsama mo sa akin papunta sa pamilya mo.” Mabilis na tugon niya.

Tinitigan ko siya ng maigi sa kanyang mga nangungusap na mata.

    Pagkatapos ay hinalikan ko siya sa kanyang malambot na labi.

Mabilis siyang namula pero nandoon parin ang saya sa kanyang mga mata at matamis na ngiti.

“I love you.” Sambit ko. At binigyan ko rin siya ng matamis na ngiti.

“I love you too, Vonjo.” Mas lalo siyang napangiti at lalong humigpit ang paghawak niya sa aking kamay.

Matapos ang matamis na pagtitinginan ay naglakad na kami.
Kapwa nananabik sa isang tahimik at panibagong simula.

……………..

……………..

……………..

“Kuya! Kuya!” Paghabol sa amin ng isang batang babae.

Napatigil kami ni Abbygale at hinintay ko yung batang makalapit sa amin.

“Bakit?” nakangiting tanong ni Abbygale sa bata.

“May naiwan po kayo!” Tugon nito sabay abot ng nakatikom niyang kamay.

Nangiti pa ako bago ako yumuko para abutin sa kanya yung sinasabi niyang naiwan ko. “Alin ba yang naiwan ko?” Nakangiting paghahain ko ng nakabukas kong palad.

Agad din naman niya itong inilagay sa aking kamay.

Mabilis nagbago ang reaksyon ng aking mukha. Ang kaninang saya na nararamdaman ko ay biglang napalitan ng kilabot at pag-aalala.

“Blood Key.” Sambit ko at agad akong tumingin kay Abbygale.

Bigla tuloy nagkaroon ng takot sa mukha ni Abbygale, kaya muli kong liningon yung batang babae.

“Sino ang nagbigay sa iyo nito?” Nangangambang tanong ko sa kanya.

“Siya po!” Sabay turo ng bata sa isang babae na nasa labas ng boarding gate.

Imposible ito!

Meron pa palang natira sa kanila.

Siya yung babaeng gumagamit ng mga baraha para makita ang hinaharap.

Siya yung babaeng pinakilala sa akin ng Supremo.

Siya ang bagong-------- Supremo.

“Scarlett.”

                          FINISHED

Unfinished 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon